Brianna's POV
Lalabas na sana ako ng room namin para magmerienda ng mapansin ko mula sa bintana na naglalaro si Sky sa baba ng basketball. Kaya from a distance ay pinanuod ko muna siya..
Alexa: Huy friend di ka pa ba bababa? Magmerienda na tayo..
Alam ko na niyayaya na ako ni Alexa para magmerienda pero di ko siya pinapansin dahil busy pa ko na panuorin si Sky na nagbabasketball..
Hay Sky, ang pogi mo na nga.. ang galing mo pang magbasketball.. kaya crush na crush kita eh..
Habang enjoy na enjoy akong pinanunuod si Sky na nagbabasketball bigla naman akong niyugyog ni Katherine..
Katherine: Huy friend! kanina ka pa namin niyayaya magmerienda.. baket di mo kami pinapansin ha? At teka nga sinu ba yang tinitignan mo sa labas ng bintana? At tumingin din si Kat sa bintana..
Alexa: Edi sino pa kung hindi ang crush na crush niyang si papa Sky..
Sa sinabing iyon ni Alexa ay agad ko naman siyang pinandilatan ng mga mata ko..
Alexa: este ang super duper enemy nya pala na si Sky! Haha
“Brianna Isabelle Padua Cruz aminin mo nga sa amin ang totoo..crush mo ba si Sky?” biglang tanong naman sa akin ni Kat na ikinaloading ko saglit.
“Si Sky? Crush ko? Hindi ah..diba nga enemy ko siya..” sagot ko naman
“weh? Indenial ka lang ata eh?” Kat
Sasagot sana ako ng bigla naman nagsalita si Alexa.
“Hay naku friend wag na natin kulitin si Bri at hindi din yan aamin sa atin.. hintayin na lang natin na siya ang kusang umamin at magkwento sa atin”
“tara na nga punta na tayo sa canteen..magmerienda na tau.” aya ko na lang sa kanila.
Sa CANTEEN..
Habang sarap na sarap akong kumakain ng chicken sandwich ay bigla naman nagtanong si Kat, na ikinabaknal ko kaya inom ako agad ng juice..
“Bakit ka ba itinuturing na enemy ni Sky? Paano nagsimula?”
“Hindi ko din alam kung kailan at paano ako naging enemy ni kuya Sky (kuya Sky? Oo kuya Sky talaga)..pero ang alam ko lang mas nagalit siya sa akin nung natamaan ko siya ng lata sa noo niya..pero di ko naman sinasadya yun eh, saka nagsorry naman ako nun agad sa kanya..”
Flashback
Playing touching lata with my cousins
Adrian: oh Bri ikaw ng titira..
Bri: ah ako na ba..osige
Nang ihagis ko na ang aking tsinelas para matira ang lata ay sakto namang pagdaan ni kuya Sky at di sinasadyang tumalsik sa kanya ang latang tinira ko at natamaan siya..
“shet! Aray..ang sakit!” Sky
Agad naman akong tumakbo papunta kay kuya Sky para tignan siya at magsorry sa kanya..
“kuya Sky okey ka lang po ba?” tanong ko
“okey? Tinatanong mo ko kung okey ako?! Eto ba ang okey! Tignan mo nga nagkabukol ako ng dahil sayo!” pagalit na sabi ni kuya Sky
“Kuya Sky sorry po hindi ko po sinasadya.. hindi ko naman po kasi napansin na dadaan pala po kayo.. sorry po talaga kuya Sky..” Bri
“Ewan ko sayo! Huwag ka ngang lumapit sa akin..baka mamaya kung ano pang mangyari nanaman sa akin” pagalit na sabi nanaman ni kuya Sky
Ako naman naiiyak na sa ginawang pagsigaw ni kuya Sky sa akin kaso pinigilan ko lang..
Simula noon lalo pang nadagdagan ang inis sa akin ni kuya Sky..
Misan nung naglalaro sila ng basketball at saktong ipapasa ni kuya Sky ang bola sa kateam niya eh nagulat na lang ako na sa ulo ko tumama yung bolang hinagis ni kuya sky.. na ikinaupo ko naman..at hindi man lang nagsorry sa akin si kuya Sky.. sa halip nagsmirk lang siya..feeling ko tuloy nun gumaganti siya sa akin..
At simula din nun tinuring ko na siyang enemy..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PLEASE VOTE AND COMMENT.. :) :)
THANK YOU FOR READING MY FIRST STORY!! :) :)