Nagmamadali akong lumabas sa aming eskinita. Nagabang ng tricycle at lumipas ang bente minutos ay wala pa rin. Puro punuan. Hindi naman ako sumasakay sa likuran ng driver kaya mas natagalan akong makasakay sa trike. Apat na oras na maaga ako papasok ngayon kesa sa usual na pasok ko. Gusto ko kasing kausapin si John.
"Sa high school." Sabi ko sa driver ng tricycle at tumango naman siya. Pumasok ako sa loob at lalaki pala ang makakatabi ko. Kumuha agad ako ng sampung piso sa wallet ko na pambayad mamaya.
Pagangat ko ng tingin ay may salamin pala sa sa gilid ng sasakyan. Kaya inayos ko ang buhok ko at ang polbo na nagkalat sa gilid ng labi ko. Napatingin naman agad ako sa katabi ko sa salamin. At nakita ko ang sarili kong repleksyon na namumula.
Siya! Siya yung student teacher na crush na crush namin!
"Fucking shit." bulong ko sa sarili. Nakatingin parin ako sa kanya sa salamin at ganoon din naman siya sa akin. Ngumiti lang sya at ngumiti din ako ng awkward.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pero agad din namang napawi yun nang pumara siya sa kanto.
"Uh, excuse po." Sabi niya sa akin aya gumilid ako para makadaan siya. Ang gwapo niya grabe. Ang tangos ng ilong, matangkad, maputi, at may mga mata na malaDJ Padilla. OMG.
Akala ko makakasabay ko siya sa pagpasok sa school ko. Ayun pala ay may pasok siya sa college niya.
Saglit lang ang naging byahe at nakarating na agad ako sa school. Agad kong pinuntahan si John sa room niya. At kung sinuswerte ka nga naman ay nasa corridors siya at mukhang walang klase.
"JOHN!" Sigaw ko at napatingin siya sakin.
"Uy ate Angel" sabi niya at ngumiti.
Tinanong ko kung wala ba siyang klase at sinabi niya may pinuntahan lang daw ang teacher. Di na ko nagpaligoy ligoy pa at kinulit ko na siya about sa makakatuluyan ko. Aba eh hindi kaya ako makatulog ng maayos sa gabi at kung makatulog man ako ay may lagi akong napapanaginipan na lalaki.
Pero hindi pa rin niya dinagdagan ang clue na ibinigay niya sa akin noon.
"Maghintay ka lang ate. Malapit na." Sabi niya.
May sumigaw na andyan na daw ang maam nila kaya umalis na din agad ako na disappointed. Syang effort ko pucha.
Dumiretso nalang ako sa headquarters at umupo sa pinakadulong upuan at doon natulog.
Nagising ako sa ingay ng mga tao sa paligid. Tiningnan ko sa relo ko kung anong oras na. 10:25 na pala at 10:30 ang klase namin.
"Uy teh tulog ka nang tulog 10:25 na po kaya at may klase pa tayo." Sabi ni Kyla.
"I know." Sabi ko at tumayo na at sabay sabay kaming pumunta sa classroom namin.
Lumipas ang ilang linggo at nalaman na ni Louis na may crush ako sa kanya. Kaya ang bwisit ay lagi akong nilalandi. Kala mo ay mamamatay pag di lumapit sa akin.
Lagi na nga kaming iniinis sa klase eh. Siya naman eh parang gustong gusto pa yung atensyon na nakukuha. Bwisit talaga.
"I love you." Sabi niya sa akin out of the blue. Nabilaukan nga ako noon habang umiinom ng C2.
"Ano?!" Sigaw ko.
"Lagi ka namang galit. Chill. Joke lang yun." Sabi niya.
"Gago ka talaga." Sabi ko at iniwasan siya.
Ilang araw ko na din sya iniiwasan. Manhid siya. Mahilig sa laro. Paasa. Gustong gusto niya sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Minsan akala ko mahal na niya ako. Ibang iba ang trato niya sa akin sa lahat ng babae. Ako yng lagi niyang sinasamahan, kinukulit.