Make Me Yours-4

7 0 0
                                    

Dumeretso ako agad sa CR pag katapos ng confrontation namin ni Gab. Nanginginig akong buksan ang pinto. 

Hindi ko mapigilan humagulgol pag pasok ko ng cubicle. Sobrang sakit na, ang sakit sakit na. Gusto ko lang umiyak ng umiyak baka sakaling mabawasan yung sakit. 

Ang tanga tanga mo naman Athea Rain! Kailan ka ba titigil kakaiyak? Bakit ba ang hina hina mo. Bakit di pumasok dyan sa utak mo na yung taong minsan minahal mo, yung taong laging nandyan para sayo wala na. Nasa iba na.

Pick up yourself. Walang ibang tutulong sayo kundi yang sarili mo.  Ayusin mo sarili mo.

Tumayo na ako at tinignan ko ang sarili ko sa salamin,

Madami pa dyan.

Pag katapos kong ayusin ang sarili ko para hindi mahalata ang pag iyak ko dumiretso na ako kung na saan na mga kaibigan ko. 

"Saan ka ba galing?" Sam

Bakas sa mukha nila ang pag aalala. Lumingon ako at hinanap ng mata ko kung nandito pa sila Angel.

"Umalis na sila, nag paalam kanina si Gab kasi masama daw pakiramdam ni Angel. Hindi na sya naka pag paalam sayo" Sagot ni Keith na akala mo nababasa nya na sa utak ko.

Wow bakit nung iniwan nya nga ako nag paalam ba sya? Bigla nalang nawala. Dun sya magaling.

Ngumiti nalang ako bilang sagot ko. Ayoko na maging bitter. Please hindi na to para sa kanila, para kahit man lang ito para sa sarili ko. I deserve to be happy. I owe that to myself.

"You OK?" tanong ni Sam. Sobrang mukha na bang hindi ako masaya. Hayyy

"Oo naman. Okay na ko, okay na okay" Saka ako ngumiti.

Naagaw ang atensyon namin ng makita namin na papasok na ang mga boys 

"Boy! Sobrang comedy nun. Di mo man lang napansin na bakla sya" tawang tawa si Sandro

"Stop it! He looks like a girl" dipensya naman ni Alex.

"Anong meron? May problema kayo sa gay?" sagot ni Sam

Sam is a gay. He looks like a real boy tho. Di sya gay na sobrang lantad. Feeling ko na may posibilidad pang maging lalaki sya. Sayang ang gwapo pa man din niya

"HAHA! Bro if you just saw Alex. Matatawa ka imagine may diniskartehan sya kanina di niya alam bakla pala" Pang aasar ni Sandro

"Tang ina! Hindi ka ba titigil?" Asar ni Alex

Tawang tawa kami.

Then I suddenly realized, oo nga naman bakit hindi ko na lang ibalin ang atensyon ko sa mga taong nag papasaya sakin. While I keep on upsetting may self sa isang tao na siya ang dahilan kung bakit malungkot ako. Minsan nasa atin na rin ang problema. We want our self to be happy pero nag sesettle tayo sa mga bagay nanag papalungkot sa atin. 

Siguro nga I feel this way kasi I felt betrayed. Sa dami ng ipapalit sakin ng ex ko dun pa sa kaibigan ko, I already planned my life with Gab pero inalis niya ako sa mundo niya. 

Bumalik ako sa wisyo na maramdaman kong may nag vibrate sa upuan ko. Itong si Sandro kung saan saan napapadpad cell phone nya.

Axel Alcantra calling...

"Sand, someone's calling" sabay abot ko ng phone

Ang daming Axel sa mundo 

"Bro, yes bro where here. Lounge 302.Ok bye"

"Guys papakilala ko sa inyo business partner namin dito sa -- ohh nandito kana pala"

Agad akong lumingon at tinignan kung sino yung kausapin nya sa phone.

"So guys, this is Axel Alcantra. He owns also Midnight Cruiser"

Bigla akong namula nung maalala ko na hinalikan ako. 

"Girl, ang gwapo nya" kilig na kilig na bulong ni Sam

"Mas gwapo ka" sagot ko pabulong din

Hinampas ako ng baklang to. Nakalimutan ata niya na ang laki nyang tao

"Ewwww kadiri ka" reklamo nya

Totoo naman na gwapo talaga tong si Sam, ewan ko ba bakit pareho kami ng gusto.

"Hi Axel. Sam here" sabay abot kamay ni Sam kay Axel

Tumango lang sya.

"Gwapo nga suplado naman" bulong ko

"At mas bet ko na tuloy sya." I just glared him

"Keithlyn here" 

"Alex naman bro" isa isa silang nag pakilala puro tango lang si koya. Kaloka

Napasin ko na lang na nakatingin silang lahat sa akin. Siniko ako ni Sam

"Baka gusto mo mag pakilala" bulong na naman ni Sam

Tinignan ko si Axel pero agad ko din binawi ang tingin ko. Ang awkward leche

"We know each other" kumunot ako at tumingin ulit sa kanya

Wala man lang reaksyon yung mukha niya. Poker face masyado tss

"Mag kakilala kayo?" tanong ni Sandro

Feeling naman to

"Ah ano sa parking kasi kanina, nadoon lang siya,tapos yun"

"What are you doing there aber?" Sam

I just raise my eyebrow 

"She stalked his ex boyfriend and we k--"

Gago to! Automatic na binato ko ang hawak hawak kong purse

Sapol ang mukha

"Oh my goshhhh! Rain." Gulat na gulat sila sa ginawa ko

Ako din naman nagulat sa reaksyon ko

"Bro okay ka lang?" Agad na nilapitan ni Sandro 

Agad kinuha ni Sam ang tissue at inabot kay Axel. Lumapit lahat sila kay Axel samantalang ako nakatingin lang sa kanila

Tinignan lang nya ako, gosh sa gilid ng lip nya dumugo

Nakatingin sa akin si Alex na parang nag tatanong bakit ko ginawa yun. Fine mali na ko.

Kasi natakot lang naman ako na baka sabihin niya na hinalikan niya ako dun eh.

"I'm fine" sagot niya 

"Try mo kayang mag sorry" bulong ni Keith

Bakit ako mag so-sorry. Kupal kasi 

"What was that Rain?" Mukhang mapapagalitan ako ni Sandro, oo nga pala business partner

"Sorry di ko sinasandya" depensa ko kay Sandro

Takot ko nalang sa kanya. Si Sandro kasi parang siya ang pina ka kuya samin. Lalo na sa akin, since high school ganyan na siya.

"Kanino ka ba naka sakit? Kay Axel ka mag sorry"

Bakit ako din nasaktan, bakit wala akong narinig na sorry?

LOL easyhan mo lang Athea Rain

"Sorry" galing sa puso yun

"Chill everyone, I'm fine. Actually I just drop by here to talk to Sandro. No worries"

Bigla naman akong nahiya

Business shit. Ang babata pa nila pero masyado na silang in-expose sa ganitong mundo. 

Kusa akong kumuha ng barcardi at nilunok.

"Don't drink to much Athea Rain! Mag da-drive ka pa" suway ni Sandro


Whatever!

Di ko pa na try malasing ng sobra. I know my limit if I feel like I'm dizzy already I'll stop drinking. Sa ngayon gusto ko lang uminom ng umimon the after this I'm done with everything. I'm done with Gab, I'm done with Angel. Maybe I'll start with that, saka lang siguro ako makaka move on. 

Acceptance

Yun ang kailangan ko, i'll give that to my self.

Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon