Bri’s POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko..kauuwi ko lang galing school..
Hay ilang araw na rin akong lutang.. paano ba naman kasi hindi mawala sa isip ko yung sinabi sa akin ni kuya Sky noong nagstay ako sa house nila.. sobrang saya ko talaga nung gabing yun..kasi hindi na nya ako enemy.. J at sana lang may chance din na maging close kami…
The next day..
Nandito ako ngayon sa school canteen kasama ko sila Kat na nagmemerienda..
“Friend, pansin namin ilang araw ka ng lutang..tapos lagi pang nakasmile..” Alexis
“oo nga friend!” pag sang-ayon naman ni Kat
“eh kasi friend hindi na kami enemy ni kuya Sky.” Diretso ko namang sagot
“aah yun lang pala!....(loading) …."
"what?! paano nangyari yun?!” at sabay pa talaga silang sumigaw na dalawa
“ssshhh… huminahon nga kayo..nasa canteen tayo..” sabi ko naman
“eh paano nga nangyari yun? Agad agad na lang di na kayo enemy?” tanong ni Kat
At kwinento ko naman sa kanila kung paanong nangyari na hindi na kami enemy
Masaya kaming nagkwekwentuhan ng mga friends ko ng makita ko si kuya Sky kasama ang mga teammates nya na pumasok din dito sa canteen.. na siya ding ikinalingon ni Kat at Alexis
“ang bilis ng mga mata mo friend ah” tukso ni kat sa akin
Ngiti lang ang itinugon ko kay Kat..
Nagulat naman ako ng biglang lumapit si kuya Sky sa kinalulugaran namin..
“Bri, pinapasabi pala ni tita na hindi ka daw nya masusundo mamaya.. at sa akin ka na lang daw sumabay na umuwi.”
Ay pogi naman nitong nasa harapan ko..wait lang Bri.. ano bang sinabi niya sayo?? At agad ko namang hinalungkat sa isip ko ang sinabi sa akin ni kuya Sky..ay oo nga pala.. (author- ikaw kasi teh tulalei agad nakakita lang ng pogi? Hahaha)
“aah ganun po ba kuya..sige po.”
“sunduin na lang kita mamaya sa labas ng classroom nyo.” Sky
“Okey po.”
At yun lang tapos pumunta na siya sa mga teammates nya para sabayan silang magmerienda..
Grabe sobra na talaga akong kinikilig ngayon.. feeling ko nasa heaven na ko..ayieeehhh! haha
“huy friend.. ganyan ka pala kiligin neh..tulalei at ngingiti ng di mo mawari!” Kat
“at sobrang mangamatis!” Alexis
Tapos sabay tawa silang dalawa..
simula ng malaman nilang crush ko si kuya Sky ay lagi na lang akong tinutukso ni Kat at Alexis..
class dismissal..
“okey class dismiss..” teacher Ana
After kaming idissmiss ng teacher namin ay isinukbit ko na agad ang backpack ko..
“ayieeh! Nandun na sa labas yung crush nya..” Kat
Bigla naman akong napatingin sa may pintuan.. pagkakita ko kay kuya Sky ay agad ko siyang pinuntahan..
“kanina ka pa po ba?” tanong ko
“hindi kadarating ko lang..ano tara na? uwi na tayo” Sky
“okey po..”
“Mga friend una na kami ni kuya Sky..” paalam ko kila Kat at Alexis
“okey friend..sige ingat kayo!” Kat
“See you tomorrow friend!” Alexis
While on the car..
“gusto mo bang makinig ng music?” tanong sa akin ni kuya Sky
“sige po kuya..” sabi ko naman
At sakto nung isindi ni kuya ung radio eh Pers lab ang tumugtog na music..
(NOW PLAYING -> Pers Lab by hotdog)
Ano ba naman yan..bat ganyan..lalo tuloy akong kinikilig..
Tuwing nakikita kita parang gusto ko ng matunaw kasi hindi ko talaga kinakaya ang kagwapuhan mo..pati mga ngiti mo grabe sobrang ganda..
..at tuwing gabi hindi din ako makatulog kakaisip sayo..
Eto nga oh..may isa na akong tagyawat sa ilong..
Bigla namang napatingin sa akin si kuya ng mapansin nya siguro na nakatitig ako sa kanya..
“Baket? May dumi ba ako sa muka ko?” tanong sa akin ni kuya
“aah wala naman po kuya..” sagot ko naman
Kasi naman kuya bat sobrang gwapo mo..tapos medyo chinito ka pa at medyo mapula din ang labi mo.hayyzzz
Nagulat ako ng bigla akong tanungin ni kuya ng tanong na ayaw kong sagutin..
“Crush mo ba ako?” titig na tanong niya sa akin na may kasamang smile..
“hindi po kuya ah..hindi po kita crush..” pagsisinungaling ko
“napansin ko lang po kasi na medyo chinito po pala kayo eh wala naman po tayong lahing Chinese..kastila meron..ehehe” sunod kong sabi
“ah ganun ba..hehe ewan ko nga din kung bat medyo chinito ako..siguro napaglihian lang ni mommy yung favorite nyang Korean actress..” Sky
“pwde ka na bang ligawan?” sky
Oh my gosh..liligawan nya ba ako.. bigla naman lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa tanong ni kuya..
“Ano po ulit yung tanong mo kuya?” mahirap na baka nagkamali lang kasi ako ng dinig
“ah sabi ko kung pwde ka ng ligawan..kasi gusto ka sanang ligawan ni Jake yung teammate ko sa basketball..huwag kang mag-alala mabait yun…” Sky
“allowed naman napo ako nila mama na magentertatin ng manliligaw kaso wala pa kasi sa isip ko ang magboyfriend..”
“edi basted na kaagad yung friend ko? Hindi pa man nanliligaw sayo? Hehe” Sky
“hehe, ganun na nga po..pero we can be friends naman if he likes..”
“okey sige sabihin ko yan sa kanya..” Sky