[2] Da Who?

15 1 0
                                    

Sam's Pov

"Sam, halika na!" Sabi ni Bernice na kablockmate ko.

Hinihila niya akong papuntang room baka daw sakaling nandun na yung prof namin. Masyado pa kayang maaga! Ewan ko ba dito, never pa nga yan nalate eh. Siguro mapapaaga akong pumuntang room ngayon.

"Mamaya na! Ang aga pa oh!" Sabi ko habang pinapakita ko sakanya yung relo ko.

"Mas maganda na yun para tayo lang tao sa room! Lika na!"

"Mauna ka nalang kasi!" Sabi ko at tumingin ulit sa libro na binabasa ko.

"Err..sige na nga! Tsk!" Sabi niya at naglakad palayo.

Nandito parin ako sa library. Nakakabored kasi wala akong magawa kaya i decided to read books. Pero may point din naman si Gel na mas masayang mag gadget nalang! Kaya naisipan kong maggadget muna, parang ewan binabasa ko eh.

May free wifi naman eh kaya nakakapag on ako sa FB. Lol. Habang nag soscroll ako may nakita akong post si Gel na mukhang bad trip siya ngayon.

Angel Tan
- Bwiset. Hindi gumanda yung araw ko nung nakita kita!

Nababadtrip nga siya. Gusto ko sana siya tanungin kung sino pero wag nalang pala, wala ata sa mood eh.

"Umm....may ballpen ka ba?"

"Oh, shhh......sheez!"

Muntik na akong atakihin ng biglang may kumausap sakin na naka spentacles na babae. Ang OA ng pagkaputi niya! Pero maganda na rin, Pfft.

"Sorry kong nagulat kita, hihiram sana ako ng ballpen!"

Ballpen na nga lang wala pa siya? Sabagay ganun naman talaga pag estudyante.

"Sure!" Sabi ko at kinuha yung ballpen ko sa pocket ko at ibinigay sakanya.

"Ibabalik ko din agad, may isusulat lang ako!" Sabi niya at nagsimula nang magsulat sa libro niya.

"I'm Sa----"

"You don't have to introduce, kilala na kita! Famous ka na dito eh!" She smiled "I'm Yhovie Tuazon!" She introduced.

I think she's sweet. But i think she also have a bitchy side behind those smiles.

"Ilang years ka na dito sa L.P.U?" I ask.

Btw dito nga pala ako nagaaral sa L.P.U as in Lyceum of the Philippines University. Matagal na din ako dito eh, 6 years na.

"2 years palang ako dito eh, pero senior high din ako tulad mo!" She answered.

Humaba din yung kwento namin dahil sa family life niya. Okay lang naman daw yung family life niya. Siya yung bunso sakanila so meron siyang kapatid na lalaki so siya lang ang babae. Well ako sinabi ko din naman about sa family life ko. Ang sarap niyang kakwentuhan ^_^

Kinuha niya sa pocket niya yung phone niya nang bigla itong mag vibrate. Nakita naman niyang may tumawag kaya sinagot niya.

"Yes....paalis na......sa library......mamaya pa......haha loko!.....really?.....ugh whatever!.....ok coming.....bye!" Tawag niya sa kausap niya at pinatay na yung call.

"Sam, alis na ako! Pupuntahan ko lang yung boyfriend ko!"

"May boyfriend ka na?"

"Oo.....tsaka ko na lang kekwento sayo! Bye!" Sabi niya at tuluyan ng umalis.

Tinignan ko yung relo ko. Aish shit! 5 minutes nalang classes na namin. Kinuha ko na yung gamit ko at umalis na ng library. Nagmamadali akong maglakad papuntang room. Kamalas malasan nga naman may nakabangga pa ako -_-

The Perfect PairWhere stories live. Discover now