Bri’s POV
Parang nung isang araw lang enemy kaming dalawa ni kuya at ngayon close na close na talaga kami..para na nga kaming mag bff eh.. pero siya yung boy version..
Graduation ngayon ni kuya Sky. Syempre Masaya ako para sa kanya..
Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na dalawang taon ang agwat namin sa isa’t-isa..ako 13 siya naman 15..
At dahil graduate na si kuya from highschool eh magmimigrate na din sila sa California.. actually matagal ng naaprubahan ang petition ng buong family nila..pinetition sila ni tito Carlos ang papa ni kuya Sky.. pero hindi muna sila umalis dahil hinintay talaga muna nila si kuya Sky na makagraduate dito ng high school.. Engeenring course daw ang balak kunin ni kuya Sky sa College.
Kaya naman medyo nalulungkot din ako kasi nga magkakahiwalay na kami ni kuya Sky
Ngayon nandito kami sa house nila kuya Sky. Naghanda kasi si tita for kuya sky’s graduation..
“Kuya Sky congrats ha!” masayang bati ko kay kuya Sky
Kasama nya nun sila kuya mike, Jake at Ivan
Hindi ko tinatawag na kuya si Jake at Ivan dahil sabi nilang dalawa eh isang taon lang naman daw ang agwat namin.. at saka 3rd year high school pa lang sila..ahead lang lang sila ng one year sa akin..
“Thank you Bri!” sagot naman ni kuya Sky
-------
Batangas
Nandito kami ngayon sa vacation house nila Kuya Sky..dito kasi gusto magpadespedida ni tita Angela para makapag enjoy daw kami lalo na malapit lang dito yung beach dahil pagkalabas mo sa backhouse nila ay kitang-kita mo na agad ang magandang view ng dagat..
“Tara guys swimming na tayo!” aya ni kuya Sky sa mga friends niya
Bukod sa family and relatives namin nila kuya Sky kasama din sa trip sila kuya Mike, Jake and Ivan
“okey tara na!” Jake
“Bri, tara na! pati din kayo mga couz..” aya din sa akin ni kuya Sky
Kasama ko kasi ngayon ang iba pa naming mga pinsan ni kuya Sky
Masaya kaming lahat na lumusong at nagbabad sa dagat..
Andyan yung mag basaan kami, maghagisan, kulitan, tawanan..basta Masaya..hahaha
“Baby..” bulong sa akin ni kuya Sky
“Baby?” kunot noong tanong ko naman
“Oo baby ikaw kasi ang pinakaclose ko sa mga pinsan natin na babae eh..saka baby kasi diba nga wla akong kapatid na babae..kaya ikaw na lang ang baby sister ko..hehe” sabi naman ni kuya Sky
“Haynaku..kuya Sky! Oo na ako na ang baby sister mo maski hindi naman na ako baby kasi dalaga na ako..hehe” Bri
Baby..kinilig naman ako dun..ikaw talaga kuya Sky you never fail na pakiligin ako..ikaw na talaga!!
Nagmomoment pa ako ng bigla naman akong buhatin ni kuya Sky ng paprincess style at ihagis sa dagat
Nakalunok tuloy ako ng konting tubig dagat
“Kuya Sky bat mo ginawa yun! Kainis ka!” pagalit ko namang sabi sa kanya
Pero tawa lang ang isinagot niya sa akin..
“G-R-R-R ka talaga!” pagalit ko ulit na sabi
“hahaha, ang cute mo talaga pag nagagalit ka baby!” sabay pisil sa malambot kong cheeks
Bigla naman ako pinamulahan ng pisngi sa sinabing yon ni kuya kaya agad akong tumalikod at nag walk out kunwari..
Nagkulong lang ako sa kwarto buong maghapon kasi di ko na kinakaya ang pagpapakilig sa akin ni kuya Sky.. feeling ko nga tuloy mahal ko na siya.. iisipin ko pa lang na matagal ko siyang hindi makikita eh hindi ko na kinakaya..
Kuya bat kasi kailangan mo pang umalis hindi ba pwedeng ditto ka na lang..
Tutulo n asana ang luha ko ng biglang naudlot dahil may biglang kumatok sa kwarto ko
“Bri, si kuya Sky to. Open the door please..” Sky
Agad naman akong tumayo at binuksan ang pintuan
“What do you need!?” masungit kong sabi sa kanya
“I just wanna say sorry..” sincere apology sa akin ni kuya
“look, ayoko na ulit na magkagalit tayo at lalo na ngayon na two days na lang eh aalis na kami..” sabay hawak sa dalawang kamay ko.. na agad ko namang ikinakilig
“hindi naman ako nagalit sayo eh” pagsasabi ko naman
“eh bat ka nagwalk out kanina?” tanong niya naman sa akin
“eh kasi..kasi gusto ko lang!” sagot ko naman
“Gusto mo lang? haha “
“haynaku, ikaw talaga Bri minsan may sumpong ka din ano?” sabay yakap sa akin
At niyakap ko din si kuya..iihh kilig much naman ako sa yakap niya..haha
“Mamimiss kita kuya..” malungkot kong sabi
“ako din naman mamimiss din kita..” Sky
“mag iingat ka palagi dun ha.” Sabi ko
“oo naman, ikaw din mag iingat ka palagi dito..saka kumain ka ng marami ha..kasi tignan mo oh ang skinny mo na..”
“hindi kaya ako skinny kuya..sexy yan..hehe”
“sexy daw..hindi man..payatot ka kaya..” sabay tawa ni kuya Sky
Nakakainis ka kuya Sky kung di lang talaga kita crush..hmmp.. sabi ko naman sa isip ko
“mag-aaral ka din ng mabuti ha?”
“opo” sagot ko naman
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PLEASE VOTE AND COMMENT PO..THANK YOU!! :)) :))
GUYS LET ME KNOW YOUR REACTION/OPINION.. :): TNX! :))