SERYOSO MODE TAYO. KUNG MEJO PA-JOKE JOKE PA YUNG PROLOGUE NUNG BOOK 1, DITO SA BOOK 2.. SERYOSO NA MUNA TAYO. :)
-----------------------------------------------------------------------
Hanggang kelan mo kayang itago ang tunay mong nararamdaman na dulot ng pait ng nakaraan?
Hanggang kelan mo kayang magtago sa maskarang nakasuot sayo?
Marahil palagi ka nilang nakikitang masaya; walang bahid ng kalungkutan sa mukha. At hindi kailanman nagpakita ng kahinaan.
Ngunit hindi nila alam kung sino ang tunay na ikaw.
Ikaw na labis na nasaktan....
Nabigo..
At minsan nang nawalan ng pag-asa..
Ganyan ang buhay ko ngayong college. Bagong lugar, bagong taong nakakasalamuha, bagong mga karanasan.
Parang kelan lang ano? Parang kelan lang na nagpakatanga ako sa isang taong hindi naman worth it ng atensyon ko.
Tatlong taon na rin ang nakalipas, pero sariwang-sariwa pa rin sakin ang nangyari noon. Simula nung araw na yun, hindi ko na ata naranasang sumaya ulit ng sobra.
Sumaya nang dahil sa isang tao tulad niya, sumaya nang dahil sa
PAGMAMAHAL.
Pero hindi maaalis sakin yung poot. Yung galit.
Napapagod na akong alamin ang rason kung bakit kami nauwi sa ganun. Ang rason kung bakit nawala yung dating saya, ang rason kung bakit nawala yung pagmamahalan.
Pero sabi nga nila.. life goes on. Kaya heto ako, nakiki-go with the flow na lang. Ang mga taong nakakasalamuha ko ngayon? Nah, they just see the cheerful and energetic me.
But the anger and pain behind every smile? Walang nakakapansin.
Hanggang kelan ko kayang itago lahat ng totoo kong nararamdaman?
Hanggang kelan ako maghihintay sa mga kasagutan?
Hanggang kelan ko nga kaya ulit mararanasang magmahal ng lubusan?
Eli's the name. Come with me as I face the new world, new people, without the person whom I thought would say 'I'll never let you go.'
------------------------------------------------------------------------------------------
SORRY KUNG LAME. :D MINADALI KO LANG. DAMI KASING NAGREREQUEST. HAHA SANA MAY NAGING CLUE NA KAYO SA MGA POSIBLENG MANGYARI. :>
♥ EIAIA03