Chapter 8:
"Roshan? Nicolo?"
Napatigil kami ni Nicolo sa paghahabulan. Nakita namin ang isang babae na nakatayo sa may bukana ng garden.
"oh, ikaw pala yan Pearl." Nakangiti kong sabi habang naglalakad papunta sa kanya.
"mukhang nagkakasayahan kayo ah? May nadedevelop na ba?" tanong nya habang nakangiti. Tumingin na lang ako kay Nicolo nang nakangiti din. Tumingin na ulit ako kay Pearl. Pabuka na ang bibig ko para magsalita pero naunahan ako ni Nicolo.
"meron" napatingin ako sa kanya ng di oras. Nakita ko naman si Pearl na nanlaki ang mata.
"nadedevelop ang pagiging friends namin. Mula sa friends, ngayon bestfriends na haha." At biglang umakbay sa akin si Nicolo. Pero syempre inalis ko yon! Haha
"aba! Bagong bestfriend pa lang kita! Makaakbay naman to parang close na close na tayo ah!"
"bestfriend nga eh diba! akala ko ba kuya mo na ako?"
"osya osya. Tama na yan! Nagpunta ako dito kasi hinahanap ka na Nicolo ni ma'am. May laban daw kayo sa soccer?"
Bigla namang naalerto si Nicolo.
"bestfriend. Nood ka ng game ko ah?"
"pag iisipan ko kuya Nic."
At umalis na sya. Dumeretso naman kami ni Pearl sa kwarto.
"oy Roshan ah! Bata ka pa!"
"ano bang pinagsasasabi mo Pearl? Boy bestfriend slash kuya ko lang sya no! gusto ko rin naman magkaroon ng boy bestfriend!"
"sige, sabi mo eh." Sabi nya habang patuloy na nagaayos ng gamit nya.
"Roshan, wala ka pa bang nasasalihan?"
"wala pa eh"
"bakit naman?"
"ewan ko, hindi kasi ako more on sports. Mas mabuti pang magbasa na lang ako ng libro."
"tss... mamaya na yung awarding."
"huh? Ang bilis naman?"
"oo nga eh"
"good luck!" sabi ko sa kanya. Sana manalo sya. Wala akong nasalihan miski isa. Ang mga sports na meron sila ay soccer, basketball, baseball, softball, volleyball, chess, singing contest, dance contest, darts, race, horse race, car race, Chinese checkers, domino. Yun lang ang alam ko. Ewan ko lang kung may iba pa.
Naiwan na ako sa room. Lumabas na kasi si Pearl eh. Ano kayang magawa? Makapunta na nga lang sa field. Oo nga pala! May laban si Nicolo ngayon! Mapuntahan nga! Haha.
Papunta na ako ngayon sa soccer field. Malayo layo din pala ito haha. Sa kabilang dulo pa kasi sya ng room namin.
"oy Roshan!"
"oy ikaw pala Clair! San ka papunta?"
"ah sa gym na"
"bakit? May laro ka ba?"
"wala, awarding na"
"ah ganun? Pupunta pa naman sana ako sa soccer field"
"bakit? I mean may laro ka bang soccer?"
"nope, papanoorin ko lang laro ng bestfriend ko"
"eh? Sino?"
"si Nicolo"
Natahimik na lang sya. Haha ewan ko kung bakit pero ang awkward naming dalawa ngayon. Walang ni isang nagsasalita habang nakatayo kami sa gitna ng daan. Haha
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy [editing]
Fantasyfantasy story with a bit of romance. take not A BIT ONLY. I'm not that expert to write a romance or love story, so this will be more on a fantasy story. maybe 20%? haha don't know. pero kung gusto nyo ng romance, then i'll try my best. basta kung p...