Gino's POV
Saturday
One week na rin ang nakakalipas mula nung matapos ang shooting ng music video.
Ngayon nga ang ipapalabas sa TV at andito ako sa Condo ko para panoorin ang aking music video. Kumuha ako ng popcorn para kompleto ang special effects... ahaha.... Lights out and action.
"Hi guys" sabi nung VJ "for the fans of Gino Zala is our next music video. This is his new single entitled 'Ache'. Now let us all watch the premiere of his new music video. This is 'Left Behind'... play it."
At ayun pinapakita na music video.
Kakaiba talaga ung pakiramdam na pinapanood mo ung sarili mo. Parang ikaw na hindi. Ang lungkot talaga ng kanta kaya malungkot din yung pinapakita. Ang galing ko pala umarte. Sana magkaaward ako nyan.
Ayan na yung chorus. Wow.. todo iyak ako ah.. Teka bakit puro kwento lang.. ahahh..
Pinapakita na ung part na dapat tatalon ako pero ung ka double ko. Nakatalikod lang sya. At ayuuuuuuuuuunnnnn.. Nahulog na sya.
Tama nga si Anya maganda nga ung ending. Nakakaiyak nga. Napansin ko na lang na may luha sa pisngi ko. Bakla lang?
--ring--ring--
Oh.. tumatawag si manager. Sagutin ko lang ahh.
"Hello?"
"Hello Gino? napanood mo ba ung music video mo?"
"Ah opo"
"Congrats. Sigurado ako magiging number 1 yan sa mga hit charts. Grabe naiyak ako sa dulo."
"Salamat po."
"Sige Gino. Tumawag lang ako para i-congrats ka. Kailangan mo rin pala umabsent sa susunod na mga araw para sa mga tv guestings mo."
"Pero ano po ang sasabihin ko?" nag-aalala ako kasi nga may galit pa sa akin yung teacher namin sa literature dahil nga sa alam nio na, ayaw ko naman madagdagan.
"Wag mo na isipin yun. Ako na ang bahala jan. Basta kailangan magpractice ka nang kanta mo."
"Sige po."
Monday
May tv guesting ako sa isang morning show. Napaka-aga nga eh. Syempre kinanta ko yung bago kong kanta. Pagkatapos kong kumanta ay nagkaroon ng interview.
"Gino Zala! Welcome to our show"
"Thank you"
"Napakalungkot naman ng kantang yun..... Eh ikaw? Nagmahal ka na at nasaktan ng dahil sa isang babae?"
"Wow.. hmmm.. Ang totoo nyan hindi pa ako nagmamahal ng ganun. Wala pa naman ako nakikilalang babae na mamahalin ko habang buhay. Pero wag kayo mag-alala, malalaman nyo din naman kung meron."
"Wow.. No girlfriend ka pala since birth?"
"yup. Pero di naman ako nalulungkot. At isa pa, masyado pa akong bata para sa mga ganyang bagay."
"Isa ka palang huwarang bata.Palakpakan naman natin sya" nagpalakpakan naman ung mga audience. "Yan ang dapat. Mag-aral muna. Wag muna magseryoso. Gawin munang inspirasyon. Crush crush lang."
"Tama.. Ahaha... para di kayo matulad sa lalaki sa music video.. ahahaha..."
"Ahh oo nga pala. Napanood ko yung music video at ang masasabi ko lang ay napaiyak ako. Napakagaling ng pagkakabuo. Sino ba ang director?"
"Ahh oo nga pala, magpapasalamat ako sa mga tumulong na mabuo ang napakagandang music video na yun. Kay Director Lexie Weinberg at sa pamangkin nya na si Anya. Thank you."
"Di nakapagtataka na maganda ung video. Eh si Ms. Lexie pala ung director."
"Oo nga. Magaling din naman po ung pamangkin nya. Ang totoo nyan eh sya ang may ideya ng last part."
"Wow..Mukhang may future Ms. Lexie na tayo. Hahaha.. Huli na to. Ano ang lesson na nakuha mo sa awit mo?"
"Hmmm... Sa tingin ko ang natutunan ko ay.. Ang pag-ibig ay parang pagbayad lang sa isang jeep. Ibigay mo lang ang sapat na halaga para kapag hindi ka nasuklian ay hindi ka masasaktan."
"Wow.. napakaganda. Thank you Gino, and sa mga audience wag po kayong aalis....."
BINABASA MO ANG
the famous yet unknown
Teen Fictionang storyang ito ay tungkol sa isang super sikat na si Gino na lumipat ng school under the name of Ned. Gusto nyang magkaroon ng ordinaryong high school life at makapagtapos. Dito nya makikilala si Anya. Si Anya ay isa sa mga pinakamatatalinong stu...