Jennie's POV
Two years later...
"Jennie!"
Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita si Hoseok oppa kasama sila Jungkook, Taehyung oppa, Jimin oppa, Namjoon oppa, at Jin oppa. (Excessive oppa's dafuq)
"Hello guys!" Bati ko at lumapit sa kanila, "Nasaan si Yoongi?"
Tinignan lang nila ang isa't isa tsaka binalik ang tingin sa'kin, "Yun na nga din sana tatanungin namin sayo eh, 'di mo ba siya kasama?"
"Hindi eh, 'di nga kami nagkita today eh." Sagot ko at yumuko.
"Hayst, saan ba napadpad yung pagong na yun?" Iritang sabi ni Seokjin oppa.
"Wala na, kinalimutan niya na yung Second Anniversary namin." Sabi ko na ikinalingon nila.
"Uy wag naman ganyan."
"Baka nalate lang yun!"
"Eh dadating din yun ano ka ba!"
"Wag ka po muna mag-conclude noona."
'Di ko na sila pinansin at naglakad palayo, "Kung dumating man yung lalaking yun, sabihin niyo naghanap na ako ng bagong boyfriend!"
Tumakbo ako papunta sa ilalim ng isang puno at naupo doon at inilabas sa bag ko ang isang paper bag na naglalaman ng gift ko para kay Yoongi.
Rolex watch pa naman 'to, sayang lang. Psh.
I laid my head against the tree and closed ny eyes. bwisit ka yoongi, kung kakalimutan mo 'to, ikaw ang kakalimutan ko tangina mo.
"Oh yoongi? Nandito ka?"
Nagising ang buong diwa ko sa boses na 'yun.
Boses ng babae?
Napalingon ako sa direksyon nun at nakita si Yoongi na kasama si...Jeuni?!
Nagtatawanan pa sila at may pahawak-hawak pa si Jeuni kay Yoongi.
Patay ka sa'kin Yoongi, Pagong pati Ahas pa talaga nagsama ah.
Tumayo ako at nilapitan silang dalawa ng may ngiti, "Asawa ko? Ba't kasama mo si Jeuni?"
Mukhang gulat silang makita ako, lalong lalo na si Jeuni.
"Ah asawa ko~ Nagkataon lang na nandito si Jeuni kaya kinumusta ko lang naman siya." Sabi ni Yoongi.
"Oh ako? 'Di mo ako kinumusta? Sa pagkakaalam ko kasi may event tayo today eh." Sagot ko habang nagkunwaring malungkot, "Ay wait, nagaya ata ako sayo. Nakalimutan ko din anong meron ngayon!"
Tumawa lang ako dun habang si Yoongi naman halatang worried.
"Sorry asawa ko~ Pero 'di ko naman nakalimutan eh, sadyang nakita ko lang si Jeuni dito." Sagot ni Yoongi.
"Eh? Diba sabi mo may ibibigay ka sa'kin?" Tanong naman ni Jeuni.
"Hala, ibigay mo na kung anong ibibigay mo kay Jeuni oh!" Sabi ko kay Yoongi habang tinitignan si Jeuni.
"Ha? Wala akong sinabing—"
"Hala eto na ba yun?"
Kinuha ni Jeuni ang isang paper bag galing kay Yoongi, "Thank you~!"
"Jeuni hin—"
"Wow! What's this little box?"
Lumaki ang mata ko ng makita ko ang isang maliit na box sa kamay ni Jeuni.
Tinignan ko si Yoongi at nakita kong halos pareho lang kami ng iniisip.
"Y-Yoongi?"
Hinablot niya yung box galing kay Jeuni at agad lumuhod sa harap ko, popping open the box—reavealing a ring.
"W-Will you marry me Kim Jennie?"
"Ha?"
"Sabi ko, papakasalan mo ba ako asawa ko?"
Lumunok ako at huminga ng malalim tsaka tinignan si Jeuni na nakangiti lang.
"T-Tinatanong pa ba yan?" Sagot ko, "Malamang hindi..."
"ANO?!"
"...hindi ko ito kayang tanggihan!"
Niyakap agad ako ni Yoongi dahil dun.
"Y-Yoongi 'di na ako makahinga ah!" Sabi ko at agad siyang humiwalay sa yakap bago sinuot sa'kin yung singsing.
"Sa'kin ka na Kim Jennie~" Sabi niya at hinalikan ako.
"YAKS PDA!"
"Hyung SPG 'to diba?"
"TAKPAN NIYO YUNG MATA NI JUNGKOOK!"
"Binata na si Yoongi!"
Nang humiwalay na kami sa halik all we did was glare at the six men at our side enjoying the show.
"Sa tingin niyo ba K-Drama 'to at pinapanood niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Well, pwede na." Sagot naman ni Seokjin oppa at ngumiti sa'min.
Liningon ko naman si Jeuni na wagas makangiti.
"Wag kang mag-alala Jennie, biro lang yung kanina, kinakabahan kasi si Yoongi eh!" Sabi ni Jeuni at tumawa, "Besides, may asawa't anak na ako noh! Tignan mo oh~"
Kitang-kita ang medyo pagkalaki ng tiyan ni Jeuni na ngayon ko lang napansin somehow.
"C-Congratulations." Yun lang ang nasabi ko.
"And Jennie," Habol niya, "Nakakatuwa ka magselos."
And without further words, umalis na si Jeuni.
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" Sigaw ni Taehyung.
"Taehyung, 'di pa nila kasal, save it." Sabi ni Namjoon hyung at tumawa lang kaming walo.
"Asawa ko~" Tawag ni Yoongi.
"Hmm?" Sagot ko lang.
"Bilisan na natin yung kasal, excited na ako sa honeymoon."
"Min Yoongi!"-END-
A/N: *in Jungkook's voice* FINALLY~
BINABASA MO ANG
stranger || m.yg ✓
Short Story"Sino ka?" [TAGALOG] -- Stalker Book Two: Stranger epistolary