Entry #7: tug-dug

260 12 0
                                    

Uwian na! Tralalala~

Kinuha ko na yung gamit ko. May assignment pa pala kami ngayon sa trigo. Naku naman. Hindi ko nga naintindihan kahit katiting nung diniscuss kanina. Bakit ba kasi parang alien magsalita yung teacher eh. Kasalanan niya to!

“Alarice, turuan mo nga ko sa trigo… Nasan na yun?”

Luminga-linga ako sa room. Wala na talaga siya! Nasaan na ba napunta na naman yung kinakapatid kong yun?! Sabi ko na nga ba may sa lahing Dora the explorer yun eh.

“Umalis na siya.” – Ethan

“Ah…”

Sumabay ako papuntang parking lot kay Ethan. Ang bilis nagsi-alisan ng mga kaklase ko eh. Hindi naman big deal yun di ba? Magkapitbahay naman kami.

O________________________O

“Nasan kotse ko?!”

Adik yan. Wala yung kotse dito. Lagi namang on-time yun. Sasakyan lang ng mga faculty at ni Ethan nandito! Nasaan sundo ko?!

♫ Playing: Are you ready to fight

“Damn that girl…” narinig kong sabi ni Ethan pagkatingin sa cellphone niya. Damn who daw?!

“Huh?”

“Wala kang sundo ngayon, sumabay ka na sa’kin.”

“O sige…” paakyat na ko sa passenger’s seat ng hinila ako ni Ethan at iniupo sa likod. >.<

“Diyan ka lang.” sabi niya habang sinuotan ako ng seatbelt

“Gusto ko sa harap.”

“Gusto ko ligtas ka. Don’t argue.”

Tug-dug.

Yung trip pauwi na siguro yung pinaka-awkward sa lahat ng awkward. Magsisinungaling ako kapag sinabi kong wala akong gusto kay Ethan. I like him. Pero wala sa point na dapat mag-tug-dug puso ko.

Pagkarating sa Paradise Hills, umalis ako ng hindi nagpapaalam sa kanya. Isang oras yung trip, hindi niya ko kinausap. Bahala siya. Tse! Dumiretso ako sa bahay. Malamang na locked pa yun. Nasa trabaho parents ko eh.

O______________________________O

SUSI KO NASAN?!!!!

Binuksan ko yung bag ko ng super laki at kinalkal ng kinalkal pero wala talaga. Adik. Nasaan na yun?! Tuesday pa naman ngayon. Eeeee! 9 pa uwi ng mga yun! Waaaaaaaah! Pano to?!

“Tss… Ano ba gusto mong mangyari?!” – Ethan

“Gusto kong pumasok ng bahay! May assignments pa ko tapos…”

“Hindi ikaw. Bakit kita sisigawan? Lost your keys?”

Tumango-tango na lang ako. Lahat na lang nawawala. Mula kotse hanggang susi. >.<

“Dun ka na lang muna sa’min. I’ll contact your parents later.”

Dinala ni Ethan yung bag ko. Pffffft. Shoulder bag na violet kasi yun tapos sinuot pa niya sa balikat niya. Kumekendeng-kendeng pa ng lakad. Adik. Mukhang bading.

“HAHAHAHA. Ethan! HAHAHAHA. You look so gay! HAHAHAHA.”

“Bagay ba sister?”

“HAHAHAHAHA! Adik ka! HAHAHA!” namewang pa kasi siya. Mukha tuloy bading.

“Yan. Mas maganda ka ng nakangiti. Kinabahan ako. Akala ko iiyak ka na kanina…”

Tug-dug.

Hinawakan niya ko sa wrists tapos dinala sa bahay nila. As usual, binati ako ng mama niya ng akala mo kilala na niya ko since birth. Inasikaso pa ko ng sobra ni Ethan kaya wala pang fifteen minutes pakiramdam ko taga-rito na rin ako.

“Natawagan ko na parents mo pero mga 8 pa daw sila makakauwi. 5 pa lang ngayon. Ayos lang bang dito ka muna ng tatlong oras?”

Tug-dug.

Dear diary,

I don’t have any idea why my heart is beating so fast right now… >////<

Diary of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon