Diary of me

1K 21 9
                                    

Prologue: Dear, Dear me


Nakakabaliw kasi ang daming tumatakbo sa isip ko. May marathon. XD Dejk. Dapat hindi lilitaw tong story na to kaso yun. Nakaisip ako ng storyline kakaisip sa UDs sa isa ko pang on-going. Hahaha. Pinahihirapan ko buhay ko. Ang dami kong on-going! Mwahaha! Good luck sa’kin! Vote and comment po! Wag po sana kayo magsawang suportahan ako. :**

--

a/n: ang aga ng author’s note? Hahaha. Lahat po ng italicized eh diary entry. (:

Kauuwi ko pa lang galing school. Nag-enroll na kasi ako. Ang hirap naman maniwala na graduating na ko sa high school. Parang kahapon lang first year pa lang ako tapos bigla…BOOM! Graduate na ko sa May.

*beep beep beep*

Ang tsismosa ko lang. Hahaha. May nakita akong truck. Yung move-in truck. Magkakaron kami ng bagong kapitbahay! Sana mabait sila. Hindi tulad ng dating tenant dun. Ang echosera nila! Yung tipong kakalaba lang ni myy tapos bigla silang magpapausok. Ambaet di ba?! >.<

Sa isang pulang Mercedes, may mga lumabas na artista ba sila? Sheyts. Ang gwapo at ang ganda nung naunang mga lumabas. Yung babae siguro yung mommy at yung lalaki yung daddy. Ang tangkad nila pareho! Ang ganda ng kutis. Ultimo galaw parang mayaman talaga. Bumukas yung pinto ng driver’s seat…

O________________________________________________O

SHEMAY! ANG GWAPO!!!!!!!!

“Myy, may bago tayong kapitbahay! Grabe mukha silang sosyal! Sana mabait sila nu?” sigaw ko pagkapasok ko ng bahay. Excited ako eeh. (:

“I don’t care much pero sana lang hindi sila gaya nung unang tenant. Sige. Maghahanda na ko ng lunch. Anong gusto mo?”

“Bahala ka na myy. Daamihan mo luto para dalhan natin yung kapitbahay.”

Ngumiti si mommy tapos dumiretso na sa kusina. Ako tuloy lang sa kakatingin sa ginagawa ng bago naming kapitbahay. Sofa. TV. Ref. Lahat na ng pwedeng ilaman sa bahay, ipinapapasok na sa loob.

*bsssssssssssssshhhhhhhhhhh*

Kumaripas ako ng takbo palabas dala yung payong namin na kasya isang baranggay sa laki. Naglilipat-bahay pa yung kapitbahay. Baka mabasa sila.

Nakita ko na lang kumakaripas na ng takbo yung mag-asawa papasok sa bahay nila at naiwan yung anak nilang lalaki sa ilalim ng lakas ng ulan.

“Kuya! Are you praning?! Ang lakas ng ulan! Magpayong ka!” sabi ko sabay bukas ng payong. Ngayon ko lang binuksan talaga?! Psh. Basa na din tuloy pati ako. >.<

“I don’t need it.” sabi naman niya sabay tapik sa hawakan ng payong.

“Hay naku. Wag ka ngang matigas ang ulo! Magpayong ka sabi! Hindi porke umuulan na at basa ka na eh hindi ka magpapayong. Alam mo ba kung magkano gamot ngayon? Mahal di ba? Kaya wag kang makulit.”

“Well, thanks.”

“You’re welcome. I’m Arianna pala. Welcome sa neighborhood.” Sabi ko sabay lahad ng kamay ko na tinitigan lang niya na may question mark sa mukha. K fine. Ayaw niya makipag-shake hands. Choosy siya. Maarte. “Sige. Bye.”

“Payong mo.”

“Diyan lang ako sa nakatira oh. Keri na yan. Babush.”

Tumakbo na ko pabalik sa bahay. Tsenen. Sermon abot ko nito kay myy. >.<

“ARIANNA! WHY ARE YOU WET?! USO MAGPAYONG! MAGKASAKIT KA…NAKU!”

Sabi sa inyo sesermunan ako niyan eh. Hehehe. Kiniss ko sa cheek si myy.

“Magbibihis na po ko okie? Don’t worry. Hindi ako sakitin.”

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis nga. Ang lakas pa din ng ulan. Hai~

Dear diary,

Today I shared an umbrella with a stranger. ACHOO!

--

Kamusta po yung prologue? Vote and comment po pakiusap! :**

Diary of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon