"anak bilisan mo na! maleleyt ka na sa service mo!"
Ganyan kami lagi ni nanay tuwing umaga. Kesyo mabagal daw akong maligo, kesyo mabagal daw akong kumilos. Hay ewan ko ba. Bakit ba naman kasi ang aga aga ng service ko? Akalain nyo ba naman 6:00 am kami sinusundo? Anong oras ang start ng klase? 8:00? Ang aga nila promise! hindi halatang excited
Ako nga pala si Roxianne Atkinson a.k.a. Aouie which is pronounced as "awi". Auoie ang tawag sa akin ng kaklase sa school. Yan din ang tawag ng relatives ko sa akin. ayaw daw nila sa Roxianne kasi daw mahaba. isa lang ang kilala kong solid kung tumawag sa akin ng Roxianne, at yon ay si Yoichiro. Ang pronounciation po ng pangalan ko ay 'Roshan'. Pinaarte lang po ang spelling. pero ang pronounciation ni Yoichiro, 'Roxianne' talaga as in xianne na para bang kapartner ni kim chui.
So yon. Sa kabilang bayan lang naman ako nag aaral. Ang name nung school ay Clarity International School. Private school yon ah. Hindi naman kami mayaman at hindi din kami mahirap. Katamtaman lang naman. Since Nursery dito na ako. Ewan ko nga ba kung bakit walang discount eh kasali naman ako lagi sa top.
Ayan na! nakikita ko na yung service. Uo oh! Malamang kanina pa yan nag iintay! Nakasimangot na si ate Yvonne at ang iba ko pang mga kaservice. Hahaha lagi na lang ata ako pa VIP sa service. As usual nag kukwentuhan kami dito kwentuhan doon. Lalo na nung makaon na si Heira.
Si Heira ang all time bestfriend ko Since nung second year kami, I think. Kasi dati ang lagi ko naman talagang kasama ay si Natalie. Although away aso't pusa kami, sa huli naman nagkakasundo kami. Since Nursery kami magkaibigan ni Natalie, Magkaservice kami plus idagdag mo pa yung fact na friends ang nanay namin. plus na nga, idagdag pa ano? haha
Kaso pagtungtong namin nila Natalie sa third Year, may nangyaring di inaasahan. Lumipat sya ng eskwelahan sa di mapaliwanag na dahilan. Simula noon, wala na akong naging balita kay Natalie. At simula noon, si Heira na ang dumamay sa akin.
Swerte ko nga at naging mag kaibigan kami ni Heira. Actually hindi lang si Heira ang close friend ko dito, nanjan din sina Cariella, Claudette, Joachim, Carina, Crystal at Abiel, friendly naman ako sa lahat. Sila ang mga kaibigan ko ngayong 4th year na kami. Si Heira kasi sa kabilang section, so during class hours, ako, si Cariella, si Claudette, Joachim, Carina at Crystal ang bumunuo ng feces inc. ang magkakasama.
Hahaha feces inc. samahan ng mga tae. Yan ang mga bansag namin sa aming sarili, but that was just for fun. ano bang ginagawa namin dito? simple lang, gagawa ng fake poops and then prank other people haha. mabaho man ang pangalan, masaya naman! o diba bongga! at isa pa, walang sinuman ang mangangahas na tumapak sa amin! sino ba naman ang may gustong mapaapak sa tae?
"Aouie, di ka pa ba bababa?"
Ah. Nagulat ako dun. Masyado ata akong napakwento.
"ah, bababa na po. hehehe sorry po"
At ayun bumaba na ako. Bakit parang di ako mapakali? Hay yung kamay ko namamasma nanaman. Alam nyo yun? Yung namamawis yung kamay? Ewan ko ba pero inborn na ako na mapapawisin eh. Halos lahat ata ng parte ng katawan ko namamawis eh.
"Aouie"
"hmm?"
"nagready ka na ba para sa test ngayon?"
Bigla akong napatingin sa kanya na para bang kinakabahan sya kasi naman nung tiningnan ko sya, nakayuko sya. kahit naman ako din eh kinakabahan. Pero wait... did she says test?
"test? May test ba kayo ngayon? Kami kasi sa pagkakatanda ko walang inanounce na test ngayon eh"
Siguro si ma'am Oduriko ang may patest. Lagi naman kasi syang nagpapatest eh. And hindi ko alam kung bakit ganoon. hindi ko talaga alam kung bakit mahal na mahal nya kaming mga estudyante nya to the point na araw araw may test.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy [editing]
Fantasiafantasy story with a bit of romance. take not A BIT ONLY. I'm not that expert to write a romance or love story, so this will be more on a fantasy story. maybe 20%? haha don't know. pero kung gusto nyo ng romance, then i'll try my best. basta kung p...