Her Brand New Job

211 25 11
                                    

A/N: Para pala sa mga hindi nakabasa ng FBUT. Pinapaalala ko lang na hindi agad lalabas dito sa story si Kate Ramirez. Napasama lang sya sa Main Characters dahil importante ang role na gagampanan nya.

~×~×~

"Sa mundo ngayon, mas pinapahalagahan na ng mga tao ang panlabas na anyo."

~×~×~

Reign's POV

"Reign." tinapik ako sa balikat ng nakangiting si Ma'am Lorraine -- isang guidance teacher.

"Ma'am kayo po pala. Good Morning po." bati ko naman sa kanya.

"Mukhang marami nanaman ang mapupunta sa guidance ngayon ah?" nakangiting turo nya sa mga estudyanteng nakapila sa gilid. "Ako na bahala dito. Bumalik ka na sa klase mo."

"Sige po Ma'am." naglakad na ko paakyat ng room. Pagpasok ko sa klase sinalubong agad ako nina Claire at Shane.

"Good Morning Reign!!"

"Morning."

"Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" tanong naman ni Claire.

"May nakasalubong kasi akong mayabang kanina. Kainis!" ipinatong ko ang baba ko sa dalawang kamay ko.

"Papa ba?" hirit ni Shane.

"Shanellyn Suarez! Ikaw talaga!"

"It's Shane!" tumawa nalang kaming dalawa ni Claire. Katulad ko lang din tong si Shane. Ayaw nya din sa pangalan nya, ang bantot daw pakinggan.

"Hoy kayong dalawa! Mga bruha kayo!" natigil lang kami sa pagtawa ng biglang pumasok si Ma'am Laverna.

"Class may itatanong lang sana ako, sino sa inyo ang kasama dito sa top 3 last school year?" itinaas ko ang kanang kamay ko. Top 2 kasi ako dati.

"Only Ms. Valdez?"

"Yes ma'am" sabay-sabay na sagot ng buong klase.

"Ok Reign, follow me." tumayo ako agad at sinundan ko si Ma'am. Habang naglalakad kami hindi ko mapigilang magtanong. Na ku-curious kasi ako kung bakit nya kailangan ang mga kasali sa Top 3 last school year.

"Ma'am ano po ba ang kailangan nyo sakin?" tumigil kami sa paglalakad at humarap sya sakin.

"Ganito kasi yan. Lahat ng mga Senior students na kasali sa top 3 last school year ay may kailangang i-tutor. Ngayon tinawag kita dahil pupunta tayo sa library at ipapakilala ko sayo yung tuturuan mo." explain naman nya.

Yun lang pala eh! Kayang kaya ko yan! Excited na ko!

Michael's POV

Hindi ko pa rin makalimutan yung babae kanina, natatawa kasi ako sa itsura ng mukha nya habang sinisigawan ang mga estudyante. Buti na nga lang at pinalitan agad sya ni Ma'am Lorraine, kaya nakapasok kaming tatlo.

"Michael? Nabalitaan mo na ba?" tanong agad sakin ni Lance.

"Ang alin?"

"May mag tu-tutor daw sayo. Estudyante din daw dito at ka age lang daw natin."

"Oh tapos?" natulala lang yung dalawa sa sagot ko.

"Hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Eh syempre, sa tanda mo ba namang yan itu-tutor ka pa." tumawa lang ako.

"Hindi ko na po-problemahin yon. Dahil sya rin ang susuko sa ugali ko."

Reign's POV

Pagdating namin sa library may nakita agad akong lalaki na nakaupo sa may pinaka dulo. Hindi ko naman makita yung mukha nya dahil nakatalikod sya samin. Ito na siguro ang tuturuan ko.

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon