Prologue

890 17 1
                                    

"Sis! Ikakasal ka na! OMG!" Tili ni Ella habang iwinawagay sa ere ng bestfriend niyang si Aira ang singsing nito. Sinimulan nito ang pagpapapansin sa kanya sa pamamagitan ng kunwaring pag ubo sabay takip sa bibig nito para mapansin niya ang engagement ring.

Kasalukuyan silang nasa isang restaurant. Treat daw ito ng bestfriend niya dahil may magandang balita ito sa kanya. Akala niya na promote na naman ito sa trabaho. Yun pala ikakasal na ito.

She is genuinely happy for her friend. She knows that Aira truely deserve it. Nakikita naman niya na mahal na mahal din ito ni Renan ang boyfriend nito who is now her fiancé.

Aira and her has been friends since they were in kindergarten. Kaya alam na alam na niya ang likaw ng bituka nito. Ito ay ganun din sa kanya.

Super close naman siya sa pamilya ng mga ito. Laking bahay ampunan kasi siya kung saan benefactor ang mga magulang nito. Hindi na niya nakilala ang tunay na magulang kaya ang mga magulang na ni Aira ang itinuturing niyang magulang. Ito na din ang sumagot sa pag-aaral niya nung magkolehiyo siya dahil hanggang high school lang ang kaya ng bahay ampunan na tustusan para sa mga batang alaga. Kaya napakaswerte niya at nakilala niya si Aira at ang mga magulang nito.

Nakita niya ang pagdating ni Renan. Sumenyas pa ito na wag maingay dahil balak nitong sorpresahin si Aira. Itinakip nito ang mga kamay sa mga mata ni Aira.

"Hon, alam ko ikaw yan!" Nangingiting wika ni Aira habang takip pa din ni Renan ng mga kamay nito ang mga mata niya.

"How did you know it's me Hon?" Balik tanong naman ni Renan kay Aira. Hinalikan niya muna sa pisngi si Aira bago nag hila ng upuan sa tabi nito.

"Kung hindi si Hannah, ikaw lang naman gumagawa sa akin ng ganyan." Aira pouted looking at her fiance.

"Di ba Han?" Tumingin pa ito sa kanya na waring nanghihingi ng kakampi.

Hannah ang tawag nito sa kanya kahit lahat ng tao ay Ella ang tawag sa kanya. Hango ito sa tunay niyang pangalan na Hannah Mikaella. Yun ang ipinangalan sa kanya ng mga madre dahil sa kwentas na suot suot niya nung napulot siya na may nakalagay na Hannah Mikaella. Pinagamit naman sa kanya ng pamilyang Veyra ang apelyido ng mga ito nung magkolehiyo na sila ni Aira.

"Ikaw talaga naghanap ka pa ng kakampi." Pinisil pa nito kunwari ang ilong ni Aira. Sabay kabig dito.

Sanay na siya sa kasweetan ng dalawa. Natutuwa siya para aa kaibigan niya dahil nakahanap na ito ng lalakeng mamahalin nito habambuhay. Unang boyfriend nito si Renan na nakilala nito sa kompanyang una nitong pinagtatrabahuan. Naalala pa niya nung sinabi nito na may nanliligaw dito. Hindi siya pumayag na hindi makilala ang lalake. Dahil mahal niya ang kaibigan ayaw niyang mapahamak ito kaya kinilatis niya munang mabuti ang katauhan ni Renan bago binigay ang go signal sa kaibigan. Napatunayan naman ni Renan sa loob ng limang taon nilang pag-iibigan ni Aira na tunay nga nitong minamahal ang kaibigan.

"I bet sinabi mo na din kay Hannah." Tanong ni Renan kay Aira.

Nagngitian naman sila ni Aira.

"Ikaw talaga. Sabi ko sayo sabay nating sabihin. Di mo na naman natiis." Kinurot nito ng mahina sa magkabilang pisngi si Aira.

"Teka, alam na ba ito nina Mommy at Daddy?" Tanong niya sa kaibigan.

"Hindi pa. Actually ikaw pa lang unang nakakaalam. Wala kasi talaga to sa plano. Kanina lang nangyari to." Napakagat labi si Aira at tumungin kay Renan.

"OMG! Buntis ka?!" Gulat na tanong niya.

"Gaga! Hindi noh! Ito kasing si Renan hindi nagpaparamdam ilang araw na. Sabi ko magkita kami ng dinner kahapon eh hindi naman sumipot. Kaya tinext ko na break na kami. Ayun pumunta kanina sa opisina at doon nagpropose." Natatawang kwento nito.

"Busy lang naman kasi ako sa proposal sana na gagawin ko. Takutin ba naman ako na hiwalay na daw kami. Ayun nawala tuloy ang moment." Natatawa din nitong kwento.

"Hindi ka ba naiinggit sa amin Hannah? Magboyfriend ka na kasi." Tanong ni Renan mayamaya sa kanya.

Lumamlan naman ang kanyang mga mata ng tila may naalala mula aa kanyang nakaraan.

Siniko naman ni Aira si Renan ng mapagtanto nitong bahagyang lumungkot ang awra niya.

Dahil ayaw niyang mabahiran ng kalungkutan ang kasiyahan ng dalawa pilit niyang pinasigla ang boses.

"Ano ba kayo! Ang bata ko pa para intindihin yan. I have a very bright future ahead. Career muna for now. Okay." Pilit ang ngiti niya.

"O ayan na pala food natin. Let's eat and celebrate!" Pag-iiba niya ng usapan ng dumating amg pagkain.

My Bestfriend's WidowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon