Special Chapter

357 42 32
                                    

So ang special chapter na ito is all about my birthday. This is not related to the story in any way. 

Sana basahin niyo. Enjoy. :D

------------------------------------------------------

AUTHOR's POV

Magkasamang dumating sa bahay si Raphy at Gab before 1 pm. Sad to say, wala si Thea, Aldrin at Vicky dahil may work sila.

"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you~" kanta ni Gab at Raphy sa akin pagbukas ko ng gate.

"Bakit ngayon lang kayo?" masungit na sabi ko. Syempre birthday ko kaya may karapatan akong magsungit. Saka ang usapan kasi namin maaga sila. Ilang oras ko kaya sila hinintay.

"Eh kasi nga dumaan pa kami sa dentista dahil nga nagpapalit ako ng rubber sa brace," sabi ni Raphy.

"Hindi mo man lang pinansin yung cake na dala namin sa'yo. Triple chocolate pa naman ito." sabi naman ni Gab. 

Syempre natatouch ako pero sungit-sungitan pa ako dahil nga ang tagal nilang dumating.

Pinapasok ko na sila sa bahay. At dahil nga nagpapataas kami ng bahay at nagpapatambak ng buhangin, kailangan nilang yumuko ng bongga papasok sa silong. Mas matangkad kasi sila kesa sa akin. (Bwahahaha! The perks of being small!)

"Oh nasan na yung pata. Pinaghandaan namin 'to." sabi ni Gab pagkaupo nila. 

"Oo nga, hindi kami nag-almusal saka naglabas kami sa CR ng laman ng tiyan para madami kaming makain." sabi naman ni Raphy.

Sabi ko kasi sa kanila ipagluluto ko sila ng crispy pata since sila lang naman yung bisita ko.

"Ayan oh, piniprito ko pa. Sandali na lang yan."  Inilagay ko muna sa ref yung cake na dala nila dahil malulusaw sa sobrang init ng panahon.

Nagsimula na din akong mag-ayos ng lamesa para makakain na din kami. Inilabas ko yung malalaking plato namin saka ko inilabas yung chicharon na regalo ng kapitbahay sa akin. 

"Oh may isa pang kaldero ng kanin ha? Dapat maubos niyo yan." Pinaghahandaan ko talaga pag kakain sila dito. Hindi kasya yung isang kaldero lalo na kapag kasama si Gab. Inilagay ko na din yung crispy pata na luto ko sa lamesa.

"Sige na kumain na kayo." Tapos kumuha ko ng yelo para sa softdrinks.

"Oh ano nangyari sa pata?" sabi ko pagbalik ko sa mesa. Mukha na kasing nasagasaan ng bus at gutay-gutay na ang laman niya.

"Hiniwa ko na para madali ng kumuha mamaya." sabi ni Gab. Tapos naglagay na siya ng kanin sa plato niya. As in puno yung plato niya. Mga tatlong kain na ng normal na nilalang.

"Nasan na yung spaghetti?" tanong ni Raphy.

"Eh mamaya na yun.  Bibili pa nga tayo ng iluluto.  Meryenda pa naman yun eh." nagsimula na din kaming kumain. "Hindi man lang natin napicturan yung pata." sabi ko.

"Ayos lang yan! Iinggitin natin sila Aldrin kasi buto na lang matitira. Yun na lang picturan mo." sabi ni Gab.

"Kawawa naman yung tatlo. Ikain natin sila." sabi ko. 

"Sige. Ikakain ko si Aldrin. Teka lang ha. Almusal ko pa lang itong kinakain ko. Maghintay ka muna diyan brad." sabi ni Gab sa kawalan.

"Oh sino ikakain mo?" tanong ko kay Raphy.

"Akin na lang si Thea. Sa'yo na si Vicky." sagot ni Raphy. 

"Sige.Para hindi nila ma-feel na nakalimutan natin sila." sang-ayon ko sa kanila.

Nakailang rounds na kami ni Raphy pero si Gab nasa unang round pa din. Pano naman kasi ang dami nung kinuha niya talaga.

"Pag pala gutom tayo sa'ting tatlo lang yung pata." sabi ni Raphy habang tinitingnan namin yung pata na lost na ang career.

Nagpapababa na kami ng kinain ni Raphy, samantalang tinatapos na ni Gab yung round 2 niya nung biglang may dumating.

