Nerdy
"Kaya nga ang sinasabi ko sayo ay wag kang hihiwalay sakin para ipagtatanggol kita hindi ka naman kasi lumalaban keidy e" Sabi ni Trisha sabay yakap sakin kasalukuyan kaming nasa clinic dahil binully na naman ako ng mga classmate ko.
Kaya pala ko tinawagan ni trisha kagabi dahil iinvite nya daw ako sa bday ng pinsan nya.
Kesyo daw di daw ako bagay sa 3A kesyo daw di daw ako maganda at sikat kaya kailangan ko daw lumipat ng section.
seriously ganyan sila kaaffected sa pressensya ko?
Tinabunan nila ng spaghetti ang ulo ko at pinatid ako ni samantha dahilan para mapadapa at mapasalampak ako sa sahig. Trisha help me tinaboy nya yung mga classmate ko at tinulungan akong pumunta sa clinic
"Nah its okay sanay na naman din akong binubully trisha" I smiled at her para maiassure sa kanyang okay lang ang lahat.
"You know keidy parang kapatid na ang turing ko sayo kasi im sure naman na your the best at all padin na hindi ka katulad nilang mga nagpapanggap lang" Bigla akong kinutuban sa sinabi ni trisha I dont know why pero parang may gusto syang iparating saken.
"Ofcourse hindi ko naman kailangang magpanggap kasi at this time gusto ko lang magpakatotoo" Bawat linyang binibitawan ko ay sinisigurado kong tatatak sa isipan nya na may gusto din akong iparating sa kanya.
She hugged me again at pagkatapos ay umalis na sya dahil bibili daw syang pagkain namin sa canteen.
Ilang sandali pa ay bigla bumukas ang kurtina ng nasa tabi ko kaagad akong napatingin kung sino ang tao doon ay laking gulat ko ng may batang babae ang halos sugat sugat at hindi na makagalaw sa sakit ng katawan
Kaagad syang tumitig saken na ikinabigla ko dahil sobrang talim ng mga ito animoy parang pinapatay ka.
"I already told you Ms.Sanchez i can handle myself" Nung tinignan ko ulit ang kalagayan nya ay akala ko nagbibiro lang sya pero laking gulat ko nung bigla syang tumayo at walang kahirap hirap na lumabas ng clinic
Bigla namang dumating si Trisha at inabot ang pagkaing binili nya para saken "Uhh trisha thankyou" She said na no worries daw basta ako.
Nagpatuloy kami sa pagkain ng makaramdam ako ng antok kaya natulog nalang ako tutal ay wala din namang ginagawa sa room.
"I never though that your the traitor"
"You snake!"
"Oh fuck sorry i dont wanna hear your bullshits reason!"
"C'mon traitor fight me and show me the real you"
Biglang nanikip ang dibdib ko at sumakit ang ulo ko sa mga tinig na naririnig ko ano bang nangyayare saken? simula ng umuwi ako dito sa pilipinas ay hindi nako nilubayan ng misteryosong panaginip ko
Bigla nalang bumukas ng kusa ang mga mata ko napabangon agad ako sa gulat.
Niyuyugyog pala ako ni trisha kaya bute nalang at nagising nako."Myghad are you really that tired your having a nightmare" Pinanlakihan nya pako ng mga mata para matakot ako sa kanya kaagad naman akong natawa at tinignan nya naman akong nagtataka
"Are you on drugs keidy? bakit ka tumatawa im serious here" Sabi nya sa mataray na tono kaya naman ay napatigil nako sa pagtawa nakakatakot pala syang magtaray.
"Anyways lets go na sa gym dahil may sasabihin daw ang student council"
Di pa man ako nakakabangon ay agad nya nakong hinila hindi na naman masyadong masakit ang katawan ko kaya nakakapaglakad na din ako."Thankyou po" Magiliw kong sabi sa nurse na di pinansin ni trisha at dumiretso kami sa gym.
Halos lahat ng estudyante ay nandito na kaaga naman akong sinamahan ni trisha pagkatapos ay umupo sya sa tabi ko
"Uhhh diba sa 3B ka?" Tanong ko naman sya smiled at me devilishly kaya nagtaka ako.
"Starting today nailipat nako sa 3A yey keidy! wala ng mambubully sayo subukan lang talaga nila babalatan ko sila ng buhay" Talagang nilakasan nya ang pagkakasabi na parang may pinaparinggan kung kayat madami ding tao ang napatingin saamin.
nanahimik ang lahat at biglang nagsalita ang isa sa mga student council "Hello students im here to announce you all that were making a new rules and regulations we will post it tomorrow" Kaagad na nagreact ang mga tao at nagbulong bulungan.
"Our Acquaintance party is on next 3 weeks so better magready na kayong lahat dahil we assure you all na mageenjoy talaga kayo." She smiled then left us all in the gymnasium kaagad naman kaming pinauwi ng mga advisers at teachers dahil wala na daw klase.
Habang naglalakad ako magisa palabas ng school may nabangga ako
"S-Sorry" Sabi ko habang nakatungo tapos ay pinulot kona ang mga aklat na nalaglag nagulat ako ng tinulungan nya kong magpulot at pagkatapos ay
ngumiti sya sakin ng napakalaki"hi im kram!" At nakipagshakehands sya sakin tapos ay umalis
nagabang nako ng taxi dahil hindi daw ako masusundo ng driver namin. May biglaang bakasyon daw kasi sila
---------
Di ako magkanda ugaga dahil inaantok na talaga ako tas parang bumigat ang katawan ko kaagad akong kumain saglit at dumiretso na sa kwarto para magpahinga.