Franz POV
Nakalipas na ang isang linggo, malamang hindi parin magaling si Andrei hindi ko kasi siya nakikita na lumalabas, malala siguro yung mga tama nya nung nagsuntukan sila nung lalaking kalaban namin sa basketball.
Napagpasyahan naming magkaka-teammates na magkaroon ng kahit maliit lang na celebration dahil nanalo ang team namin.
Balak namin mag-rent ng isang private pool para makapag inom din ng mga beer ang tagal ko na ding hindi nakatikim simula nung nalaman ng parents ko na umiinom ako.
Hindi naman ako basta basta umiinom may dahilan din ako, it's either meron lang party o kaya naman badvibes lang. Nasa iisang subdivision lang kaming lahat kaya naman madaling puntahan ang mga bahay nila.
Bibisita sana ako kina utol, maglalakad palang ako nang may biglang sumipa sa likod ng binti ko na agad ko namang ikinadapa sa sahig.
Nagulat ako sa nakita ko ang mga kalaban namin sa basketball.
"Pare anong problema? Sino ka ba ha? It's just a game pare! Don't take it serious." Ako
"Ako lang naman si Jc, kilala mo na ako ngayun. Yung nangyari sa court habang naglalaban tayo hindi ko palalagpasin yun kaya alam kong alam mo kung saan nakatira yung kaibigan mo......sabihin mo na kung ayaw mong masaktan." Jc
"Pare ayoko ng gulo hayaan mo munang magpagaling si Andrei." Ako
"Grabe pala talaga ang tinamo niya sa mga kamay ko." Nakangiting sagot nito sa akin. Pinatunog niya yung mga kamay niya yung para bang handang handa nang sumuntok. Inunahan ko siya kaya naman agad ko siyang sinuntok ng malakas.
"Ganti lang yan sa ginawa mo sakin kulang pa yan dahil hindi pa tapos sayo si Andrei." Ako
Narinig ko siyang nag smirk.
"Pasalamat ka mag-isa ka lang kung hindi kanina pa kita pinatay." Ako
Napaupo siya sa pagkakasuntok ko.
"Tanga ka ba? Mag-isa na nga lang ako sa harap mo, hindi mo pa ako magawang patayin?" Jc
"Gustuhin ko man pumatay pero kasalanan sa diyos yun pero kung kinakailangan pumatay, papatay ako! At isa pa gusto kong Makita kasama ang mga kaibigan mo na mamamatay sa mga kamay ko." Ako
"Mas maganda kasing nakikita ko ang mga walang buhay niyong katawan sa harapan namin ni Andrei." Dagdag ko pa.
Tumayo siya at sinabing "May araw ka rin sakin."
---------------------
Kinapa ko yung labi ko at nakita kong nagdurugo ito kaya naman umuwi nalang ako samin at hindi ko na binalak pang tumuloy kina Andrei...tsaka ko nalang sasabihin sa kanya ang mga nangyari.
***Kinabukasan***
Ayessa's POV
Nandito kami ngayun sa bahay nila Yhanna dito kasi kami palaging tumatambay dahil malaki ang bahay nila kaysa saming lahat.
"Alam niyo na ba yung balita?" Mikee
"Ano?" sabay sabay na sagot ng tatlo
"Na may nangyaring tanggalan ng team! Tinanggal na nila yung team THUNDER dahil sa nangyaring kaguluhan." Mikee
"Chismosa ka talaga!!" Ako
"Hahaha oo nga chismosa ka." Sam
"Saan mo naman nakuha yang impormasyon na yan?" Yuri
"Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha ang balitang ito..." Mikee
"Nako! Kwentong barbero na naman yan." Yhanna