chapter 29: dota

18.5K 444 6
                                    

Chapter 29: dota

Amber's POV:

 

"Amber, can I talk to you?"

Lumingon ako sa nagsalita. Ah, si kuya Daren pala.

"tungkol saan po?" narinig ko na lang syang tumawa

"wag ka nang gumamit ng po kapag ako kausap mo. Nagmumukha lang akong matanda eh"

Mas matanda naman talaga sya ah? Aish! Okay, naglakad na kami at dinala nya ako sa garden.


"tungkol saan ba paguusapan natin?" tanong ko. Clueless kasi ako eh.

"pano mo nalaman na sa akin yung nasa box?" nakita ko ang curiosity sa mga mukha nya.

"ah yun ba? May nagsabi sa akin" nakangiti kong sagot sa tanong nya.

"sino?" halata mo sa mukha nya na gustong gusto na nyang malaman.

"eh sino bang sa tingin mo ang may alam na sa iyo yan? Sa ating dalawa ikaw dapat ang nakakaalam nan" ngumiti ako ng onti na para bang umm... eh... pano ba iexplain? Yun bang medyo papunta na sa ngisi.

"nung medyo tumahimik na at naramdaman ko na si awkwardness, nag salita na ako.

"si ate Reilly. Ikinuwento nya sa akin"

Matapos ko iyong sabihin, nakita ko ang kalungkutan sa mga mata nya. Unti unti syang ngumiti, pero ngiti ng isang malungkot na mukha.

"you know, dapat hindi mo na nalaman to eh. Yan talagang si Reilly napaka makwento, hindi na nagbago"

Saad nya habang nakangiting malungkot. Naaawa ako sa kanya. Mabait syang tao and I think almost perfect na sya. Pero nakikita ko syang malungkot. Buti pa sya hindi nya alintana kahit na nakikita nyang kinaaawaan sya ng iba.


"hindi ko din alam kung bakit ang ballpen na iyon ang nailagay ko sa box na iyon eh. Dapat pala hindi na lang iyon ang nilagay ko."

This time, may nakita akong butil ng luha na pumatak mula sa mga mata nya. Ano ba dapat kong gawin? Ano ba ang gamot sa mga broken hearted?

"tss. Ang drama mo! Hindi ka pa naman mamamatay eh! Sus di naman nakakamatay yang pagka broken hearted! " natatawa kong sabi. Pero sya, ayun patuloy pa din sa pagluha. Nakakainis. Dapat si Roshan ang nandito, mas magaling yon sa mga ganitong bagay.


"Amber can you do me a favor?" napatingin ako sa kanya at nagtama ang paningin namin. Tumango na lang ako bilang tugon.


"can you help me get her back?"

Roshan POV:

 

Dumeretso na lang ako sa room ko at tumalon ako sa kama. Woooh! It's good to be back! Ayoko nang magpunta sa disyerto na yon! Putek ang init!

Binuksan ko ang aircon. Kasunod nito ay ang pagbukas ng wifi at ng phone. Hay I want to relax myself first.

Pagbukas na pagbukas ng phone ko ay may nagpop na icon sa phone ko at nakita ko dito ang mukha ni Joachim. Haha naka messanger kasi ako.

Joachim: hi Aouie! How are you?

Roshan: hey! I'm fine! And guess what!

Joachim: i don't wanna guess

Rosahn: tss. You know what? I found my element!

Joachim: really? Good for you J

Enchanted Academy [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon