They decided to spend the day sa may amenities area ng hotel. May indoor pool sa gitna habang may mga covered benches naman sa paligid nito.
Gusto nilang paarawan si Ai.
Nakacycling shorts at tshirt lang siya dahil hindi naman siya nakapagbaon ng swimsuit. Nauna siyang bumaba kay Renan at pumunta na sa pool area kasama si Aireena.
She heard girls giggling di kalayuan sa kanya. Nang sundan niya ng tingin ang mga ito napaawang ang bibig niya.
Renan is walking like a demi-god papunta sa kinaroroonan nila.
He is in trunks habang may parang tshirt na nakasampay sa balikat nito.
May abs ang loko!
Nakangiti ito sa kanya.
"Ay may asawa na pala." Narinig pa niyang sabi ng mga babae.
"Hi! Sorry di ko nainform na magsuswimming tayo." Nakangiting wika nito.
"Okay lang wala din naman akong balak maligo." Sagot niya.
"Are you sure? I can buy you a swimwear so shop dito." Saad nito.
"Wag na. Ang mahal kaya ng mga bilihin dito sa loob. Pwede naman ako umuwi para kumuha ng swimsuit." Sagot niya dito.
"No. Don't go anywhere. Wait here. May kukunin lang ako." Wika nito.
Humalik muna ito kay Aireena bago pumunta sa kung saan. Naiwan naman siyang nagtataka. Ipinagkibit balikat na lamang niya ang nangyari at itinuon na lang ang pansin kay Aireena.
Maya-maya pay ay bumalik ito na may bitbit na parang swimsuit.
"Here. Pwede ka na magbihis." Iniabot nito sa kanya ang isang two-piece swimsuit.
"Ano to? Bumili ka talaga?!" Di niya mawari kung maiinis ba siya sa kakulitan nito.
"Nakakahiya naman na ako lang magsuswimming tapos ikaw, magbabantay lang dito sa anak ko. Consider it as my gift to you. Pasalamat sa pagsama sa amin dito." Nakangiting wika nito.
"It's okay alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa inyo. You're a family to me." Sagot niya.
Napansin niyang titig na titig ito sa kanya matapos niyang sabihin ang katagang yun.
"Siyempre parang kapatid ko na si Aira, eh di pamangkin ko na din si Ai." Pag-iwas niya sa mga titig nito.
"Swimming ka na. Ako muna bahala kay Aireena." Saad niya nang mapansin niyang nakatitig pa rin ito sa kanya.
Parang naalimpungatan naman ito.
"Sige. Mga a few minutes lang ako pagkatapos pwede ka magbihis para ikaw naman magswimming." Wika nito.
Tumango lang siya at hinayaan ito na pumunta na sa pool.
Pinanood niya lang ito habang lumalangoy. Di niya mapigilang humanga dito. He swam so gracefully. Nahuli pa siya nito na nakatingin dito. Iniwas na lang niya ang mga mata at itinuon ang pansin sa sanggol.
She was busy looking over Aireena nang lumapit si Renan.
"Your turn." Wika nito na nagpapahid ng towel sa katawan sa harap niya.
Saglit niya lang ito tiningnan. At kinuha na sa tabi ang swimsuit na binili nito.
"Okay your turn naman to baby-sit." Wika niya na hindi tumitingin dito.
Pumunta na siya sa bathroom para magbihis,
Hindi naman masyadong sexy ang two-piece swimwear na binili ni Renan para sa kanya pero nakaramdam pa rin siya nang pagkaasiwa. Kahit hindi ito bikini type, medyo konserbatibo pa nga tingnan dahil hindi kita ang dibdib niya, pero nakaramdam pa rin siya ng pagkailang.
Hindi naman niya first time mag two-piece. Mas daring pa nga dito ang mga naisuot niya dati pero iba lang talaga sa pagakaktaong ito.
Pakiramdam niya ang tagal niya sa loob ng banyo kaya naisipan na niyang lumabas. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ipinatong niya sa loob ng swimsuit ang tshirt.
"O hindi ka ba magsuswimming?" Tanong ni Renan nang makalapit na siya sa mga ito.
"Magsuswimming. Huhubarin ko din naman yung Shirt. Ayoko lang rumampa na nakabikini na." Sagot niya.
"Sorry ha, Walang one-piece sa shop eh. Yan na pinakamodest na nakita ko." Saad nito.
"Okay lang. Mag-iinarte pa ba ako eh binigyan mo na nga ako." Nakangiting wika niya.
"Swimming na ko ha. Naaakit na ako ng tubig eh." Tumalikod siya at hinubad na ang tshirt. Inayos niya muna ang mga gamit sa side table katabi ng beach bed niya.
Nag-eenjoy siya paglangoy at nakailang lapses na siya nang mapansin niya na sa tuwing napapadako siya sa may tabi may isang lalaki na halos nasa tabi na niya.
Iniignora lang niya ito at nginitian pa ito sa una.
Pero napapansin niya ang laging paglapit nito sa kanya. Napagpasyahan niya na umahon na lang at bumalik na sa mag-ama.
"Hi!Need a Towel?" Nakangiting tanong nito. Di niya namalayan na umahon na din pala ito.
"Ahmm. No thanks." Wika niya at umiwas na dito.
Naramdaman na lang niya na may umakbay sa kanya at pinupunasan siya nang towel.
Napatingin siya at laking gulat na si Renan gumagawa noon.
Napatingin pa siya sa gawi ng area nila at nakita niyang nakabantay ang isang hotel attendant sa bata.
"Our baby is perfectly fine Honey." Wika ni Renan nang makita kung saan siya nakatingin.
"Ikaw pala dapat ang binabantayan eh." He smiled at pilit pinaparining sa lalake ang sinabi nito.
"It's okay Pare. I got my wife already." Baling naman ni Renan sa lalake.
" Let's go Honey, our daughter is waiting for us." Nakayapos ito sa may bewang niya habang inaakay siya pabalik sa area nila.
Pinaupo siya nito at patuloy na pinupunasan ang katawan niya. Takang napatingin naman siya dito.
Lumapit pa ito sa kanya at may ibinulong.
"Sorry I need to do this. Nakatingin pa din sayo yung guy eh." Nakangiting saad nito.
Kung titingnan sa malayo parang siyang hinahalikan ni Renan dahil sa lapit nila sa isa't-isa.
"Type ka yata ng loko. Kanina ka pa niya tinitingnan at sinusundan eh." Wika nito habang panay lang ang punas sa kanya.
Alam niyang namumula na siya sa ginagawa nito pero hindi niya mapigilan.
"Kahit ako naman. Kanina pa din ako nakatingin sayo. You look sa gorgeous in that swimswuit." Mas lalo siyang namula sa sinabi nito.
"Di ka pala pwedeng iwan mag-isa madaming aaligid sayo." Saad nito bago isinuot ang tshirt niya sa kanya at hinalikan siya sa ulo.
Naiwan siyang pulang-pula habang hinarap naman nito si Aireena mula sa hotel attendant.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Widow
RomanceHindi ko alam kung pano nangyari. Nagising na lang ako isang araw mahal ko na ang asawa ng bestfriend ko. -Hannah Mikaella