Entry #8: moving closer

234 13 6
                                    

Kasalukuyan ako ngayong nasa kusina kasama mama ni Ethan. Pinilit ko lang kasi na tumulong. Actually, pinapalayas nga niya ko. Hehehe.

“Namamangha na ko sa’yo lalo iha… Marunong ka din magluto.”

“Hindi naman po masyado. Sapat lang.”

“Hmmm… Ano dinner ma?”

Tug-dug.

Yan na naman si tug-dug. Aish. Dumating lang si Ethan, automatic tug-dug na agad?!

“Hangin. Wala ka bang assignment? Bumalik ka nga sa kwarto mo! Kitang kasama ko si Arianna ngayon eh…”

“Meron nga. Si Arianna din meron.”

“Hala! Oo nga! Patay… Sorry Mrs. Domingo. Gagawa po muna ko ng assignment.”

Kumaripas ako palabas ng kusina. Adik naman yun. Trigo lang talaga problema ngayon. Bakit ba kasi ng nagpaambon ng kahusayan sa math, tulog ako?!

Eh teka. Gamit ko nasaan?! Ayoko na. Kapag pati bag ko nawawala…naku…

“Nasa taas bag mo. Inakyat ni mama.”

“Taas?! Saan sa taas?!”

Ethan lead the way kung nasaan ngayon yung bag ko. Sabi niya nasa study daw ng papa niya. Pagkarating dun, wala naman. Nilibot pa nga niya pero wala naman. Kailangan niyang makita yun… Diary ko… Andun. T^T

“She can’t possibly…”

“Possibly?”

O___________________________________O

O___________________________________O

Yung bag ko. Nasa kwarto ni Ethan. Sa kwarto na laging overview ng kwarto ko. Nandun. Sa gitna ng kama.

“Tss. M—”

Tinakpan ko yung bibig ni Ethan. “Hayaan mo na. Atleast ligtas bag ko. Pagamit ng table. Gagawa na ko ng assignment.”

Naglabas si Ethan ng parang mini-table. Yung parang sa Japan. Hindi na kailangan ng upuan. Hehehe. Hinanda ko na din lahat ng armas ko para sa trigo na sakit sa ulo na yan. Mga five minutes tapos na si Ethan, ako hindi pa din. Err~ Ang talino naman nito.

Ano ba naman kasing purpose in life ng trigo na to?! >.<

“Ethan naman. Kung hindi ka tutlong, wag ka ngang tumingin sa’kin.”

“Sorry. Picture-an na lang kita para matapos na.”

“Huh?”

*click*

“Ethan!” sineryoso nga?! Pinicture-an nga ko?! Baliw lang oh. Ang pangit ko sa picture na yun! Kunot nook o at nakanguso pa. Halalala~

“Ang cute mo naman dito. Hahaha.”

“Ethan, hindi naman nakakatuwa eh…”

*click*

“Ethan!!!!!!!!!”

Hinabol ko na siya. Ai anak talaga ng pating yan. Click ng click ng click. Ang pangit-pangit ko nga kasi sa mga pictures na yun. Stolen pa gusto. Kung gusto niya, sa facebook ko siya kumuha ng pictures!

“Eth—AAAAAAAAAAAAHHHHHH!”

“Got you.”

Natisod ako sa sarili kong paa. Shonga lang? Pero bago ako lumagapak sa sahig, sinalo na ko ni Ethan.

Tug-dug.

Mga three inches na lang ngayon yung layo ng mukha niya sa mukha ko.

Tug-dug.

Yung puso ko kabog ng kabog. The weird part? Hindi ako nababahala sa kabog nun. Iniangat ako ni Ethan kaso sa lakas ng pwersa niya, napasobra kaya napayakap ako sa kanya.

Tug-dug.

Two inches apart.

“Arianna… I’ve been meaning to ask you…”

“Yes?”

Tug-dug.

One inch apart.

“Handa na yung dinn—Oops. May naantala ba kong moment?”

Binitawan ako ni Ethan. Pareho kaming parang nalunod sa blush-on. Tiningnan niya ko and I looked back at him. Hindi ko man maintindihan totally, pero I swear… He looked at me and suddenly… I’m feeling something I haven’t felt before.

Dear diary,

How can you tell that you’re inlove?

Diary of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon