Chapter 1 (1st day of school)

647 38 39
                                    

***[RACHEL'S POV]

" Hays, kainis!!! Kanina pa ako naghahanap ng room hindi ko man lang mahanap-hanap. " sabi ko habang naglalakad.

Tumigil muna ako sandali at nakaagaw atensyon sa akin ang nag-aaway na lalaki at babae. Napatingin ang mga ito sa akin. Lumapit ang lalaki at ang babae naman ay nagmadaling umalis. 

"Ikaw ! Wag mong sabihing may gusto ka rin sa akin? " Sabi ng lalaki.

Hindi ako nakasagot agad dahil siguro nabigla ako sa tanong niya. Sino ba namang hindi mabibigla? 

Wow ha! Ang kapal naman ! Sabi ng aking isipan. 

" Excuse me! I beg your pardon! Ako? May gusto sayo? Hindi ka naman proud sa sarili mo no?" nanggagalaiting sagot ko. 

" Eh, bakit ganyan ka makatingin? " tanong ulit niya. 

" Napadaan lang po ako. At yun nga nakita ko kayong nag-aaway and besides anong masama sa tingin ko? " sagot ko sabay irap sa kanya. 

" Wala naman, Ayaw ko lang na may mga babaeng sunod ng sunod sa akin. " sabi niya. 

" Don't worry, dahil hindi ko naman feel na bumuntot sa isang katulad mo! " pamalditang sagot ko. 

" Ah...Miss! Hindi mo naitatanong, ako nga pala si Daniel!" proud na pakilala nito sa sarili. 

"Ah, ganun ba! Sorry but I gotta go." sabi ko at umalis agad. 

Nakarating nga ako sa aking paroroonan. Sa wakas, nahanap ko rin ang aking room. Ang hirap palang maging transferee. Salamat naman at kahit papano ay hindi pa ako masyadong late. May dalawa pang vacant seat sa likod. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, pumasok ako agad at naupo. Mabuti na lang at wala pa ang guro namin. Tahimik lang ako at walang kausap. Paano ba naman, wala akong kakilala dito. Alangan naman na magdaldal ako at kausapin ang sarili ko. Ano ako baliw? Mabuti na lang at may isang babae na nag-approach sa akin. Dahil kung hindi ay talagang tameme ako dito. 

" Hi! Ako nga pala si Elen! Ikaw anong pangalan mo? "  wika ng babae sa harapan ko.

Dahil friendly ako. Sasagutin ko ang tanong niya. Friendly ako sa taong friendly din sa akin. 

" I'm Rachel. " sagot ko at nginitian ito.

" Baguhan ka dito no? Halata kasi dahil ang tahimik mo. " sabi niya.

" Oo, transferee ako." sagot ko sa kanya.

"Bye the way, If you don't mind. Bakit ka nga pala nagtransfer dito?" curious na tanong niya.

" Ano kasi.. kakalipat lang namin ng bahay." nakangiting sagot ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ito ngunit dumating na ang teacher namin.

" Mamaya na lang tayo mag-usap! Eto kasing si miss dumating pa." sabi niya.

" OK."

" Good morning class, I'm your teacher Ms. Sanchez. I want you all to introduce yourself.  "

Nagsimula na ngang magpakilala ang lahat. May hiyaan portion, tawanan portion at kapalan din ng mukha. Hahaha. Pero nung turn ko na medyo confident naman ako. Hindi yung tipong nagyayabang kundi dahil magaling lang talaga akong makipagsocialize. Nagsisimula na akong magpakilala nang biglang may sumulpot na kung sino. Napatigil ako sandali at napatingin sa taong kararating lang. Teka! Siya yung lalaki kanina! Akalain niyo yun, kaklase ko siya! 

" Mr. Alcantara, bakit late ka? " tanong ni ma'am.

" Sorry po ma'am. Hindi na mauulit." sagot ng lalaki.

" Ok, you may now sit."  sabi nito sa lalaki at tsaka ito tumingin sa akin. "You may now go on, Ms. Bautista."

