Make Me Yours-1

235 1 0
                                    

Chapter 1

Athea Rain POV

Shucks! Late na ako. Simula nung lumipat ako sa condo wala na akong taga gising. I asked dad din naman kasi na hindi ko na kailangan ng yaya. Kasi 19 na ko so I need to stand on my own na. Nung una ayaw pa niya eh, pero pinilit ko si mama na kulitin si daddy para pumayag. Hayyy! Mahirap pala talaga mag isa, pero I need this. Dapat masanay na ako.

Nag madali akong pinaandar ang kotse ko para makaalis na rin. Ayaw ko na sana pumasok kung hindi lang pasahan ng project eh. Saka iisang subject lang ako today kakatapos lang din ng midterm kaya wala pa masyadong gagawin.

Pag ka park ko ng sasakyan ko sa may parking lot, agad akong tumakbo patungo sa building ko. F! Ang init init pa, ala una na nag tanghali. Takbo lakad ang ginagawa ko nakakahiya din naman kasing tumakbo sa hall way.

Sasakay na sana ako sa elevator ng makita ko Gab. Wow! Just wow, nang aasar talaga minsan kung sino pa iniiwasan mong makita, nagpapakikita. Samantalang pag may gusto kang makita hindi naman nag papakita. Aishhh! Dali dali akong lumiko ng may mabangga ako.

"Sorry for-" hindi ko natuloy ng nagsalita yung nabangga ko

"Tss!" Saka nag patuloy sa pag lalakad. What was that?! Antipatiko

Pero hinayaan ko na lang. Nag patuloy ako sa pag lalakad, papasok na ako sa room ng nag sisimula na nag ccheck ng attendance si Mam Ramos.

"Good morning mam, sorry I'm late."

"Just in time Miss Tuazon." Saka ngumiti si Mam Ramos. Yunnn! Ang bait bait talaga ni Mam.

Papunta na ako ng upuan ko ng makita ko kung sino katabi ko. Si Angel

Nginitian ako so I smile back, ayoko naman makita niyang bitter ako sa kanya no. She's my friend, pero simula nung nag karoon sila ng something ni Gab na dating Ex ko parang ilang na ako sa kanya. Hellooo! Ex ko at friend ko nag kakamabutihan baka sila na nga eh. Hindi ko naman maiwasan na maging awkward sa kanila no, lalo na at nag hiwalay kami ni Gab ng walang closure tapos wala pang 3 months malalaman kong MU na daw sila ni Angel! Wow bastusan te? Wala man lang pasabi? I mean diba barkada ko si Angel since first year college tapos wala man lang pasabi na "Hey, MU kami ng ex mo" para hindi naman ako mag mukhang tanga diba? Saka alam ni Angel ang kwento sa amin ni Gab. Hayy!

Agad akong umupo sa upuan ko. Nagtataka talaga ako kung bakit nandito to. Hindi ko naman siya classmate kasi iba course niya.

"Sit it lang siya girl" bulong sa akin ni Samatha. Isa siya sa barkada namin ni Angel pero bestfriend ko siya since sa barkada kaming dalawa ang magkapareho ng course.

Siguro napansin niyang nagtaka ako bakit nandito siya. " Bakit siya naki sit it?" bulong ko din kay Sam. Ayokong marinig ni Angel baka akala niya hindi ko gustong nandito siya. Medyo lang. LOL

"Kasi after ng class labas daw tayo ng barkada. Kakatapos naman ng midterm, unwind din daw pag may time. Eh wala na siyang class kaya sabi ng ibang barkada sit it na lang muna daw sa atin since hindi terror si Mam Ramos."

Tango na lang ako. Ayoko sumama. Basta na ssense ko na kasama mamaya si Gab. Ayoko maging bitter dun na dapat nag sasaya ako.

Patapos na yung klase agad kong kinuha ang bag ko "Saan ka pupunta?" tanong agad ni Sam

"Girl, uwi muna ko sa condo. Mamayang gabi pa naman yan diba?" Pag sisinungaling ko

Kilala ko si Sam, alam kong alam niyang nag sisinungaling ako

"Deretso daw tayo kila Alex dun na lang meeting place natin, dun daw tayo mag diner."

"Saka 4 pm na rin sis, dun na tayo kila Alex" sagot ni Angel

Tinignan ko, agad naman siyang yumuko. Ayos naman si Angel eh, simula lang talaga na nag lihim siya sa akin hindi ko na siya masyadong kinakausap pag nakikita kami ngitian lang talaga. One month palang simula nung nalaman kong about sa kanila ni Gab. Saka saktong two months na rin na wala kami ni Gab nun. I never asked her kung totoo kasi gusto ko siya mismong mag open sa akin. Pero wala eh, pakapalan na lang siguro ng mukha kasi wala siyang balak sabihin. Saka lantad naman na magkasama sila lagi sa school, I don't need to asked since its obvious naman na. Besides, I hate confrontations.

Binalin ko tingin ko kay Sam "Girl, sa bahay ako mag ddiner. Tumawag sakin si Dad, matagal na rin kasing hindi ako nag pakita simula nung midterm." I said, saka totoong tumawag si Dad sakin na dun muna ako sa bahay.

"Hayaan mo na si Rain, Sam. Baka nga magalit si Tito sa kanya." Sabi ni Angel

"O siya, but promise me sasama ka mamaya?"

Umoo nalang din ako para hindi na humaba pa ang usapan.

Pumunta muna ako sa sa library para ibalik yung libro na hiniram ko. Pag kabalik ko ng libro agad akong tumungo sa parking lot,excited akong umuwi sa bahay namimiss ko na rin si Mama at Dad. And also the lutong bahay. Hahaha

"Alam mo naman yung Gab" automatic na napahinto ako sa pag lalakad ng may marinig ako. Ano ba naman yan Althea Rain, madaming Gab sa isip isip ko.

Nagpatuloy ako sa pag lalakad ng may marining na naman ako "I know Angel, I'm sorry"

Siguro naman alam ko na kung sino yung nag uusap diba? Hindi ko alam pero dahan dahan akong naglakad patungo sa isang kotse. Sinilip ko para masigurado ko kung tama nga hinala ko

Parang automatic na tumulo luha ko nung nakita ko ang ex ko yakap yakap ang kaibigan ko "Hush! Stop crying Angel. I'm sorry"

Ang pathetic ko. Eto ako nakikinig sa usapan ng ibang tao, ang sakit pala makita na may iba na yung taong mahal mo. Masakit isipin na may kayakap siya na dati ako yung niyayakap niya. Worst is kaibigan ko ang pumalit sa akin. Ang sakit sakit!

Wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan silang umaalis sa parking lot. Mag ka akbay. L

"Don't you know eavesdropping is a rude behaviour?" muntik na kong mapamura sa gulat ng may nag salita sa loob ng kotse na pinag tataguan ko.

"You?!" Gulat kong sabi. Siya lang naman yung nabunggo ko kaninang nagmamadali ako. Mr. Antipatiko. Hindi ko man lang napansin na nakabukas na pala ang window shades ng kotse niya

Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon