Lullaby

150 19 23
                                    

Maraming salamat sa pinsan kong si Dianne dahil sa idea na ibinigay nya sakin. Love you sis!

~×~×~

"True love never dies but some people are just not meant for each other."

~×~×~

Reign's POV

"Mukhang busy ka ah?" hinila ni Bryan ang upuan na nasa kanan ko at umupo siya sa tabi ko. Abala ako sa pagbabasa ng mga librong nakatambak sa harapan ko at pagkolekta ng mga impormasyon na pwede kong maidagdag sa report.

"Kailangan ko na kasing tapusin 'to kasi mag re-report na ko bukas." tumigil ako sa pagsusulat at ibinaba ang ballpen sa gitna ng notebook. Tumayo ako at lumapit sa mga bookshelves. "Tulungan mo naman akong maghanap ng libro tungkol sa alamat."

Tumayo narin sya at sabay kaming naghanap ng libro. Dinala ko sa babaeng librarian ang apat na librong hihiramin ko. Noong una ay ayaw akong payagan ng librarian na iuwi ang mga libro, pero ng si Bryan na ang naki-usap ay daig pa nito ang kidlat dahil sa mabilis nyang pagkilos.

"Eto oh." kinuha ko ang library card ko at dire-diretso kaming lumabas ng library.

"Para saan ba yang report na yan?"

"Ito kasi yung ituturo ko sa mga bata na dadalawin namin bukas sa bahay ampunan. Project natin to."

"Talaga? Hindi kasi ako gaanong nakikinig sa mga sinasabi ng teacher eh. Di ko tuloy alam." napakamot pa ito sa batok nya. Inalok nyang tulungan akong bitbitin ang mabibigat na librong dala ko pero tumanggi lang ako. Nakakahiya naman sa kanya.

"Hindi pwede yan." sapilitan nyang kinuha ang mga libro mula sa kamay ko. "Alam mo, kahit medyo may pagkalalaki ang kilos mo, babae ka parin at kailangan mo ng tulong paminsan-minsan."

Napangiti nalang ako sa ginawa nya. Ang swerte ko sa bestfriend ko.

~×~×~

"Hoy antukin!" bahagyang napamulat ang mga mata ko dahil sa sigaw na narinig ko. Naramdaman ko pang inalog nito ang balikat ko.

"Pwede mamaya na? Inaantok ako." gusto kong sipain ang nang iistorbo sa tulog ko. Pakiramdam ko ay kapipikit lang ng mga mata ko.

"May trabaho ka pa kaya gumising ka na!" napasinghap ako ng bumungad sa harapan ko ang pagmumukha ni Michael. Napaupo ako ng tuwid at nilibot ng mga mata ko ang buong classroom. Kami nalang pala ang taong nasa loob.

"Anong gagawin natin ngayon?"

"Samahan mo ko sa National Bookstore para mamili ng mga gamit para sa nalalapit na Holloween Festival. Kailangan i-decorate ang Horror House." tumango ako at agad na inayos ang mga gamit ko.

"Tara na."

~×~×~

Habang binabaybay ng kotse ang daan papunta sa Mall, hindi ko maiwasang manghinayang dahil alam kong hindi ako makakatulong sa pag de-decorate ng Horror House. Mga teachers at School Officers lang kasi ang allowed para sa trabahong yon.

Pagdating namin sa National Bookstore ay tiningnan muna ni Michael ang listahan. Ang daming kailangang bilhin. Colored Paper, glitters, glue, gunting at marami pang iba. Halos umabot din ng ₱5,000 ang bill namin dahil sa dami ng items.

"Boss tulungan mo naman ako." pagmamakaawa ko kay Michael dahil sakin nya pinabitbit ang tatlong paper bag na punong puno ng mga pinamili namin. Nangangawit na ang kamay ko dahil sa bigat ng mga binibitbit ko.

Tama si Bryan, babae parin ako at kailangan ko parin ng tulong paminsan-minsan.

"Trabaho mo yan. Hindi ko na kailangang tumulong."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon