5. An Interesting Duty

476 78 83
                                    

Kinaladkad ako ni Justin papasok sa ward.

"Ano ba Justin? Bakit ka ba nanghahatak basta?" sabi ko habang pilit na kumakawala sa hawak nya. Hindi niya ko pinansin. Diretso lang ito sa paglalakad.

"May duty pa ko! San ba tayo pupunta?!" asar naman tong lalaki na ito. Hindi pa din ako makawala sa hawak nya. Ang lakas niya kaya. Huminto kami sa isang sulok ng ward kung saan puro oxygen tank ang nakalagay.

"I need a favor." maikling sabi nito.

"Favor ka diyan! Close ba tayo? Kung makahatak ka wagas!" sabi ko sabay irap. Nakakainis talaga itong lalaking to. Hampasin ko kaya to ng oxygen tank? 

"Naging friends naman tayo di ba? Saka di ka naman luge sa favor ko."

"Ano ba ang favor mo?"

"Basta dapat sasakyan mo lang ako sa lahat ng sasabihin at gagawin ko." sabi nito.

"Bakit? Kotse ka ba at sasakyan kita?" pamimilosopo ko.

"AISH! BAKIT BA GANYAN KA?! MAKISAMA KA NAMAN!" inis na sabi nito.

"WOW HA? HIYANG HIYA NAMAN AKO SA GALING MONG MAKISAMA!" sumigaw na din ako. Syempre. Magpapatalo ba ko sa aswang na to?

"AISH! WAG KANG SUMIGAW!"

"EH BAKIT KASI SUMISIGAW KA DIN!" Grabe ha. Eto yata talaga hobby namin pag nagkikita kami. Ang magsigawan.

"HUY ANO BA YAN? NASA OSPITAL KAYO! BAWAL MAG-INGAY DITO!!" parehas pa kaming nagulat nung biglang sumigaw ang isang matanda sa amin.

"Pakialam mo ba huh?!" sagot ni Justin.

"Sorry po! Pagpasensyahan nyo na lang po itong kasama ko. Ako na po yung humihingi ng patawad para sa aming dalawa." hinging paumanhin ko. Binigyan lang kami ng masamang tingin nung matanda saka ito umalis.

"Hoy aswang! Wag ka ngang bastos!" bulong na sigaw ko.

"Nakikisali kasi sya sa usapan. Tss." inis pa din na sabi nito.

Tiningnan ko yung relo ko. 10 minutes na lang duty na ako.

"Malapit na duty ko. Ano ba yung favor mo?" sabi ko.

"Kailangan ko ng girlfriend." mabilis na sabi nito.

"Yun lang pala eh. Ang dami mo pa--- WHAAAAT??!" napasigaw na naman ako nung maprocess ng utak ko yung sinabi nya.

"Kunwari lang naman. Mamaya na natin pag-usapan after ng duty mo. Hanggang 11 ka diba? Ako na maghahatid sa iyo pauwi. Basta sumakay ka sa lahat ng gagawin ko ha?" dire-diretsong sabi nito sabay hatak na naman sa akin. Takte. Mahilig manigaw at manghatak itong aswang na to!

Pagdating namin sa may station, nandun na yung mga kaklase ko, pati yung Clinical Instructor namin. Napatingin yung mga kaklase ko sa amin. Si Carla naman, literal na nakanganga pa.

Niyakap ako ni Justin sabay bulong, "Huwag mong sasabihin na nagkukunwari lang tayo ha?" Napatango na lang ako. Tumingin ito sa mga kaduty ko.

"Bye classmates ni Raphaella. Bantayan niyo sya ha?" sabi nito sa kanila.

"Bye Raphaella! Galingan mo sa duty. Sabagay, alam ko naman na magaling ka talaga." kumindat ito at umalis na sa harap namin.

Barkada Series, The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon