FELLIE POV
Nang mag hating gabi na gusto ko na umuwi pero yung sir namin ayaw pa, aba petmalu. Ayaw ko naman umuwi na mas nauna pa sa kanya, Nakakahiya kaya.
Napatingin ako sa wrist watch at tiningnan ko ano na ang oras at lumaki ang aking singkit na mga mata.
"Hala! alas 10 na pala at hindi pa ako kumakain" kaya agad akong napatayo at sumilip sa opisina ni sir tignan ko kung ano ang ginagawa niya at nakita kung busy siya sa kanyang mga papeles.
Tok..tok...tok kumatok lang ako nang nagsalita siya ...
"come in" aniya ni drake
"uhmm sir hindi pa po ba tayo aalis mag gagabi na?" my ghaad nahihiya buti na lang nakaya ko.
Hindi pa rin siya tumingin sa gawi ko dahil busy siya sa ginagawa sa kanyang laptop
"You may go now fellie, marami pa aki aasikasuhin" cold na sabi niya, ano kaya nangyari sa kanya, bahala siya aalis na ako.
FAST FORWARD
Nang makatawid na ako sa kalsada , sa di kasamaang palad umulan ng malakas kaya basang-basa na ako.
Di ko namalayan na tumulo na pahala ang luha sa aking mga pisngi at biglang nagflashback at lahat ng pinagsamahan naming dalawa.
Flashback
Habang ako'y nakaupo sa kalsada kasabay nabg pagbagsak ng ulan siya nama'y pagdating ng isang tao"love...." mahinahon na pagkasabi nito
agad naman napataas aking ulo
"ano nanaman ginagawa mo diyan love, baka magkasakit ka hindi mo nanaman inaalagaan ang iyong sarili.Magpakatatag ka huwag ka pabaya sa iyong sarili dahil sa huli ikaw lang yung masasaktan , sabi nito nama'y pag-aalala sa tono."paano naman ako tatatag kung maski ang mahal ko'y unti-unti ring mawawala si piling ko."unti unti nang tumulo ang aking mga luha
Agad naman niya itong pinunasan gamit ang kanyang mga kamay.
"love, ano ka ba hindi pa naman ngayon ako mawawala eh ,bibigyan pa ako ng chance ni God na gumawa ng masasayang ala-ala kasama ka.Kaya hangga't nandito pa ako sulitin natin to ,araw-araw, minu-minuto papasayahin kita dahil ikaw lang ang gamot na nagpapalakas sa akin.Kung mawawala man ako bukas o sa susunod na araw tandaan mo andito lang ako tumingin ka lang sa itaas at higit sa lahat magiging masaya ka alam kong darating rin ang taong magpapasaya sa'yo yung tipong pang habang buhay at mamahalin ka niya higit pa sa kanyang sarili , dahil ako ay isang tao na ipangtagpo pero itinadhana para sayo."
Titig na titig lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga katagang salita.
"Halika na tumila na ang ulan oh at tsaka pinagtitinginan na tayo ng mga tao"
Agad naman akong napatingin sa kanya at sumunod sa kanyang utos.
Habang kami'y naglalakad agad ko siyang niyakap ng mahigpit sa kanyang bewang at di ko maiwasang sabihin ang "mahal kita love"
Napangiti naman siya at sinabi ang gusto kong marinig " I love you more love and even though someday I will be letting you go."
End of Flashback
Nagtaka ako kung bakit di ako nabasa ng ulan kaya agad akong tumingala at may payong na black na nag proteksyon sa akin para di mabasa at sa di ko inaasahan na ang nagpayong pala sa akin
"sir drake?"gulat na sabi ko
"psh...are you done reminiscing memories?"
Tips: Kayong mga single para makahanap ng kapares huwag magdala ng payong sa tuwing umuulan.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Muli (A Donkiss Fanfic)
FanfictionTungkol sa isang babaeng gagawin ang lahat para sa kanyang ina at ate na kung saan siya ang tumatayong ilaw ng kanilang pamumuhay sa kanyang mundo dito niya makikita ang lalaking kay tigas ng puso hindi matatablan kahit paibigin.Subalit hindi maiiwa...