Chapter 3: The Start of Something New

322 10 2
                                    

Nagising si Hannah na nasa malambot na kama na siya. Pilit niyang inaalala kung anong nangyari.

Bigla siyang napabalikwas ng maalala niya na nakatulog sila sa sahig ng sala ni Renan na magkayakap.

Nagpalingalinga siya at napagtanto niya na nasa kwarto pala siya ng mag-asawa. Pero wala si Renan sa paligid.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala naman siyang naramdamang kakaiba.

Tuluyan na siyang bumangon. Sinuot niya ang tsinelas na nasa may paanan ng kama.

Lumabas siya ng kwarto at nakita siya si Renan sa may kusina na nagluluto.

Tumikhim siya para ipaalaman ang presensiya niya.

Lumingon ito sa kanya. Nakita pa niya ang parang pagkatuliro nito nang makita siya.

"G-gising ka na pala." Sambit nito na hindi makatingin ng deretso sa kanya.

"Nagluluto ako ng almusal natin." Nakangiti na ito habang kausap siya.

"Yeah. Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong niya na may kalakip din na hiya.

"No hindi na. You might want to freshen up. Susunduin na natin si Aireena sa ospital." Saad nito.

"Natin?!" Ulit niya sa sinabi nito.

"Ahh, I thought sasama ka today. But it's okay I can manage it alone. Anak ko yun. Yeah anak ko siya." Parang wala sa sarili na sambit nito.

"That's not what I meant Renan. I mean aware ka pala na dapat kukunin na ang bata sa ospital." May himig panunumbat ang boses niya.

Napahinga ito nang napakalalim.

"Tinawagan ako ni Mommy Cleo at Daddy Felix. And I told them naduwag ako. Hindi ko maharap ang anak ko dahil naaalala ko ang lahat ng sakit. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Pero hindi ko lubos maisip na wala na si Aira. Kahit paulit ulit kong gawin si Aira ang pipiliin ko dahil mas nakasama ko siya nang matagal. Siya ang buhay ko Hannah alam mo yan." Wika nito sa medyo basag na na boses.

Pinatay nito ang kalan at tuluyan nang napaiyak.

On impulse lumapit naman siya dito at niyakap ito.

Lalo itong napaiyak sa balikat niya. Hinagod hagod pa niya ang likod nito.

"Napakaduwag ko Hannah. Napakaduwag ko. Hindi ako karapat dapat sa pagmamahal ni Aira." Wika nito sa pagitan nang paghikbi.

"Wag mong sabihin yan. Wag kang magpadala sa nararamdaman mo. Hindi matutuwa si Aira sa ginagawa mo." Wika niya.

Bumitiw siya sa pagkakayakap dito at hinarap ito.

"Kung gusto mo talagang ipakita ang pagmamahal mo kay Aira. Haharapin mo ang anak mo." Nakangiti niya wika dito.

"Salamat sa pagpapalakas ng loob ko Han." Wika nito at niyakap siya ulit.

Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa nito. Bakit pakiramdam niya isang endearment ang 'Han'.

"Hmmm... May amoy ka na. Maligo ka na kaya. May mga damit ka pa naman sa guestroom di ba." Wika nito at ginulo ang kanyang buhok.

"Aba't! Ako pa talaga ang may amoy ha. Ikaw nga jan kahapon ang amoy ewan!" Naiinis na wila niya pero di niya napigilan ang mapangiti.

"Wag mong banggitin yun. Dyahe!" Tumawa ito nang malakas.

"Pero seriously maligo ka na." Habol pa nito.

Inirapan niya lang ito at umakyat na sa taas. Naiwan naman ito na tawa pa din nang tawa.

Napangiti na din siya ang bumalik na din sa normal si Renan at nawala na din ang awkwardness sa pagitan nila.

Kumain muna sila pagkatapos niyang maligo bago sila pumunta ng ospital.

=================================

"San tayo papunta?" Tanong niya kay Renan. Dahil tila ibang daan ang tinutungo nito.

Nasa likod siya ng kotse habang nakaaalay kay Aireena na nasa isang maliit na crib.

"Sa Hotel muna tayo Han. Dun muna kami ng anak ko nang ilang araw. Kasi kailangan ko pa ipasanitize ang buong bahay. Kailangan malinis yun dahil maselan pa din lagay ni Aireena. Okay lang ba samahan mo muna kami ngayong gabi?" Wika nito.

Napatango naman siya.

Mayamaya pa huminto na sila sa isang five star hotel.

Nagcheck in sila. Isang linggo muna ang pinabook nito. Pinili nito ang isang suite para maging komportable daw ang anak nito.

Alam niyang malaki ang kinikita ni Renan bilang isang computer programmer pero nalulula pa din siya kung iisipin ang magiging bill nito.

"Ako na lang sa sofa. Kasya naman dun." Pagboboluntaryo niya nang makita ito na inihahanda ang higaan.

"Hindi. Ako na. Kasya din naman ako dito." Saad nito at patuloy lang sa pag aayos ng higaan.

"Sa kama ka na lang din kaya. Malaki naman ang kama eh. Para sa gitna natin si Ai." Suhestiyon niya.

"Sure ka okay lang?" Tanong nito.

"Yeah okay lang. Ang laki-laki ng bed o."  Wika niya sabay turo sa king size bed.

"Sige." Nakangiting saad nito.

Hindi niya mawari kung bakit may kakaibang kasiyahan sa kanyang dibdib sa kaalamang sa isang kama lang sila at para silang isang pamilya.

My Bestfriend's WidowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon