Chapter 5: Not in good mood

11 1 0
                                    

**Ayessa**

Hindi ako nakatulog simula 12am hanggang abutin na ako ng 6am di ko alam kung bakit hindi ako makatulog pero sa tingin ko dahil iyon sa sobrang inis ko siguro yun yung dahilan... hindi na ako nakatiis pa at nakaidlip ako ng tatlong oras 6am to 9am.

Nagising ako dahil sumigaw si mama.

"Hoy!! Gumising ka na!" unti unti kong minulat ang mga mata ko, nakita ko yung kapatid ko na gadgets agad ang hawak, umagang umaga ayan na naman inaatupag.

"Ayan oh si ate...si ate nalang"

Tatlo lang kami dito sa bahay ako,kapatid kong lalaki at si mudra.

"Ayan oh si ate...si ate nalang" sigaw ng magaling kong kapatid basta pagdating sa utos utos na yan ako palagi -___-' napaupo agad ako sa pagkakahiga. Nagulat kasi ako sa sigaw nila.

Ayokong makahalata sila na nagpupuyat ako alam kong papagalitan lang nila ako dahil baka daw lalong lumabo yung mga mata ko. Naiintindihan ko naman sila dahil concern sila sakin.

Pero wala eh, gawain ko ito kapag bakasyon dahil binabawi ko lang yung mga weekends sa school days na bitin kaya dito ko binubuhos yung oras ko sa pagpupuyat minsan din kasi hindi ako makatulog dahil sa may bumabagabag sa isip ko hindi yung mga 'love.love.love' na yan kadalasan sa palabas na pinanuod ko.

Kumilos ako agad para maghilamos at magtoothbrush then iniligpit ko narin yung pinaghigaan ko.

**Kinabukasan**

5 mins. before 6:00 gusto kong maglabas ng sama ng loob gusto kong mag open sa init ng ulo ko wala naman akong pwedeng pagbuntungan ng galit wala kasi si Mikee.

Si Mikee lang ang napagsasabihan ko ng mga problema ko at ganun din sya sakin. Busy silang lahat hindi ko nga sila nakitang lumabas, nakasalubong ko lang si Samantha pero papasok na ng bahay nila.

Ang kinaiinis ko kasi yung palagi nalang akong sinisisi kahit na wala naman akong kasalanan.

Magdamag na din kasi akong nasa loptop simula 12 noon at hanggang itong quarter to 6pm, masama ba yung magdamagan ka sa isang araw? Kulang pa nga yung 6 hours sakin eh.

Grabe talaga ako kapag sobrang badtrip hindi ko na alam ang gagawi ko.

Lumabas ako ng bahay dahil may inutos na naman sakin dahil malapit lang ang bahay ni Mikee susubukan ko sanang tawagin sya sa bahay nila kaso mukhang wala sya dun kasi ang tahimik ng bahay nila.

Umuwi nalang ako dala ang ipinabili sakin, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin kapag badtrip ako, nasasagot ko talaga sila ng wala sa oras minsan sinasabayan ko pa yung sermon nila sakin.

Iniisip ko tuloy parang ang bastos ko naman na anak pero ugali ko na talaga to' wala namang pumipigil sakin kapag galit ako alam na kasi nila ang mangyayari kapag lalo pa nilang dinagdagan ang paninermon sakin.

Hindi ko alam yung pakiramdam ko ngayon nagagalit ako na masaya ang gulo no?

Siguro masaya ako kasi nagawa ko ngayong araw yung gusto kong gawin at nagagalit naman ako dahil nagbubunganga na naman sila sakin pero ok lang dahil bipolar naman ako humuhupa din yung galit ko mas nangingibabaw kasi sakin yung tuwa na nadarama ko ngayon.

Dahil wala naman akong mapagsabihan ng galit ko nandito ako ngayon sa kwarto ko, mag isa lang, nagdidilim narin ang paligid mas ok na yung madilim dahil gusto kong mapag isa.

Kapag wala ako sa mood hawak ko lang ang phone ko dahil wala naman akong load binabasa ko nalang yung mga unread msgs sa inbox, ilang araw ko narin na hindi nahahawakan yung phone ko, paano ba naman kasi walang load.

Gusto kong kumain ng kumain yun lang naman gawain ko kapag bad mood ako pero ayoko masyadong nagkakakain baka kasi lumobo ako lalo.

Ang taba taba ko na nga daw eh -______-'

Bakit ba palagi akong nasisiraan ng araw? Sa totoo lang hindi naman ako magiging badtrip kung walang sisira/sumisira ng araw ko.

Masyado ko nang dinidibdib ang mga problema ko dapat hindi ko ito iniisip dahil lalo lang akong ma i-stress.

Inilibang ko muna ang sarili ko sa bintana ng kwarto ko nasa second floor kasi ang kwarto ko at malapit ang bintana sa hagdan dahil pagabi narin hinintay kong lumubog ang araw medyo medyo nawala yung ang pagka badtrip ko.

25 minutes din akong nakatayo at nakasilip lang sa bintana, hinihintay ko lang na magdilim ang mga ulap medyo nakakainip din palang maghintay pero sulit naman dahil habang naghihintay ka unti unting nag fa-fades away ang mga kulay ng ulap ang ganda pagmasdan dahil para itong rainbow halo halo ang kulay.

Masaya pagmasdan ang sunset pero mas magiging espesyal at masaya ito kung kasama mo ang taong mahalaga sa buhay mo.

Balang araw kapag nahanap ko na uli ang lalaking magpapatibok uli ng puso ko gusto kong gawin yung mga ginagawa sa soap opera yung sabay nyong pagmamasdan ang paglubog ng araw habang nakaakbay ito sayo.

Pero mas gusto ko gawin yun habang kumakain ng McDo fries hihihihihi ^___^v

Hindi ko napansin na tuluyan ng nawala ang pagka badtrip ko kitam sabi sa inyo eh may pagka bipolar ako pero minsan lang medyo may umuukit ng mga ngiti sa labi ko, maganda narin yung ganito kesa naman nagmumukmok nang dahil lang sa maliit na problema.

Do i still have the chance to fall in love again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon