Nagunat unat ako habang nakahiga sa kama. Nakita ko naman ang lalaking pinakamamahal ko sa aking tabi. Nakabrown siya at tumingkad ang kutis nyang maputi dahil dito.
Nakahiga kami pareho. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. Sinabi niya na mahal niya ako at hinalikan ko ulit siya. Inaya na niya akong tmayo at kumain at may pupuntahan pa raw kami.
Matapos kumain ay umalis na din kami. Hindi ko alam kung saan ito. Pero parang gubat itong pinasukan namin. Marami pa kaming ibang kasama ngunit nauuna kami sa paglalakad ng mahal ko.
Sa dinaraanan namin ay napakaraming ahas kung kaya't nagoffer siya na ipiggy back nalang ako. Pumayag naman agad ako syempre. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa napunta kami sa may makitid na dinaraanan sa palagay ko'y gitna na ng gubat. umaba na naman ako sa likod ng mahal ko.
Marami akong kakilala na schoolmates ko na naroroon at nakaupo sa damuhan. Hindi naman namin sila kasama umalis ah? Masama ang tingin nila saaming dalawa ng mahal ko.
Nagsimula nanaman kaming tumakbo. Hanggang sa nakarinig ako ng isang tawa na parang demonyong lalaki. Tiningnan ko ito at siya pala si Eac. Nakangiti siya ng nakakaloko sa akin at bigla nalang niya kaming binagbabato ng tae. Matatamaan na ako sa mukha. Ayan na!!!
"Tanaydana!" Mura ko nang napagtantong nananaginip pala ako. Nalaman ko lang nang nagising ako at accidentally na napapadyak after managinip na parang nagulat.
Halos gabi gabi ako nananaginip at may kasama palagi akong isang lalaki na para bang boyfriend ko kuno. Hindi ko alam bakit ganoon at kung bakit laging blur ang mukha niya. Ang natatandaan ko lang palagi ay ang tikas, katawan at kutis nya pero sa kanyang mukha ay wala akong ideya.
October na. Magtatake nga pala ako ng DCAT ngayon. Hindi mawala sa isip ko na baka makita kita. Na baka totoo nga yung sinasabi nung manghuhula na tayo talaga. Na destined tayo.
Ngunit hindi pa yata ito ang tamang oras ng muli nating pagkikita. Hindi kasi kita nasulyapan o nakita man lang. Halos lahat na ng tao na nadadaanan ko na lalaki ay tiningnan ko na ngunit hindi ikaw sila. Ayan nanaman, parang same scenario noong sa upcat. Siguro kailangan muna kitang kalimutan at haharapin nalang kapag andyan na.
Pero sino ba naman kasing di maeexcite kapag nalaman mong gwapo yung makakatuluyan mo? Papatayin ko ang di maeexcite. Joke. Alam ko naman na pag tumanda tayo ay wala nang halaga ang looks. Lalalawlaw din yung mga braso natin, magkakaroon ng wrinkles, sakit. '
Pumasok na ako sa school ilang araw ang lumipas. As usual ay nakatambay nanaman ako sa headquarters namin. Tanghali na yun at lunch break nang pumasok sina Megan, Louis, Gab, Andrew, Jamie at Lemon. Halatang mga walang magawa eh.
"Gel peram gitara." Sabi ni Louis sa akin at kinuha niya sa may tabi. Nagsimula na siyang magstrum habang nakatitig sa akin. Para siyang lutang. Lagi nalang ganito siya pag tumutugtog sa gitara. Laging nakatingin sa akin kaya minsan umaalis ako kasi nakakailang.
"Request ka nga ng kanta." Sabi niya at sabi ko ay tugtugin naman niya ay yung Ako'y Sayo ng First Circle. Nagsimula naman na siya. Si Andrew naman ay nagdadada na doon.
"Katamad taaga guys. Ano gusto nyong topic? Usap tayo" Sabi niya at nagngiting aso. Walang sumagot sa amin at tinignan lang namin siya kaya siya ulit ang nagdada doon.
"Ganto nalang. May isang tanong tapos sasagutin ng lahat. Paikot. Game?" Sabi niya at sumigaw ako ng game kaya nagagree din sila.
"Game! Ilan na ang naging boyfriend or girlfriend niyo?" Tanong niya at napabuntong hininga ako. Napakawalang kwentang tanong.