Chapter 4: Getting Used To

289 10 1
                                    

She woke up at the right side of the bed. Ang sarap nang tulog niya kahit mayamaya nagigising siya para icheck si Aireena.

Mahimbing din ang tulog ng bata dahil pinadede ito bago matulog. Isang beses lang ito umiyak sa buong magdamag pero agad naman itong dinaluhan ni Renan. Agad ding tumahimik ang sanggol ng binigyan ito ng gatas at bahagyang tinapik-tapik.

Mahimbing pa din ang tulog nito. Marahil ay dahil sa ito ang gumising para asikasukin ang baby.

Mataman niya itong pinagmasdan. Napakaswerte ni Aira at ito ang naging asawa nito. Bukod sa gwapo at may maayos na trabaho, mabait at mapagmahal din si Renan. Alagang-alaga nito si Aira kahit noong magnobyo pa lang ang mga ito. Kaya kahit nagpabaya ito ng ilang araw naniniwala pa din siya na magigigng mabuting ama ito kay Aireena.

Gumalaw ito at umungol. Dumilat ang mata nito at napatitig sa kanya. Nagtama ang mga mata nila dahil nakatitig siya dito. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa nahuli siya nito.

"Good Morning!" Bati nito. Sabay ngiti sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit may hatid na tuwa sa puso niya ang pagngiti nito.

"Good Morning!" Ganting-bati niya.

"Anong oras na?" Tanong nito sa kanya.

Tiningnan niya ang cellphone.

"Alas-otso pa lang. Gutom ka na ba?" Tanong niya dito.

"Medyo. Okay lang ba order ka na ng pagkain. Medyo antok pa ko eh. Fried Rice, Corned Beef and Scrambled Egg. Yung coffee ko brewed no sugar." Saad nito.

"Buti hindi na ulit umiyak si Ai." Nakangiting saad nito habang nakatingin sa anak.

"Mabait na bata. Mana sa ina." Napatawa pa siya sa tinuran niya. Natawa lang din ito sa sinabi niya.

Idinial na niya ang numero ng operator at umorder ng pagkain. American breakfast ang inorder niya. Bacon, sausage, pancakes at scrambled egg.

Nagpasya na siyang maligo bago dumating ang breakfast nila. Nagbihis na din siya sa loob ng banyo. Buti na lang may dala siya laging underwear at tshirt sa bag niya. Nasanay na siya sa nature ng trabaho niya na minsan ay nakakapag overnight sila sa opisina o di kaya ay sa site.

"Papasok ka na ba today?" Tanong nito sa kanya ng makita siya. Kumakain na ito dahil dumating na ang order nila.

"Pwede naman na hindi muna. Why kailangan mo pa ng kasama dito?" Balik tanong niya dito.

"Ahhh oo sana eh. Balak ko sana dumaan muna sa opisina. Magfifile ako ng Paternity Leave. Magleleave na din ako ng isa pang linggo. I want to spend time with my daughter." Saad nito.

"Ah okay yun lang pala. Sige. Pwede naman na di muna ako papasok today. I can even stay here with you for a week. Tapos na naman na ako sa project namin. Kailangan ko lang kunin mga gamit ko sa opisina at sa bahay. Para at least I can work from here if may revisions." Saad niya.

"Great. Aalis ako after breakfast. Siguro after lunch dito na ulit ako. Pwedeng ikaw naman ang umalis para kunin mga gamit mo." Saad nito.

Napatango lang siya sa sinabi nito. Lihim siyang napangiti dahil makakasama pa niya nang matagal ang mag-ama. Dumulog na din siya dito at kumain na nang agahan.

Nang makaalis si Renan itinuon na lang niya ang pansin sa pagbabantay sa bata at panonood ng tv. Tumawag na din siya sa opisina at sinabing di siya makakapasok. Di naman siya required na pumasok araw araw. Basta nagawa niya ang project niya okay na siya.

Hindi mahirap alagaan si Aireena. Halos buong araw lang itong tulog. Marahil ay dahil sa ilang linggo pa lang ito.

Bumalik agad si Renan nang tanghalian. Nakasabay pa ito sa kanya ng lunch.Siya naman ang umalis para kumuha ng gamit niya gamit ang kotse ni Renan. Dinaan na din niya sa opisina ang laptop at iba pang gamit niya.

Excited siyang makabalik ng hotel. Namiss na niya agad ang mag-ama. Pagdating niya handa na ang pagkain. Nakaorder na pala si Renan. Sabay ulit silang nagdinner.

My Bestfriend's WidowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon