Entry #12: his side

216 9 3
                                    

Sa mga naghintay po ng POV ni Ethan, eto na. Hehehe. Sinasadya ko po talagang i-delay yung POV niya kasi marami siyang paandar. (:

Wag pong magsasawang mag-vote at comment!

--

Sa wakas nagka-POV din. Akala ko display lang ako ni otor eh. Dahil sa ang dami ko ng utang na POV sa inyo, unti-untiin natin. (:

Prologue

Bagong lipat pa lang kami nun. At sa di inaasahang pagkakataon, biglang umulan. Tss. Ano bang klaseng kamalasan to? Nagtatatakbo na si mama at si papa papunta sa bahay. Tumayo lang ako dun. Ulan lang naman yan. Tubig lang.

“Kuya! Are you praning?! Ang lakas ng ulan! Magpayong ka!” narinig kong sabi ng isang di ko kilalang babae. Nilingon ko siya at hindi ko itatangging nagandahan ako sa kanya.

“I don’t need it.” tapik ko sa payong. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Ni hindi pa nga niya ko kilala.

“Hay naku. Wag ka ngang matigas ang ulo! Magpayong ka sabi! Hindi porke umuulan na at basa ka na eh hindi ka magpapayong. Alam mo ba kung magkano gamot ngayon? Mahal di ba? Kaya wag kang makulit.” Pagpupumilit niya sa’kin. Tinanggap ko na lang para tigilan na niya ko. Iniwan din niya sa’kin yung payong niya at tumakbo papunta sa di hamak na mas malaking bahay. It turns out, magkapitbahay pala kami.

Entry #1

Dahil kaya naman ng magulang ko, sa Destiny nila ko pinag-aral. Top one to sa top five exclusive schools at panigurado naman akong worth it yung tuition fee ko dito. Sa IV-Serenity daw yung section ko. Umakyat ako at agad kong nakita yung babaeng nagpahiram ng payong sa’kin. Nakita din niya siguro ako kasi tumayo siya at akmang babatiin ako kaso binangga siya ng kung sinong clown nila dito.

Sinadya ko ding umupo malapit sa kanya. Arianna. Bagay sa kanya yung pangalan niya. Mala-anghel na mukha. Mala-anghel na ugali. Pati pangalan, mala-anghel. Major turn-on!

Entry #2

Kakabalik ko lang galing sa band rehearsals. Maliban kasi sa hobby, part-time job ko din tong banda ko. Hindi ko naman talaga kailangan yung pera. Iba lang kasi talaga sa pakiramdam kapag hilig mo yung ginagawa mo. Pagkababa ko pa lang sa kotse, nakita ko agad si Arianna. Buenas! May gusto rin siyang itanong sa’kin kaya pinapasok ko na siya sa loob ng bahay namin. Para ngang excited pa siya na malibot yun eh. Hahaha.

“Welcome back Ethan. Hi Arianna.”

Shoot! Si mama. Mamaya kung ano naman masabi nito. Tsk.

Tumuloy kami sa sala. Parang balisang-balisa siya na matanong yung kung ano man itatanong niya sa’kin tuloy pati ako, hindi mapalagay.

“Ano tipo mo sa babae?” – Arianna

“Pffffffffffff!”

T-Tipo ko sa babae?! Tss. Pano ko ba to lulusutan? AH!

“Bakit ko naman sasabihin sa’yo?! Tss. Bahala ka nga diyan!!!!”

Umakyat ako pero hindi yung akyat na akyat. Yung sapat lang. Hindi niya na ko makikita pero kita ko siya mula dito sa pwesto ko sa hagdan. Nakita ko kung pano siya hinatid ni mama palabas ng bahay at saka lang din ako bumaba.

“Ethan…”

“Ano?!”

“Ikaw pa may ganang magsungit?! Ikaw na bata ka. Bakit hindi mo na lang kasi sabihin sa kanya?”

“Ayoko ma. Mamaya matakot lang yun kapag nalaman niya na ang tipo kong babae…ay siya.”

Entry #3

Diary of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon