CHAPTER SIX : DON'THindi alam ni Kisses kung sino ang uunahin. Ang asawa na nagmamaktol sa gilid, o si Francis na sarap na sarap sa kinakain.
"Tsk. " dinig na naman niya sa asawa. Kanina pa hindi mahitsura ang mukha nito. At kanina parin niya sinasabi rito na umakyat na sa itaas at siya na ang bahala kay Francis, ang kaso, mas nagagalit lamang ito.
"Tell him to eat the food in his own goddamn house, please. " bulong nito sa kaniya na kaagad ding naramdaman ang panlilikot ng mga kamay nito sa kaniyang beywang pataas sa kaniyang dibdib.
"Mahal, " pagbabanta niya rito.
Imbes na itigil ang ginagawa nito, ay inikot pa nito ang mga daliri sa kaniyang kaliwang utong. Pinandilatan niya ito kaagad.
"HILL! " gigil niya sabay waksi ng mga kamay nito.
Umirap si Hill at walang choice na humalukipkip sa gilid. Pinaningkitan niya ng mata ang kanilang kapitbahay at lihim na pinapatay sa kaniyang isip.
"Don't you have a cook in your own house? " may pagka-inis na wika ni Hill sa lalaking kumakain.
Ngumuya-nguya ito, tila nag-isip. At kalaunan ay ngumiti at tumitig kay Kisses na may kislap sa mga mata na siya na namang ikinaputok ng butse niya!
"Meron, noon. Pero nang malaman kong, may babae palang willing akong ipagluto sa panahong ako'y nagugutom. Tinanggal ko silang lahat. " wika nito na hindi inaalis ang titig sa asawa na ikinangitngit na naman niya sa galit.
"Yiiee! Ako ba ang babaeng yen he, Frencis? " ani Kisses na nakuha pa talagang ilagay sa gilid ng tenga nito ang takas ng kaniyang buhok na tila nagpapa-cute.
Umirap siya ng tudo at wala sa sariling sinipa ang small dining table na siyang ikina-ngiwi ng kapitbahay nila.
Nagkatitigan sila ni Francis na siya namang pagtunog ng doorbell.
Tumayo si Kisses at binuksan ang pinto. Nang makita niya na ang sekretarya niya ito ay parang biglang nag drain ang lahat ng dugo niya sa mukha.
"Phs. Mahal! May bisita ka! " si Kisses at bumalik sa pwesto nito.
Imbes na mainis dahil binibigyan na naman nito ng atensyon ang kanilang kapitbahay ay mas nangingibabaw ang takot niya.
"Boss? " mahinang wika ni Magdalene, ang kaniyang sekretarya.
Pumasok si Magdalene habang poise na poise na tila inaaakit siya sa harap ng asawa. Gusto niyang tumayo at hamblutin ito at pagalitan kung bakit tumuloy pa ito sa kanilang bahay gayong narito ang asawa niya.
“Magdalene, what brings you here? ” aniya sa isang pinal na boses. Tinitigan niya rin ito at pilit na pinahawatig na huwag itong gagawa ng bagay na ikagagalit ng asawa niya.
“Unfinished business, sire. ” Wika nito sabay kinagat pa ang pang-ibabang labi.
Nag-iinit ng husto ang bagang ni Hill dahil sa ginawang panlalandi ng sekretarya. Bahagya pa itong lumapit sa kaniya sabay bumulong.
“I’m dying to taste your sweet lips even if it means disrespecting your marriage in your own house, ” bulong nito sa kaniya.
Tila may instinct siya sa nararamdamang may tumutusok ng tanaw sa kanila at kaagad niyang nasalubong ang walang ka emo-emosyong mukha ng asawa na tila ginigilitan sila ng leeg sa isipan nito.
“Love, meet Magdalene, my secretary. ” si Hill sabay tumayo at lumapit kay Kisses na sobrang sama ng timpla ng mukha.
Tila wala namang paki-alam si Francis at nagpatuloy sa pagkain. Pansamantalang nawala sa kapitbahay ang atensyon ni Hill.
“Oh, nice to meet you, Mrs. Magistrate, ” si Magdalene na kulang nalang ay umirap kay Kisses.
Pilit namang pinipigilan ni Kisses na hablutin ang buhok nito at isampal sa pader ng kanilang bahay. Kababaeng tao, kay lalandi.
Hindi ito pinansin ni Kisses bagkos ay tinitigan ang asawa na tila natatae sa inuupuan. Chill na chill namang nagmamasid si Francis na sinisipsip ang buto ng hita ng manok.
“Hi, Miss Magdalene. I am Francis, kabit ka ba ni Hell? ” si Francis na tila nagbibiro na siya namang ikinasamid ni Hill sa sariling laway.
Nangitngit ang ngipin ni Hill at gustong itapon sa labas ang kapitbahay.
Tinitigan lang ng masama ni Hill si Francis na walang pakialam sa mundo.
“Jowk,” wika nito sabay peace sign.
Hindi naman makahinga si Kisses sa presensya ni Magdalene. Gusto niya itong tanungin pero sino nga bang kriminal ang aamin na siya nga?
Umiling-iling si Kisses.
****
Hapon na ng mapiping umuwi ng kanilang dalawang bisita. Walang gana namanv binalingan ni Kisses ang asawa at pinantaasan ng kilay.
“Hon, ” pagtatawag ni Hill sa asawa.
Kaagad niya itong inirapan.
Hindi naman malaman ni Hill ang gagawin sapagkat ang kaniyang sekretarya ang dahilan ng kanilang pag-aaway noong nakaraang mga araw.
Napakamot ng ulo si Hill at sinundan ang asawa sa kanilang silid.
“Kapag nalaman kong may iba ka, mahala ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa’yo. ” Si Kisses na pilit pinipigilan ang mapahikbi.
Lumapit kaagad si Hill sa asawa at niyakap ito mula sa gilid.
“It was always been you, Kisses. I love you. ” Si Hill at pinatakan ng halik ang asawa.
Kisses just found herself naked under his husband and make her feel the passion that all this time, it was her, who owned Hill’s heart and not just a random flirt secretary.
“I love you, Hon. ” Hill said as he pulled himself and hugged his wife tightly. Afraid of what would happen after this moment.
***
A/N: Sorry sa matagal na UD. Busy sa other stories tapos foundation day pa ng School namin.
You can check out my newly finished story, THE BOSS SILENT WORKER. See you there housewives!
You can also check my newly posted story NOT JUST A FAN GIRL. Saranghae and wait for the next UD.

BINABASA MO ANG
Stuck In Between (Completed)
Ficción GeneralPassionate Series 2 Kisses Magistrate. Her only mission is to caught her husband having flings with another woman. Can she made it?