"Happy Birhday!" sabi ng tauhan ni tatay sa farm. Nilapag nito ang dalawang naglalakihang paper bag ng Jollibee. Syet naaamoy ko  na yung chicken joy!

"HALA KUYA! Ano yan! Bakit andami? Dalawa lang bisita ko, hindi dalawampu!" sabi ko pagkasilip sa paper bags. Pano ba naman may dalawang bucket ng chickenjoy, madaming rice, 8 na mix-in, 8 na softdrinks at mga mash potatoes at buttered corn pa!

"Eh yan yung piinabili eh. Sige na balik na ko dun. Happy birthday uli!" sabi ni kuya sabay alis. Medyo nanlumo ako. Sino kakain ng santambak na Jollibee na ito. Pero syempre tuwang-tuwa si Raphy at Gab.

"Ice cream!!" sabi nila. Yun ang una naming kinain. Saka yung mashed potatoes at corn. Kumain din naman yung mom ko at kapatid ko. Pero hindi agad nagalaw yung manok saka kanin.

Matapos ang tanghalian, naupo muna kami. Nagkwentuhan, nag-internet etc. Hindi na namin itinuloy ang spaghetti kasi naman, andaming pagkain na. Pero ginawa ko pa din yung chocolate fondue. Usapan na namin to. Saka lintik. Antagal naming iniisip kung ano yung HEAVY CREAM. Nauwi kami sa Nestle cream dahil nakita namin na may recipe sa likod. 

"Oy Gab, ikaw na maghiwa ng saging!" sabi ko habang naghahalo nung fondue. Pinanood naman ni Raphy si Gab.

"Hahaha! Imba maghiwa. Papanipis tapos kakapal uli! Paling pa!" sabi ni Raphy kay Gab. (paling - hindi pantay-pantay)

"Eh hindi din naman kasi pantay yung saging!" sabi naman ni Gab.

After namin kumain ng fondue, nagpunta naman kami sa 7/11 para bumili ng maiinom. Nabili namin yung lambanog na bubble gum flavor. Around 6:30 na ito. 

Ako yung tanggera at dinadaya ko sila sa tagay. Puno sa kanila, kalahati lang akin. Napansin naman nila kaso wala silang magawa. Bwahahahaha!

Nakakalahati pa lang namin yung iniinom namin, kinailangan ko ng maghain para sa hapunan. Pauwi na tatay ko kaya kailangan sabay-sabay kami kahit busog na busog na kami. Nagluto uli ako ng isang crispy pata, tapos yung chickenjoy saka chicharon uli. 

In short, sobrang busog kaming tatlo. Hindi na nga namin nakain yung cake dahil wala ng kalalagyan sa tiyan namin. Habang hinihintay yung maghahatid sa kanila pauwi at nagliligpit ako, palakad lakad silang dalawa. 

"Himas himas lang,  himas himas lang" kanta ni Gab habang naghihimas ng tiyan. Ang tono niyan yung ikot-ikot lang na kanta ni Sarah G. May hawak pa itong sandok na inihihimas sa tiyan. Kasabihan daw ng matanda yun.

"Ang sakit ng tiyan ko. Pag-uwi ko sa bahay susumbong kita kay mama," sabi ni Raphy.

"Hahaha! Magsusumbong ka dahil binusog ko kayo?" natatawang sabi ko.

"Nung nagpunta ko dito sexy ako, ngayon buntis na ko," sabi ni Gab habang nakaharap sa salamin.

"Alam mo ba na ang isang kalderong kanin sa amin, pang-isang araw na, kasama pa yung aso. May natitira pa kinabukasan. Nakaisang kaldero ka ng kanin eh," sabi ko kay Gab.

"Eh di ibig sabihin pang-isang pamilya na yung kinain ko kasama pa yung aso?" tumatawang sabi nito.

"Hahaha! Oh ayan na sundo niyo. Salamat! Babay!" sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa.

"Babay! Salamat! Happy Birthday uli!" sabi nilang dalawa habang paalis.

-----------------------------------------

A/N:

Medyo pinutol-putol ko kasi hahaba masyado. Hahaha! Sana magustuhan niyo itong chapter na to guys! <3

Watty ni Raphy: @Raphy_DNerd

Follow and mention niyo sa comments niyo :D

~Rae

Barkada Series, The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon