Bri’s POV
After 2 years..
Ang bilis talaga ng panahon biruin mo fourth year high school na ko at malapit ng grumaduate..
Nagfafacebook ako ngayon ng biglang may nag message sa akin..
And guess what?
Si kuya Sky ang nag message sa akin.. video call daw kami..
Kaya agad ko namang inaccept yung call nya..
“Hello kuya!” with matching kaway pa
Grabe lalo pang gumwapo si kuya..
“Hello baby!” bati naman niya sa akin
“haynaku baby pa din? Haha” sabi ko naman with matching pout pa..
“oo syempre..forever baby kaya kita!” oo na lang kuya Sky pero infairness kinikilig ako pag tinatawag nya akong baby kasi feeling ko endearment word nya yun para sa akin..hehe
“uuwi ka ba this year?” excited ko namang tanong
“yup” sagot naman nya
“talaga? Kailan?” todo smile kong tanong
“This February.. sa March sana para sa graduation mo kaso hindi pwede eh medyo busy ako nun sa school..”
“okey lang kuya atleast makakauwi ka pa din!” masigla kong sabi
“oh pano Bri, saka na lang tayo ulit magchat ha..papasok na kasi ako sa school eh. sensya na kung saglit lang tayo nagchat ha..gusto ko lang kasi kita makita kahit saglit..miss ko na kasi ang baby ko eh.. hehe bye bye! “ Sky
“okey lang kuya, sige bye din..”
At ayun nag offline na siya..
Miss nya na daw ako..pero ako miss na miss na miss ko na siya..ehehe
Ay oo nga pala hindi ko natanong kay kuya if what yung exact date ng pag uwi nya sa February..di bale pag nagkachat na lang kami ulit dun ko na lang itatanong
Madalas akong nag fFb pero lagi namang naka offline si kuya kaya hindi ko na natanong..
Feb 15-Prom Night
Nandito ako ngayon nakaharap sa salamin at gandang ganda sa sarili ko..hehe (syempre dapat confident diba?)
“naku anak dalagang-dalaga ka na! at ang ganda ganda pa..” mommy Cassandra
“mom, syempre..kanino pa ba magmamana kundi sa inyo..” pagsasabi ko naman sa mommy ko
“Hon, halika na kayo at baka malate pa tayo..” tawag ni daddy sa amin
Kaya agad naman na kaming bumaba ni mommy
“oh ya,ikaw nang bahala kila Sab at Kysler ha..” bilin ni mommy kay yaya
“opo ma’am sige po ako napo ang bahala..” sagot naman ni yaya Cora
Auditorium
Bri’s POV
“Hello po tita! Hello po tito!” bati ng mga friends ko sa mom at dad ko
“oh hi din!” bati naman ng mom ko sa kanila
“hi din..you two, look gorgeous tonight” bati din ng dad ko
“tito thank you po!” Alexa at Kat
“pero tito tonight lang?” pabirong tanong naman ni Alexa
“Alexa..” awat naman ni Kat
“Sige po tito tita alis po muna kami magsisimula napo kasia kaming magmarcha” pagpapaalam ni Alexa
“Osige iha” sabi naman ni mommy
“Oh iha uupo na kami ng mom mo sa parents table” pagpapaalam ni dad sa akin
“Osige po dad” sabi ko naman
Pagkatapos ang first dance namin nila Kat sa mga dad namin eh bumalik muna kami sa table namin..
Wala pang ilang minuto kaming nakaupo eh niyaya agad nung classmate namin na si Daniel si Kat para isayaw siya
Nagulat naman ako ng biglang may isang lalaking nakatayo sa harapan ko at niyaya akong sumayaw..
“May I dance with you?” tanong ng lalaki
Parang may kaboses siya kaya agad ko namang tinignan ang muka niya..
“kuya Sky! Kailan ka pa nakauwi?” sabay yakap ko sa kanya and hinug nya din naman ako
“Nung isang araw pa..” pagsasabi nya
“ha? Nung isang araw pa? eh bat di ka man lang nagpakita sa akin?” pagtatampo ko
“Gusto kasi kitang sorpresahin..odiba nasurprise kita!” sabay patong ng dalawa niyang kamay sa mga balikat ko
Kuya Sky talaga may mga pasurprise surprise pang nalalaman.. pero infairness kinilig ako dun..
Mga tatlong classmate ko lang ang nakasayaw sa akin dahil si kuya Sky paligi akong niyaya na sumayaw..
Sa totoo lang ang sakit sakit na nga ng mga paa ko eh ang taas kasi ng heels ko saka kanina pa ako sumasayaw..
Pero super enjoy talaga ang night na to..at dahil yun kay Kuya Sky..
Biro mo after nung prom binigyan pa nya ako ng bouquet of flowers..
Katuwa ko talaga sa kanya.. kasi first time ko na mabigyan ako ng flowers ng isang lalaki..
at galing pa talaga sa kanya! kaya super special talaga..
------
Ang bilis talaga ng araw kasi ngayon bumalik na ulit si kuya Sky sa USA natapos na kasi ang two weeks vacation niya dito. Hindi naman kami gaanong nakapagbonding dahil may pasok ako pagweekdays kaya pag weekends lang kami nakakapagbonding together..