Meet The Adonises

246 28 26
                                    

A/N: Adonis means a very handsome young man.

~×~×~

"....promises are meant to be broken."

~×~×~

Reign's P.O.V.

Ang sarap talaga ng sariwang hangin. Mabuti nalang at meron pa nito dito sa siyudad. Yun nga lang pili lang ang mga lugar na meron nito dito.

Sa abandonadong playground lang ako nagkakaroon ng peace of mind. Tahimik kasi at sariwa pa ang hangin. Kahit alas tres y media na ng hapon hindi parin masakit sa balat ang sinag ng araw dahil sa mga naglalakihang puno na humaharang dito.

Pumikit ako kasabay ng paglanghap ko ng hangin.

Kailan ko kaya ulit sya makikita?

*FLASHBACK*

"Ano ba Steve?! Mag-aaway nanaman ba tayo ha?!"

"Hazel tumahimik ka! Bwisit na buhay naman toh!"

Napatakip nalang ako sa tenga ko at umiiyak na tumakbo sa may playground. Nagtago ako sa ilalim ng slide para hindi ako makita ng mga tao. Niyakap ko nalang ng mas mahigpit yung dala kong teddy bear.

"Bata, bata. Bakit ka umiiyak?" tumabi sakin ang isang batang lalaki.

"Si Mama at Papa kasi nag-aaway." patuloy parin ako sa pag-hikbi.

"Magkakabati din sila." nakangiting sabi nya sakin.

"Pano?"

"Ganito... sumabay ka sakin ah?" tumango lang ako at sumabay sa pagsasalita nya.

"Papa Jesus, pagbatiin nyo na po si Mama at si Papa." inulit namin yun ng sampung beses.

"Ayan. Pag-uwi mo bati na sila."

"Talaga?"

"Oo naman. Yan ang turo sakin ng ate ko eh. Sabi kasi ni ate, kahit malayo daw sya satin. Naririnig parin nya tayo."

"Bata ano pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Potpot."

"Ako naman si Mimay." pakilala ko sa sarili ko.

Kagaya nga ng sinabi nya, pag uwi ko nagkaayos na sila Mama at Papa. Simula ng araw na yon lagi na kaming magkasama ni Potpot. We became friends.... best of friends. Sa lahat ng bagay kami ang magkasama. Sa bahay, sa paglalaro at sa school. Hindi kami nagkaroon ng ibang kaibigan dahil sapat na samin ang isa't-isa.

Masaya ang bawat araw na magkasama kami. Dahil sa sobrang saya namin, hindi ko inasahang matatapos din pala agad yon.

"Mimay. Lilipat na kami ng bahay bukas." umiiyak na sabi nya sakin.

"Potpot wag ka ng sumama." ilang beses ko syang kinulit pero hindi daw pwede. Pansamantala lang naman daw kasi talaga sila sa bahay na tinitirhan nila ngayon na malapit sa bahay namin.

"Halika sama ka sakin." tumakbo kami papuntang playground kung san kami unang nagkita.

"Babalik ako." isinuot nya sakin ang isang kwintas na hugis araw.

"Promise?"

"Promise."

Sa pag-alis nya naputol lahat ng communications namin. Kung minsan hindi ko na sya naiisip pero madalas ko parin syang naalala kapag mag-isa ako. Kaya ang ginawa ko, naging pala-kaibigan ako para hindi ako palaging nag-iisa.

Hangga't maaari kasi, ayoko na syang alalahanin.

*END OF FLASHBACK*

Many years have passed since I met that boy. As far as I remember, that time I was only 7 years old. 11 years narin pala kaming hindi nagkikita.

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon