Gino/Ned's POV
Monday
Lunes nanaman. Kahit pagod at puyat pa ako ay kailangan pumasok dahil malapit na ang periodical examination at kailangan ko rin namang humabol sa lessons. Pero ang hirap idilat ng mata ko. Sana wag ako makatulog.
"Good morning class" ayan na pala ang teachet namin sa Literature. Magkukwento nanaman yan.
"Today we will travel back in time to learn more about the famous William Shakespeare and his literary piece 'Othello' and how it....." di ko na narinig ang sunod na mga sinabi nya.. dahan dahan na akong hinila ng antok papunta sa isla de panaginip.
Anya's POV
"Today we will travel back in time to learn more about the famous William Shakespeare and his literary piece 'Othello' and how it affects the society."
Buti na lang at nabasa ko na ang Othello, in fact lahat ng sinulat ni Shakespeare eh nabasa ko na. Oh bakit parang nagulat ka? Bahala ka kung ayaw mo maniwala.
"Zzzzzzz...." sino ba yan na humihilik??
Tumingin ako sa right side ko, which is my only seatmate, nasa may bintana na part kasi ako,pero dilat na dilat naman ang mata nya. Oh well baka guniguni ko lang. Basa na nga lang ako ulit.
"Yeah, you can have my authograph.. hehehe.." san yun galing?
At ayun nga.Ang nasa harap ko, yung transferee, likod lang nya ang nakikita ko, pero teka, nakayuko sya at hindi gaano gumagalaw.
"Sure picture at authograph...." grabe pala ito pag tulog. Kala mo kung sinong sikat. "hahaha.. I'm the best."
"Mr Drew" nagulat ako nang nakatingin sa parte namin ang aming guro.
"Mr. Drew!!" ano ba yan.
Tinusok ko na gamit ng lapis ang likod ng leeg ni Ned.
Nagulat ako ng bigla syang tumayo at sumigaw ng "Thank you for coming!!"
Nagtawanan lahat ng mga kaklase ko. Pigil lang yung tawa ko. Nakita ko naman na medyo galit na ang guro namin.
"Mr. Drew, bakit ka natutulog sa loob ng klase ko?"
"Nakikinig nga po ako sa inyo ng mabuti."
"Eh kung nakikinig ka, bakit ang sarap ng tulog mo?"
"Mmm... Napakalambing po kasi ng boses kays napapikit yung mga mata ko," lakas mambola ah..
"So ganun? Eh bakit ang mga kaklase mo di naman natutulog?"
"Eh hindi naman po sila nakikinig" lakas magpalusot ah.
Pero nakakatawa. Pinigil ko lang ang tawa ko di tulad ng mga kaklase ko. Hagalpak ang tawa, kaya di na nakakapagtaka na magalit ang teacher namin.
"Mr. Drew, tutal sabi mo ay nakikinig ka. Sigurado ako na kilala mo kung sino ang nagsabi ng 'jealousy is a green-eyed monster that doth mock the meat that it feeds'?"
Gino/Ned's POV
"Mr. Drew, tutal sabi mo ay nakikinig ka. Sigurado ako na kilala mo kung sino ang nagsabi ng 'jealousy is a green-eyed monster that doth mock the meat that it feeds'?"
Lagot na, di ko to alam. Pero syempre di ko pinapahalata. Tinignan ko lang ang guro namin ng diretso. Hindi ako kumukurap, hindi ko rin pinunasan ang mga pawis na tumutulo mula sa aking noo. Walang umuimik sa loob ng classroom. Nakakabingi ang katahimikan.
Lahat hinihintay ang sagot ko na hindi naman lalabas sa bibig ko. Lumunok ako ng laway. Ilang minuto na siguro ang nakakalipas.
"Iago" nagulat ako ng may bumulong sa likod ko. Mahina lang sya na ako lang ang nakarinig.
"Iago" sabi ko ng medyo malakas at may halong pagyayabang. Chin up pa.. bwahahaha...
Halatang nagulat ang guro namin na alam ko ang sagot. Akala nya maiisahan nya ako."Makinig kayong lahat" yun na lang ang nasabi ng guro namin at nagpatuloy na sa pagkwekwento.
Pagkaupo ko ay huminga ako ng malalim. Di ko namalayan na nagpipigil pala ako ng paghinga. Napagdesisyunan ko din na magpasalamat kay Anya mamaya pagkatapos ng klase. Pero bago yun matutulog muna ako ulit.
BINABASA MO ANG
the famous yet unknown
Teen Fictionang storyang ito ay tungkol sa isang super sikat na si Gino na lumipat ng school under the name of Ned. Gusto nyang magkaroon ng ordinaryong high school life at makapagtapos. Dito nya makikilala si Anya. Si Anya ay isa sa mga pinakamatatalinong stu...