Pinagpatuloy ko naman ang nasimulan. At yung lalaki ay naupo dun sa vacant seat na katabi ng upuan ko. Hay naku! Kapag minamalas ka nga naman. Nagpalakpakan ang lahat at pagkatapos kong magpakilala ay ang lalaki naman ang nagpakilala. Pagkatapos ay naupo na rin ito sa tabi ko. Napatitig ako dito. Gwapo pala ito sa malapitan pero turn off pa rin ako sa kanya. Tila naramdaman nito na may nakatitig sa kanya.

" Uy, ikaw pala Ms. Beautiful! Ikaw ha? Ang titig mo! Alam ko na ang ibig sabihin niyan. Aminin mo na kasi, type mo ako no?" pahayag nito sabay kindat sa akin.

Ang kapal talaga neto! Sa halip na sagutin ay tinaasan ko lang ito ng kilay.

" Sungit naman nito. "  narinig kong sabi niya. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpokus na lang sa sinasabi ng teacher namin pero sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko itong nakatitig. 

=   RECESS  =

 " Alam mo Elen! Kainis ang lalaking yun. Masyadong feeling! " galit na wika ko. 

" Kung ako sayo, wag mo na lang pansinin yun. Ganun talaga yun."

" Kainis eh. Super!" 

" Alam mo kasi, crush ng campus yan. Kaya ganyan umasta." paliwanag niya sa akin.

Hindi naman ako pwedeng kumontra dahil sa totoo lang. I've found him attractive. Kaso ang sama ng pagkakilala ko sanya base na rin sa asal na pinakita niya kanina.

"Campus crush nga. Ang sama naman ng ugali! Basta naiinis talaga ako sa kanya." inis ko pa ring sabi.

" Hay nako, I don't care about that guy. May prince charming naman ako!" Elen said dreamily.

Mabuti pa tong si Elen. Nasa akin na nga ang lahat. Maliban sa "This crazy little thing called love.'"! Yan ang wala ako. Pero okay lang, hindi naman ako nagmamadali. Marami pa kaming pinag-usapan about ourselves and family. First time ko pa lang siya nakilala pero andami ko nang nai-share sa kanya dahil ang gaan sa pakiramdam niyang kausapin at ganun din naman siya sa akin. Pagkatapos naming mag-usap ay tamang-tama lang na nag-ring ang bell.

" Tara pasok na tayo? " yaya ni Elen.

" Ok ". sagot ko.

Papasok na sana kami nang harangan kami ng nagngangalang "Daniel".

" Ano ba! Papasukin mo kami." naiiritang wika ko.

" Oh? Scary! Ok!". Naunang pumasok si Elen at nang turn ko na ay muli itong humarang. 

 " Oooppss.. dyan ka lang! "

"Ano ba, Daniel! Don't play games with me ! "  galit na sabi ko.

" Padadaanin kita, basta smile ka muna. " sagot nito " Like this :) " pilyo niyang sabi at pangiti-ngiti pa.

" No way! Why would I? " pagmamatigas ko. Nagpumilit akong pumasok ng bigla na lang... hindi ko namalayan ay nauntog na pala ako sa dibdib niya. Pumikit kasi ako nung nagpumilit na pumasok. Iniangat ko ang mukha at nagkatitigan kaming dalawa. Una akong umiwas ng tingin.

 " Uy, bagay sila! " narinig kong kantiyaw ng mga kaklase namin kasama na doon si Elen. 

 "Ano ba? Just let me in!" galit na galit na talaga ako. Paano ba naman wala pa ang teacher namin para suwayin siya. How I wish na bigla na lang sumulpot para pagalitan tong si Daniel.  

"Smile muna."

" I said no! Mahirap bang intindihin yun? "

" Ide, wag! Pero hindi ka makakapasok. Alam mo, maganda ka sana kaso ang sungit mo. "

"Che, let me in! Or else! "

 "  Or else, what? " hamon niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at patuloy parin sa pagtutukso ang mga kaklase namin.

"Smile ka na para sa kanya! Ayieee... " sigaw nila. Ano pa bang magagawa ko? Napilitan akong ngumiti dahil hindi ko na talaga matiis ang tukso.

" Oh.. ngingiti ka naman pala. Bagay sayo pag naka smile. " sabi nito at pinadaan na ako. 

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon