Chapter 16-Sana

2.6K 47 7
                                    

Ara's POV

Ilang araw na rin mula nung naghiwalay si Thomas at Arra, sobrang depressed nga ng lalaking yun eh. Minsan pupunta siya sa dorm, aakyat sa kama ko tapos dun matutulog, as in yung wala siyang sasabihin aakyat lang talaga siya! Buti nga hindi sinasabi nila ate Aby kay coach kundi nako! Lagot tong si Mang Thomas! Minsan naman susunduin ako sa class ko tapos hahawakan kamay ko, syempre kilig overload ako pero nakakainis rin! Andami tuloy issue tungkol samin, ayoko namang isipin  ni Arra na nilalandi ko kagad si Thomas. Hindi ko nga alam kung bakit sakin laging pumupunta si Thom, naitanong ko na rin sakanya pero ang sabi lang niya sakin and I quote "Ikaw lang yung maaasahan ko ngayon, sige na please hayaan mo na ako". Kaya kahit anong hawak niya sa kamay ko o akap niya payag ako kasi nakaaawa lang talaga yung istura niya kung nakikita niyo lang. 

Ara: Bes, ano oras training mamaya?

Mika: Walang training mamaya!

Ara: Hala bakit naman?

Mika: May meeting daw lahat ng coaches eh?

Ara: Sige una na ako 

Mika: At saan ka naman pupunta? Kay Thomas? Ano magpapakatanga ka nanaman? Eh parang rebound na walang mutual feelings kayo eh

Ara: Daks naman

Mika: Ikaw din kasi tong umaasa at baka masaktan! Bawal bang maconcern ngayon?

Ara: Porket nagkakamabutihan kayo ni Jeron ganyan ka?! 

Mika: Bakit ikaw pa may ganang sumigaw! Daks pinangangaralan lang kita nang magising ka sa katotohanan! Daks ikaw na ang dakilang martyr! Nakakayanan mong marinig na magmukmok yung taong mahal mo dahil sa iba nilang mahal! 

Ara: Daks tama na! Alam ko namang nagpapakatanga na ako eh! Ang gusto ko lang matulungan siya umayos na ulit katulad ng dati

Mika: Bahala ka daks basta ako nasabihan na kita, wag kang iiyak iyak.

Thomas' POV

It's been a week since nagbreak kami ni Arra. Sobrang lutang ko, hindi ako makakain, o makatulog. Buti nga andiyan si Ara eh, sobrang awa na nga ako sakanya kasi nadamay ko pa siya, eh siya lang naman kasi malapitan ko. Siya yung sobrang komportable ako yung kahit hindi ako magsalita, alam na niya nararamdaman ko kaya sakanya sakanya ako lumalapit. Kaya nga napapaisip ako paminsan Bakit hindi na lang siya ang mahalin mo Thomas?  Pero alam ko namang hindi pwede, pero bakit nga ba hindi pwede? Single naman siya ah, single din ako, matagal na naman pinagsamahan namin.

Thomas: Uy Ara! Kain tayo lunch?

Ara: Ah Thomas, hindi ako pwede ngayon eh, sorry ha?

Thomas: Ganun ba? Hm sige next time na lang

Uy medyo first time yun, tinanggihan ako ni Ara. Hayaan mo na nga baka busy nga lang talaga! 

Jeron: Paps himala! DI mo kasama si Ara!

AVO: Nga bro! Nag-away ba kayo?

Thomas: Uy grabe naman! Busy ata siya eh?

Jeron: Tara lunch tayo?

Well eto kami ngayon kumakain nakakainggit nga to si Jeron eh, halos araw-araw kasama si Mika tapos super saya pa nila together, friends lang daw sila pero di ako naniniwala, Si AVO naman bumalik na yung girlriend niya si Rosie, akala ko nga magiging sila ni Cienne eh di pala.

AVO: Paps did you hear what we said?

Thomas: Ah sorry ano yun?

Jeron: Sabi namin okay ka na ba?

In Your Arms (Thomas Torres and Ara Galang "ThomAra")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon