Chapter 2 ( After school ! )

437 31 18
                                    

***[RACHEL'S POV]

" Oh, baby.. kamusta ang first day of  school mo? " tanong ni mommy.

" Ok naman po. I had a new friend, her name is Elen. She is very nice. " sagot ko.

" Magkuwento ka naman! " sabi ng best daddy ko.

"Wala naman po masyado nangyari. Except lang dun sa guy na nakilala ko na sobrang mayabang."

" Haha. Ganyan talaga pag mga bata pa, diba dad? Hayaan mo na yun. Wag mo na lang pansinin. " sabi ni mommy. "Ah..siya nga pala dad, Rachel anak. Na-invite nga pala ako ng isang friend na doon tayo magdi-dinner sa kanila. Pangwelcome daw sa atin dahil nga kakalipat lang natin dito. Mag-ayos na kayo dahil mamayang 7 pm ay aalis na tayo." dagdag niya.

" Yes mom! " halos sabay na sagot namin ni daddy.

Nagbihis ako ng simpleng damit at maya-maya ay pumasok si mommy sa kwarto ko.

" Oh, baby anak.. ba't ganyan ang suot mo? Palitan mo yan! " reklamo niya.

" Mom, okay naman to eh. "

" Basta mag-ayos ka, may ipapakilala kami mamaya ng tita mo. "

" Eh, okay naman po ito. Bakit po kasi? " naguguluhang tanong ko.

" Sundin mo na lang anak." utos nito.

" Mommy talaga! Hindi naman kita matiis eh. Sige na nga!  "

" Sinasabi ko sayo, gwapo ang anak nun. Bagay kayo nun! "

" Oh, mahilig ka talagang magmatch-making. Naghahanap ka na naman ng ka loveteam ko! "

 " Hayaan mo na ang mommy! "

"Opo, ano naman magagawa ko? Kayo talaga. " sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

Yun na nga pupunta na kami sa kaibigan ng mommy. First time ko itong makikilala. Kapit-bahay lang namin ito. I'm not excited na makita ang anak ni tita na friend ng mommy. Ewan ko ba. 

 " Good evening! " bati namin.

" Good evening din po! " bati ni Daniel. Siya kasi ang nagbukas ng gate. Pinapasok niya ang mga magulang ko at tila hindi man lang ako napansin kasi nasa likuran ako. 

" Akala mo naman kung sinong mabait! Hindi naman! Artista talaga to. Tsk. Tsk. Tsk. " sabi ko sa isipan. 

Nang makapasok na ang mga magulang ko ay tsaka niya lang ako napansin.

" Uy, ikaw pala Ms. Beautiful! Anong ginagawa mo dito? " tanong ni Daniel.

" Obvious ba? Dito kami magdi-dinner. "

" Ah, kasama ka pala? Haha. Pwede ba, wag kang magsungit diyan. Ang ganda mo pa naman ngayon. Tara pasok ka na. " sabi nito.

" Che. "

" Papangit ka niyan! Hay nako, mukhang malabo ko nang magustuhan yung sinasabi ni mommy. Maganda daw, masungit naman pala! Ikaw pala yun? " parinig niya. 

" Don't worry dahil hindi ko naman talaga feel na magkagusto sayo. Mabuti na rin na hindi mo ako gustuhin dahil hindi rin kita type! Kaya puwede ba, pumasok na tayo dahil walang silbi na mag-usap tayo. "

" Napakasungit talaga! Tara na nga. Magpakabait ka nga kahit ngayon lang. "

" No problem! Kaya kong maging mabait sa mga parents mo, wag lang sayo. Che! " sabi ko at papasok na.

" Yes Ms. Beautiful! No problem. Pasok ka na. "

" Oh, nandyan na pala kayo. Upo na at magsisimula na tayo. " sabi ng mommy ni Daniel. 

Nagkakilala na nga kaming lahat. I must say, sobrang bait ng mga magulang ni Daniel. Maliban nga lang sa mokong na ito. Mukhang hindi na talaga mababago ang badboy impression ko sa kanya. Mahirap paniwalaan na kaya pang maging mabait ng lalaki na to. Ngunit sa napapansin ko ngayon, ibang-iba Daniel ang nakikita ko. Mukhang botong- boto pa ang mga magulang namin para sa isa't-isa. Parang atat pa sila na magkatuluyan kami. 

" Bagay kayo mga anak. " sabi nila at nakita ko namang ngiting-ngiti ang mokong. Sarap batukan! 

 ***[AUTHOR'S POV]

Tapos na nga ang dinner pero hindi pa rin maalis-alis sa isipan ni Daniel si Rachel. Mukhang nagkakagusto na siya dahil palaban itong babae. Yan kasi ang mga type niya yung mga hard to get. Ayaw niya kasi sa mga babaeng habol ng habol sa kanya. Ewan ba niya kung bakit ito galit na galit sa kanya. Naalala niya bigla, nakita siya nga pala nitong nakikipag-away at napagsabihan niya ito. But, there's a reason naman behind that. Ang bilis naman nitong ma-judge. Kasalanan ba niyang gwapo siya?

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon