Gino/ Ned's POV
Second day ko na.. halos lahat ata ng shooting ko para sa endorsment ko ki nancel ko para lang masanay ako dito sa bago kong school. Sigurado ako tambak ang schedule ko sa weekend.
Pagpasok ko palang ng classroom narinig ko na agad na pinag-uusapan nila ako, I mean si Gino Zala.
Eto ang pinag-uusapan nila.
"kyaa! May nadownload akong bagong picture ni Gino!!"
"Talaga?! patingin"
"blah.. blah.. blah.."
Ako naman ay diretso sa upuan ko.. Napalingon ako ng may nagsalita.
"Ang aga chismisan nanaman.. arg"
Yung babae pala kahapon na umalis. Andito sya ngayon.. hmm..
"Ano tinitingin mo??" tanong nya. Nakalimutan ko kasi nakatingin pa pala ako sa kanya, buti na lang di ako naglaway.
"ahh, wala naman.Ako pala si Gino..."
"Gino? Akala ko ba Ned ang pangalan mo??"
"ahhh.. Ned pala. hehehe.. A-ano pala pangalan mo?" wew, kamuntik na yun ahh.. teka, naalala nya ang pangalan ko. yey.
"Anya Weinberg" sabi nya sabay balik sa pagbabasa. Di ko alam kung baket pero napaka misteryoso ng taong to. Lumalabas ang pagkadetective Conan ko.
"Ehem... Anya.."
Di nya tinanggal ang mga mata sa libro na binabasa.
"Ano yun?" parang galit ah.
"Mmm.. tagahanga ka ba ni Gino Zala?"
Bigla sya nag-isip habang hawak ng isang kamay ang baba (detective style). "Wala pa akong nababasa na gawa ni Gino Zala eh, ano ba ang mga sinulat nya?"
"huh?? Hindi sya writer or author, artista sya!" Seryoso ba sya? hindi nya ako kilala? I mean, di nya kilala si Gino Zala? wierd..
"Ganun ba? Ung mga babaeng chismosa ang tanungin mo, sigurado akong kilala nila yun." Balik nanaman sa pagbabasa..
Pagkatapos naming mag-usap, umayos na ako ng pagkakaupo at humarap na sa unahan.
Habang nagtuturo ang guro namin sa Geometry, napapansin ko na madalas tumingin ang aming guro kay Anya at pinagpapawisan ng sobra.
"blah.. blah.. at ayan ang formula. Hmm.. M-m-ms. Weinberg tama ba ang formula? May gusto po ba kayong idagdag??"
Nagulat ako ng nagtanong ang guro namin kay Anya. At ang nakakagulat ay parang kinakabahan pa ito.
Halos lahat ata kami sa loob ng classroom ay nakatingin kay Anya at naghihintay ng sagot.
"Pwede na, kaya lang masyadong mahaba, wala po ba kayong alam na shortcut method?" tanong nya.(walang emosyon)
"ahh.. Ms. Weinberg, sa pagkakaalam ko kasi yan na ang pinakasimpleng formula" sabi ng guro namin sabay punas ng pawis sa noo.
"Ok po" sabi nya at bumalik nanaman sa pagbabasa.
Ano ba yan? Puro na lang libro ang kaharap ng babaeng to, kaya siguro hindi nya kilala si Gino Zala.
At ganun natapos ang unang subject namin sa araw na to (Wednesday). At dahil break naisipan kong bumili ng makakain sa canteen.
(Bihira lang ang POV ni Anya kasi lagi lang sya nagbabasa.)
Echo's POV
Nakakagulat naman ata kanina. Nakipag usap si Anya sa transferee naming kaklase. OHMYGAD. Marunong na si Anya makipagsocialize. I'm so proud of her... Tears of joy!!! Pwede na akong kunin ni Lord anytime. Lord salamat. Ang saya ko. Ngayon ko lang sya nakita makipag-usap ng mahinahon. Kahit ilang segundo lang yun. Napapaiyak talaga ako sa tuwa.( OA much?)
Mas nagulat ako pa ako ng hinayaan lang nya na tawagin sya sa first name nya. Madalas kasi Ms. Weinberg ang pinapagamit nya.
Makausap nga ung Ned na yan.
BINABASA MO ANG
the famous yet unknown
Teen Fictionang storyang ito ay tungkol sa isang super sikat na si Gino na lumipat ng school under the name of Ned. Gusto nyang magkaroon ng ordinaryong high school life at makapagtapos. Dito nya makikilala si Anya. Si Anya ay isa sa mga pinakamatatalinong stu...