7. Boom Boom Pow

403 64 54
                                    

Nagkatinginan kami ni Justin nung sumigaw yung apat.

"Eh? Oo. Hehe!" pacute na sabi ko.

"Kelan pa?!" tanong naman ni Aldrin.

"Kanina lang bro." sabat ni Justin.

"Eh ayun. Kaya medyo ginabi ako. Hihihi. Sorry." nakapeace sign na sabi ko.

Nakatingin lang silang apat sa amin. Enebenemenyen, hindi pa yata sila makapaniwala na may boyfriend ako. Huhuhu!

"Kaya ginabi kayo?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Aldrin.

"U-MAY-GAD!" sambit naman ni Thea.

"Wag mong sabihin na...." sabi naman ni Vicky.

"RAPHY! Bakit mo agad sinuko?!" sigaw ni Gab.

"Huh? Alin ang sinuko ko?" naguguluhang tanong ko. Tumingin ako kay Justin kasi baka naiintindihan niya yung sinasabi nung mga kaibigan ko. Kaso mukha din syang walang alam sa mga nangyayari.

Nagulat ako nung bigla ako hinatak ni Gab at inalog-alog.

"RAPHY! Bakit mo ginawa yun agad! Bakit mo agad sinuko ang.. ang.. WAHHH! Pano kapag may nabuo?! RAPHY NAMAN EH!!" sigaw ni Gab.

"Teka, Gab. Nahihilo ako sa ginagawa mo. Bitiwan mo muna ako." sabi ko dahil wala pa ring tigil si Gab sa pag-alog sa akin. Hinatak naman ako ni Justin palayo kay Gab. Magsasalita pa lang sana si Justin pero nagsalita na naman si Gab.

"Ayan! Nahihilo ka na! Raphy naman kasi eh! Lagot tayo sa parents mo! Hoy JUSTIN! Panagutan mo yung ginawa mo kay Raphy--- ARAY!" binatukan kasi ito ni Aldrin.

"Ano ba Gab, ang OA mo na. Tumigil ka na nga muna. Hayaan mo muna silang magsalita!" mataray na sabi ni Thea. Tapos tumingin uli ito sa amin ni Justin.

"Teka, wala naman kasing ginawa sa akin si Justin eh." sabi ko.

"Dumaan pa kasi kami sa cafe ni Raphaella kaya hindi kami agad nakauwi." paliwanag ni Justin.

"Yun naman pala eh." sabi ni Vicky.

"Akala naman namin kung ano na." sabi naman ni Aldrin.

Naglipat-lipat yung tingin ko sa kanila. 

"Teka, ano ba akala niyo?" tanong ko. Iniharap ako ni Justin sa kanya.

"Wag mo nang pansinin yun Raphaella, nag over---" hindi na natapos ni Justin yung sasabihin niya dahil biglang sumingit si Gab.

"Kasi Raphy, akala namin nag BOOM BOOM POW na kayo ni Justin!" 

"Boom boom pow? Yung kanta?" nagtatakang tanong ko. 

"Hindi! Yung ano!" sabi ni Gab.

"Anong ano??" sigaw ko.

"AKALA NAMIN GUMAWA NA KAYO NG BATA!" napanganga ako sa sinabi ni Gab. Tinakpan naman ni Justin ang tenga ko kaso huli na ang lahat.

"KAPAG BA KASI GINABI AUTOMATIC NA YUN ANG GINAWA?!" sumigaw na din si Justin. 

"Oo nga! Hindi ba pwedeng nagdate lang kami?!" sabi ko naman. Kung date ngang matatawag yung ginawa namin ni Justin.

"DATE?" sabi ni Vicky. Tumango naman ako. Halata naman na nakahinga silang apat.

"Ang OA nyo kasing magreact." parinig ni Justin. 

Barkada Series, The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon