P.A. On The Go!

175 17 12
                                    

Dedicated kay Ate Elah dahil sa walang sawa nyang pagsuporta sakin :))

~×~×~

"Sometimes, when one person is missing, the whole world seems depopulated."

~×~×~

Reign's POV

Lunes nanaman! Ang daya talaga ng DepEd. Limang araw na magpapakahirap gumising ng maaga at mag-aral ang mga estudyante tapos dalawang araw lang ang pahinga namin. Hindi patas!

Dali-dali akong bumaba ng hagdan. I silently cursed when I tripped on the last step. Mabuti nalang at nakahawak ako sa posteng kahoy at hindi ako dumausdos pababa. Kumuha ako ng sandwich na nakahain sa lamesa at dire-diretsong lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag ni Mama sa pangalan ko pero hindi na ko nag abalang bumalik sa loob dahil kung hindi ako kikilos ng mabilis, paniguradong male-late ako.

Isang kulay pulang kotse ang nakaparada sa harap ng bahay namin, Mercedez Benz pa ang tatak. Dahan-dahang bumaba ang bintana ng kotse at dumungaw ang driver -- si Michael. Parang araw-araw nalang na nag-iiba ang kotseng ginagamit nya. Ilang stock kaya ng kotse ang nakatambak sa bahay nila?

"Good morning." walang ganang bati ko sa kanya. Ang aga naman nyang manira ng araw.

"Get in." tiningnan ko sya sandali, nag-aalangan kung sasakay ba ako o hindi.

"Hoy! Bingi ka ba? Pumasok ka na sabi!" napasakay ako ng walang sa oras dahil sa sigaw nya. Ang init masyado ng ulo, daig pa nya ang babaeng may buwanang dalaw.

Habang nasa byahe kami palinga-linga lang ako at tinitingnan ang mga tanawin sa labas. Mga bahay na sira-sira, mga batang walang saplot sa katawan, at mga tambay na nag-iinuman. Siguro kung walang mga taong makasarili, siguro walang naghihirap. Kung minsan naiisip ko, bakit may mahirap? Bakit may mayaman? Hindi ba't mas magiging masaya kung lahat tayo pantay-pantay ng antas sa buhay? Ano ba yan! Nagiging makata na ata ako. Nang mabagot ako ay kinalabit ko nalang si Michael.

"Michael! Huy!" hindi nya ko pinansin. Suplado?

"Michaeeeeel!" hindi pa rin nya ko kinakausap. Ah ganon pala ah?

"Sungit!"

Ayaw parin.

"Yabang!"

Ayaw talaga.

"Huy pogi!" aba tumingin!

"Bakit ka tumingin?! Pogi ka ba?!" pang aasar ko sa kanya.

"Bakit ba napaka ingay mo ha?! Kita mong nagmamaneho ako!" namumula na ang mukha nya sa galit. Yung ilong naman nya konti nalang at uusok na.

"High blood ka naman masyado. Sige magmaneho ka na nga lang ulit."

Hindi na kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa school. Nakaka walang gana naman kasi syang kausapin. Akala mo palaging naghahanap ng away. Mas matino pa si Bryan eh.

Paparada palang kami pero nagkumpulan na agad yung mga "fans" nya. Yung ilan may hawak pang banners. May artista ba? Over-over naman kung makatili yung mga babae.

"Out."

"Ha?"

"Hindi ka makaintindi? Sige tatagalugin ko para sayo. Lu-ma-bas ka na." binagalan nya talaga ang pagsasalita. Ano bang tingin nya sakin? Nursery?! Nakakaintindi naman ako, ayoko lang rin kasing lumabas dahil maraming tao.

"Ayoko."

"Bakit?" nakakunot noong tanong nya.

"Ang daming tao, nakakahiya."

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon