12. Tomorrow

160 13 4
                                    

Napapangiti ako habang naglalakad papasok ng eskwelahan kapag naaalala ko yung usapan naming magbabarkada habang nag-aalmusal.

"Kamusta ka na Raphy?" basag ni Aldrin sa katahimikan.

"Huwag ka na kayang pumasok?" nag-aalala namang sabi ni Thea. Tumatangong sumasang-ayon naman si Vicky habang si Gab ay patuloy lang sa pagkain.

"Guys, ok lang ako. Kilala niyo naman ako di ba? Hindi ako yung tipong magmumukmok. Kaya ko to. Ako pa ba?" nakangiti kong sagot sa kanila.

"Alam mo magandang pantanggal ng lungkot at sama ng loob Raphy? Pagkain. Magfoodtrip na lang tayo uli!" nakangising sabi ni Gab sa pagitan ng pagsubo ng pagkain. 

Natawa naman ako sa sinabi ni Gab. "Alam niyo kayo pa lang more than enough na para mawala ang sama ng loob ko." 

"Paano Raphy kung guluhin ka na naman nila Justin at Tanya?" kunot noong tanong ni Vicky.

"Samahan ka kaya namin sa classes mo?" nagtatanong na tumingin si Aldrin sa aming lahat.

"Guys huwag na. You have to let me fight my own battles. Saka kaya ko ang sarili ko, if ever na makaharap ko man sila ngayon." Tumayo na ako para kunin ang mga gamit ko. "Akalain niyo, sa loob lang ng isang linggo madaming nangyari. Nakakatawa di ba?" 

Hindi ko maiwasan na mapailing dahil iniwan ko silang nakatulala sa sinabi ko bago ako umalis. Hindi ko na sila binigyan ng chance na magcomment pa uli. Sigurado mamayang pag-uwi ko kukulitin na naman nila ako.

Pagdating ko sa classroom, agad akong nilapitan ni Carla. Napansin ko din na nakatingin ang ibang classmates namin sa akin. Kumaway at ngumiti naman ako sa kanila.

"Girl! Totoo ba ang balita?" Umupo ito sa tabi ko at tiningnan ako ng nanlalaki ang mata.

"Balita? Ano ba ang balita?" patay malisyang tanong ko. Sigurado naman ako na kahit papano ay kakalat sa school ang nangyari kahapon. Unang-una, hindi naman sa tagong part ng school nangyari ang insidente. Pangalawa, sikat si Justin at Tanya dito sa school. At pangatlo, kahit na kadalasan na walang alam ang mga nursing students sa pangyayari sa buong campus, ang mga kasama namin kahapon sa medical mission ay puro nursing students na iba't iba ang year at sections. 

 "Hmmm, ano nga bang balita? Yung balita yata na magcoconcert daw ang SNSD dito sa April?" sarkastikong sabi ni Carla.

"Ay talaga? Punta ta--- ARAY! Carla naman eh!" nginusuan ko ito habang hinihimas ang ulo ko na tinuktukan niya ng notebook.

"Gaga! Alam mo naman ang sinasabi ko eh. Yung nangyari sa iyo kahapon including Justin, Eronn and Tanya, not to mention ang mga barkada mo." Umalis kasi agad ito kahapon matapos kaming kausapin ng dean.

"Uh, may nangyari nga." tipid kong sagot.

"Girl, ikukwento mo ba sakin ng buo o hahatakin ko yang dila mo at baka sakaling mabasa ko diyan ang nangyari kahapon?" nanggigigil na sabi nito sa akin.

Natawa ako ng mahina. "Pwede ba mamaya after class? Dun tayo sa garden natin." 

Sumimangot ito ngunit wala na ding nagawa dahil dumating na din ang instructor namin.

Pagkatapos ng klase, hinila na agad ako nito para pumunta sa garden. Pero mukhang mamalasin ako dahil nakasalubong namin si Eronn at Nathan na mukhang galing ng library. Parehas kaming natigilan ng magkatinginan kami.

Barkada Series, The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon