A

5 2 0
                                    

Pagkababa ko sa tricycle ay tumungo agad ako sa aming headquarters. Inilagay ang bag doon at lumabas ulit. Pumunta ako sa kumpol ng grupo ng aking mga kaklase at nagtanong kung sinong may suklay.

Ganyan talaga pag high school, hiraman. Pati polbo, salamin, mga papel at pati sagot ay hinihiram pag exams.

"AY T-NGINA!" napasigaw ako sa malakas na paghampas ng suklay sa braso ko. Pwede naman kasing ibigay ng maayos!

"Grabe kanina ko pa inaabot sayo di mo ko pinapansin. Ikaw na nga lang nanghihiram!" Litanya ni Kyla sabay irap sakin. Tinanggap ko naman agad ito.

"Pekyu." Sabi ko sakanya at nagsimula nang magpuyod ng buhok. Ganyan din talaga pag magkakaibigan, nagiirapan, nagmumurahan at minsan parang nagrewrestling. Pero hindi nagkakagalit galit sa huli dahil mga tunay sila.

Agad din namang tumawag ang aming corps commander ng formation at nagsitakbuhan kami kaagad. Ito ang sinalihan ko, ang CAT. 

Nagdiscuss siya sa amin na mangyayari ngang meeting ng parents mamaya at kailangan naming magbantay at magassist. Nagassign din siya kung saan sino. Duon ako mapapadpad mamaya sa malapit sa gate, magbabantay lang. May mga kasama din naman ako kaya di masyadong boring panigurado.

"Is that clear?!" Biglaang tanong ni Gabriel. Ang aming corps commander.

"Sir, yes sir!" Sigaw rin namin.

"Dismiss!" Sabi niya kaya nagalisan na kami.

Nagtungo ulit ako sa headquarters upang magpolbo at magsuklay ulit. Sa susunod nga bibili na ko ng suklay nang di na nanghihiram. Nadatnan ko doon sila Louis, Andy at Megan. Si Louis!!! Yung crush ko. Pero syempre wala lang naman yun, magkaibigan kasi kami niyan eh.

Pagkatungtong ko agad doon ay agad nang lumapit sa akin si Louis. As usual ay mangiinis nanaman siya.

"Uy taba! May assignment ka na sa math? Pakopya naman." Sabi niya sabay akbay sakin. Namula yata ako doon at naghiyawan sila Andy at Megan. Alam kasi nila na crush ko tong bwisit na to. Pag binabawi ko naman di na ila naniniwala!

"Ulol meron na at hinding hindi kita papakopyahin kaya lumayas ka jan." Singhal ko kay Louis kahit na kinikilig talaga ako sakanya. Padarag ko ring tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at pinalo siya ng malakas sa sikmura.

"Awwww! Grabe ka!" Sabi niya habang natatawa. "Eh gago ka kasi." Sabi ko.

Tumuloy na ako sa dulo ng headquarters at umupo at dumukmo at natulog at nanaginip. Matagal tagal pa naman ang start ng klase kaya ganito palagi ang ginagawa ko. Pasok ng maaga at tulog sa school.

Nagsisimula palang ang panaginip ko nang naramdaman kong may tumabi sa akin at niyakap ako sa ulo habang nakadukmo ako.

"P-tangina talaga ng taong to sana mamatay na." Singhal ko sa kung sinomang umakap sakin sa ulo. Narinig ko naman ang mga tawa ng boys sa gilid. Ano ba yan lagi nalang nila kong pinagtatawanan!

Tiningnan ko kung sino sino sila at ang umakap pala sa akin ay si Louis! OH MY.

"Hi Angel" Sabi niya ng todo ngisi. Binatukan ko naman siya at naggalit galitan ako. Bumaling ako kay Gabriel na nakatingin sa aming parehas ngayon at tinaasan ko siya ng kilay. Sabi niya magready na daw ako at tatawag na siya ng form at cut daw ang klase dahil sa meeting. Wow!

Sabay sabay na kaming pumunta sa quadrangle. Nagpaform na rin naman si Gab kaso saglit lang at pinapunta na nya kami sa assigned places namin. At kung sinuswerte ka nga naman ay napakalapit ng asigned place ni Louis sakin kaya todo siya mamwisit.

Kalahating oras na ang lumipas at marami raming magulang na din ang pumasok sa aming eskwelahan. Kaya petiks na kami ngayong magbantay asi halos wala nang pumapasok. Yung iba nga eh nagkumpulan na at nagkwentuhan sa tabi.

"Uy Angel!" May tumawag sa akin sa gate. Si Jessy pala. Tinanong ko kung bakit at sabi niya ay basta lumapit lang daw ako doon. Kaya lumapit ako at ihinarap niya sa akin ang isang bata. Grade seven to ayon sa kulay ng kanyang ID lace.

"Gagawin ko dito?" Tanong ko. "Manghuhula." Sabi ni Louis. 

"ows." Sabi ko. 

"Mahilig kang magGM noh?" Sabi bigla nung bata at nakatingin siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit sa kanya at ibinigay ang kamay ko. Naghagikgikan naman yung iba.

"Anong gusto mong malaman?" Sabi nung bata at umakbay sa akin si Louis. Sabi ko sinong makakatuluyan ko at kamusta love life ko. Natawa naman yung iba sa sinabi ko. Hinawakan niya yung kamay ko at hinaplos ito. Binitiwan niya rin naman agad.

"Hmm. Gwapo siya. Maputi. Matangos ang ilong." Sabi nung bata sabay tingin kay Louis. Nangasar naman yung mga nakapaligid. Paano kasi parang dinedescribe nya si Louis! Eto naang gagong to di pa inalis yung kamay nya na nakaakbay sakin kaya tinapik ko yun. Tinanggal din naman niya.

"Pero medyo kasing height mo lang. Pero medyo matangkad sayo. Di mo pa siya nakikita." Dagdag nung bata at nakahinga ako ng maluwag kasi akala ko si Louis na eh! Tumingin kasi yung bata sakanya. 

"Ano pa?" Sabi ko na naeexcite sa bata pero ang sabi niya ay di na pwede. Nagagalit daw kasi ang lola niya kapag nanghuhula siya. Kaya di ko na pinilit. Inulit lang niya yung sinabi niya na di ko pa nakikita yung nakatakda sa akin. 

Tinanong ko ang pangalan ng bata at nalaman kong siya si John. Tinanong ko rin ang section niya para mapuntahan ko minsan. Ilang gabi din ang lumipas pero masyado akong nahook doon sa sinabi ng bata. Feeling ko totoo yung sinabi niya.

All is FortunedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon