Gino's POV
O_O
Shocking yun ahh...
"Hi Anya!!" bati ko sa kanya.
"Kilala mo ang pamangkin ko??" tanung ni Ms. Lexie.
"Ahh.. oo naman po. Sa katunayan nga po..." di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa nakita ko na parang nagugluhan ang itsura ni Anya.
At *boom* naalala ko na hindi pala nya kilala si Gino, si Ned ang kilala nya. Anak ng tokwa naman oh. Ano ang pwede ko ipalusot?
oh ano? Kita mo to, tinatanong kita. Wag ka dyan basa lang ng basa. Makicooperate ka naman. Txt your sugestions sa numero na nakaflash sa inyong mga screen.
"Gino? Kilala mo ba ang pamangkin ko??" tanong ulit ni Ms. Lexie. Di ko kasi natapos ung sinasabi ko.
"Tita, akala ko po ba gagawa tayo ng music video. Bakit parang nagkwekwentuhan tayo. At isa pa, ngayon ko lang nakita yan. Di ko nga alam na nagbubuhay pala ang taong yan. Tapusin na natin to ng maibili mo na ako ng libro." sabi naman ni Anya.
Muntik na ako dun.
Sinimulan na nga namin ang shooting. Madalas sa pangalawang palapag kinukuhaan ang mga scenes. Lakad, emote, upo, kanta, tingin sa labas, tingin sa camera tapos repeat chorus..May part dun kung saan naghahabulan kami nung extrang babae. Kunwari daw ung mga happy moments namin.
Halos maubos ung buong araw sa shooting. Tulong din ng tulong si Anya sa pagbigay ng mga ideya at lahat naman ay maganda. Isa nga yun sa mga panahon na nakita ko sya na walang hawak na libro.
Madaling araw na at malapit na matapos. Naisip kasi ni direk Lexie na maganda daw kung may sunrise effect.
"Kailangan ng maganda at makapagdamdaming wakas. Ung tipong ung nanood eh maiiyak" sabi ni Direk.
"Anya, ano sa tingin mo ang magandang wakas?"
"Patalunin natin sya mula sa tuktok ng building" sabi nya ng matamlay. Pagod na rin siguro sya pero.... anong pinagsasabi nya na tatalon ako mula sa tuktok!!!??!!
"Mukhang maganda ang naisip mo pamangkin" aba't agree ang tita nya. May galit ba sakin ang angkan nila? Wala naman siguro kaming past o kung anuman...
"Excuse me po" kailangan ko protektahan ang sarili ko. Wag magpaapi.
"Pwede po bang ibang ending na lang?"
"Bakit naman? di mo ba nagustuhan ang naisip ng pamangkin ko?"
"Hindi naman po sa ganun.. kaya lang po kasi..."
"Takot kasi sa matataas na lugar etong alaga ko" singit ng manager ko.
Since binuking na ako ng manager ko, aamin na ako. May fear ako sa heights. Kays nga sa second floor lang kinukunan ang mv diba.
"Wag ka mag alala. May harness naman eh. Di ka naman talaga lalagapak sa lupa" pagkumbinsi ni direk.
"Tch.. Kalalaking tao takot sa mataas" bulong ni Anya, eh sa narinig ko, di na yun bulong. Nang aasar eh no???
"Gumamit na lang siguro tayo ng stunt man" suggest ni Manager Ryuu.
"Mabuti pa nga" sang-ayon ni Mam Lexie.
At yun, ginawa nga nila ung sinabi ni Anya. Habang kinikunan yun sa tuktok ay nagpaiwan naman ako dito sa tent para makapagpahinga na rin.
Nakakainis din. Maputol sana ung harness.
" bwahahaha.."
"Anong nakakatawa?" nagulat ako ng biglang pumasok si Anya ng tent.
"A-a-ah... Wala naman. Ano pala ang ginagawa mo dito? Akala ko ba tutulong ka dun?"
Di sya sumagot, diretso sa bakanteng upuan sa harap ko at binuksan ang dala nyang libro. Hanggang dito ba naman.
"Anong ginagawa....." bago ko pa matapos ung tanong ko na hindi naman nya sinagot nung unang beses ko tinanong eh nagsalita na sya.
"Bakit mo ba tinatanong ung ovious? Ok, since parang wala kang idea kung ano ginagawa ko. Tawag dito ay pagbabasa. You should try it sometime."
Sagad kung mang-asar ah.. Maipabugbog nga to sa mga fans ko.
Kaya siguro wala to masyadong friends. Buti nga sayo.. beehlat.
BINABASA MO ANG
the famous yet unknown
Teen Fictionang storyang ito ay tungkol sa isang super sikat na si Gino na lumipat ng school under the name of Ned. Gusto nyang magkaroon ng ordinaryong high school life at makapagtapos. Dito nya makikilala si Anya. Si Anya ay isa sa mga pinakamatatalinong stu...