C

4 1 0
                                    

August 4, 2013

10am palang ay umalis na ako ng bahay with Tita. Pumunta na agad kami sa BSU kung saan gaganapin ang UPCAT. 12:30 pa naman ang start ng exam ko pero syempre excited, ganyan talaga.

Pagkarating namin, iniwan na din ako ni tita. Pumila na ako. Hanggang sa nag alas dose na na sobrang haba na ng pila. Nasa bandang gitna ako. Nakita ko ang sarili kong repleksyon sa bintana nanasa gilid ko. 

Blue backpack, fitted shirt, jeans and rubber shoes. Pwede na. Nagayos na din ako ng mga takas na buhok sa aking tenga. Hanggang sa may nagsalita na sa harapan na umusad na daw ang pila. Sobrang tagal. Nakakabagot. Parang ang paghanga ko sa kanya, nakakapagod maghintay. Maghintay sa mga bagay na akala mo totoo na, yun pala laro lang sa kanya.

"Ne, saang school ka galing?" May boses ng matandang babae ang nagtanong sa akin habang nasa pila. Nginitian ko naman siya at sinagot ang tanong niya. Nakipagkwentuhan din siya sa akin habang sobrang bagal umuusad ng pila.

Ibinilin din niya sa akin ang anak niya na magttake din pala ng Upcat. Nginitian ko naman yung babae. Hanggang sa nakarating na kami sa rooftop, kung saan gaganapin ang test. Katabi ko yung babae na anak nung ale kanina pero hindi kami nagkikibuan.

Nagbigay na ng instructions ang proctor. Nagtanong kung sinong walang lapis at nireview ang aming test permit.

Naalala ko iyong sinabi ni Louis sa akin ilang linggo bago ang upcat.

--

"Saan ka magaaral, gel?" Tanong niya.

"Hmm. Sa maynila sana. Magtatake ako ng upcat eh, sana pumasa." Sabi ko naman. Bigla nalang siyang sumimangot nung oras na yun. 

"Iiwan mo na ko? I mean kami?" Sabi niya kaya napangiti ako. 

"Oo. Di naman pwedeng habang buhay magkasama tayo." Sabi ko. Sumimangot ulit siya.

"Sana wag kang pumasa." Sabi niya. Nainis ako kaya pinagpapalo ko sya. Ipanalangin ba naman ang hindi ko pagpasa? 

"Ganyan ka na, nangiiwan. Pwede ka naman dito nalang sa bsu, lalayo ka pa. Magkakahiwalay pa tayo." Sabi niya ng pabiro. Pinagpapalo ko ulit siya kasi ang drama nya at ang nega.

--

Napangiti ako nang maalala ko yon. Pag talaga ako di pumasa dito! Naku!! Kakalbuhin ko si Louis. Hahaha

Natapos ang dalawang subtests. Sumobra ang sakit ng ulo ko. Masyado ko kasing sineseryoso. Itinatak ko sa utak ko na kailangan masagutan ko lahat ng tama. Kung hindi man lahat, sana ay halos lahat.

"Okay, stretching muna kayo for two minutes. Stand up!" Sabi ng isang proctor na nakamic. Tumayo naman kaming lahat. 

At dito na nagsimula ang lahat. Paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita kita. Nakatingin ka din sa akin. Hindi ka naman siguro banlag diba? Di rin siguro ako assuming lang. Parang nagkalat ang rainbows sa paligid nung time na yun. May mga nagwawala din sa tiyan ko, pero hindi naman ako gutom.

Nagiwas ako ng tingin sayo. Sinimulan na ang stretching at hindi ko maiwasang hindi mapalingon sayo. Parang hinahanap ka ng sistema ko. Yung matangos mong ilong, makinis na kutis, at ang mga mata mong kay ganda. Perfect. Lalo na mukha kang suplado. Nakakaattract masyado.

Ilang beses din yun. Nakatingin ka ba sa akin nung time na yun? Lumilingon ka ba talaga sa akin parati? Huh. Alam kong hindi mo naman ito masasagot eh. Kasi siguradong hindi ka nagbabasa sa wattpad.

Kapag hindi ko alam ang sagot na nakasulat sa test booklet, nakagawian ko nang tumingin sayo na parang nasa iyo ang sagot. Napapangiti nalang ako kapag tinitingnan kita. 

All is FortunedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon