Humahangos siya papunta sa hospital. Isinugod daw si Aira at agaw buhay ito. Nasa huling trimester na ito ng pagbubuntis at naging maselan ang kalagayan nito. May dalawang beses din itong nakunan sa loob ng dalawang taong pagsasama nila ni Renan. Nang mabuntis ito sa pangatlong pagkakataon, pinahinto na ito ni Renan sa pagtatrabaho at nagbed rest na lang hanggang sa manganak ito.
At ito na nga nasa hospital na sila ngayon dahil isinugod daw si Aira. Hindi pa nito kabuwanan pero nag early labor ito.
Naabutan niya sa labas sila Renan at ang magulang ni Aira. Una siyang lumapit sa matandang babae at niyakap ito.
"Mommy." Wika niya sa matanda.
Walang salitang lumabas sa mga labi nila at kapwa lang sila nagyakapan habang umiiyak.
"Si Aira, kumusta?" Baling niya kay Renan ng bumitiw sila ng ina ni Aira.
Umiling lang ito at muling napaiyak.
"Nasa loob pa sila hija. The doctors are doing their best to save them both." Wika ng matandang Veyra sa kanya.
Mayamaya lumabas ang doctor. Sabay sabay silang lahat na napatayo at napatingin sa doctor. Hindi niya mabasa sa mukha nito ang resulta. Tinanggal nito ang mask at nagsalita. May nurse din na nakasunod dito at may hawak na parang papeles.
"Mr. Tolentino." Baling nito kay Renan.
"I'll be frank with you. We tried reviving them both. But one of them might not survive. We need to get the baby out of her dahil naubusan na ito ng tubig. But one of them might not survive if we proceed with the operation. Not doing the operation on the other hand will kill them both. You need to sign the waiver Mr. Tolentino, sino sa kanila ang gusto mong isalba namin." Saad ng doctor.
Kita ang lungkot sa mukha ni Renan.
"Save them both doc please." Naiiyak na wika nito.
"We will try but you need to choose. Time is ticking Mr. Tolentino. Every minute lost will just endanger them both." Saad ng doctor.
Tumingin muna si Renan sa mga biyenan bago kinuha sa nurse ang papel at pumirma.
"Save them both please doc." Pagsusumamo nito sa doctor bago iaabot ang waiver.
Naupo ang dalawang lalake pabalik sa sofa samantalang inaya naman siya ng ina ni Aira na pumunta muna sa chapel.
======================================
Pabalik na sila mula sa chapel ng makarinig sila ng tila nagsisigawan. Nang makalapit sila ng husto napagtanto niya na si Renan ang sumisigaw.
"Anong nangyayari dito Dad?" Naguguluhan niyang tanong.
"Wala na ang anak natin Cleo." Saad nito.
Parang naupos na kandila naman ang ina ni Aira kaya dinaluhan agad ito ng asawa. Iyak ito ng iyak.
Napatingin naman siya kay Renan na tila nakikipagsumabatan pa din sa doctor.
"Ginawa lang namin ang tama Mr. Tolentino." Wika ng doctor.
"Eh di hindi niyo na sana ako pinapirma ng letseng waiver na yan kung hindi niyo din naman pala uunahin ang asawa ko!" Sigaw ni Renan.
"Renan! Tama na yan!" Saway ng matanda.
"Mr. Tolentino, Mr. Veyra. We really did our best to save them both but as circumstances decide we prioritize kung sino ang mas may chance na mabuhay and that is your daughter Mr. Tolentino." Saad nito.
"Excuse us everyone. We are very sorry for your loss." Pamamaalam ng doctor.
Hindi naman siya makapagsalita. Hindi pa rin mag sink in sa utak niya na wala na si Aira. Pero buhay ang anak nito.
Kahit parang nawala na din ito sa kanya simula ng mag asawa ito. Iba pa rin ang yung tuluyan na talaga itong nawala at di na niya makikita.
Napaiyak na lang din siya kahit hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
======================================
Mabilis dumaan ang mga araw. Naging abala sila sa lamay ni Aira. Hindi na din nila masyadong pinatagal ang burol dahil masakit sa kanila ang pangyayari.
Ang anak naman ni Aira ay nasa hospital pa din dahil kulang ito sa buwan ng ipinanganak.
Halos hindi sila nagkausap ni Renan sa loob ng panahong nakaburol si Aira dahil lagi na lang itong tulala at nakatingin lang sa malayo.
Napagpasyahan nilang lahat na icremate ang mga labi ni Aira at inilagak ito sa isang musuleo.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Widow
RomanceHindi ko alam kung pano nangyari. Nagising na lang ako isang araw mahal ko na ang asawa ng bestfriend ko. -Hannah Mikaella