Housewife ❤ 8

825 20 0
                                    

Chapter 8: Caught

Pagod sa maghapong hindi mapaghiwalay na katawan nilang mag-asawa kahapon kaya naman ay nagrerelax si Kisses sa bathtub habang sinasabon ang kaniyang binti.

Ganoon talaga palagi pag bumabawi ito ng oras at araw. Walang kapagurang sex!

Umalis ang asawa papasok sa trabaho nitong umaga. Kahit ilang oras pa lamang ang nagdaan ay namimis na niya ito. Ayaw pa naman niyang napagod na naman ito sa stress sa trabaho kaya bago ito umalis ay binilinan niya itong pupunta siya mamayang lunch upang dalhan ito ng pagkain sa opisina.

Alas dose ang breaktime ni Hill pero balak niyang supresahin ang asawa dalawang oras bago ang lunch. Kaya naman dali dali niyang tinapos ang pagbabad at nagtungo sa kusina upang ipagluto ito ng sinigang at adobo. Medyo dinamihan niya ang mga ito dahil balak niyang mamigay sa mga kabaro nito.

Nasa kotse na si Kisses eksaktong alas nuve singkwenta ng umaga sa garahe ng kanilang bahay. May kung anong kurot siyang naramdaman sa kaniyang dibdib na hindi maintindihan.

Bakit biglang masama ang kutob at nararamdaman niya? May mali kayang mangyayari?

Inalis niya kaagad ito sa kaniyang isipan at pinaandar kaagad ang sasakyan. Nasa harap na siya ng Magistrate Realty Group ng itigil niya ang kaniyang sasakyan upang ihanda ang dalang pagkain bago dumeretso sa garahe.

Saktong natapos siya sa pag-aayos ng namataan niya ang asawang naglalakad pababa ng mahabang hagdan ng building habang akay-akay sa beywang ang sekretaryang si Magdalene.

May umusbong na galit sa kaniyang dibdib habang tinitignan ang masayang mukha ng asawa at and matamis at malagkit nitong hawak sa beywang ng babae.

Ngitngit sa ngipin na akmang lalabas siya sa sasakyan pero may nag udyok sa kaniyang sundan na lamang ito at linisin ang isipan.

Nanginginig ang mga kamay na sinundan niya ang kotse ng asawa. Pilit niyang pinapaliwanag sa sarili na maaaring nay pupuntahan lamang meeting ang dalawa.

Tuluyan ng gumuho ang kaniyang mundo ng tumigil ang dalawa sa isang Five star hotel. Kaagad siyang bumaba at nagsuot ng fashion hat at balabal. Sinamahan narin niya ng sunglasses.

Nasa unahan niya lamang ang dalawa sa reception. Tila mag-asawa kung umasta. Gusto niyang hilahin ang buhok ng walang hiyang babaeng ito at isampak sa pagmumukha nito ang katotohanang malandi siya at sampid lang sa buhay nila.

Lihim na tumulo ang kaniyang luha habang pinapakinggan ang wika ni Hill.

"Suite please, make sure the bed is big para mag enjoy kami ng girlfriend ko,"

Parang nahihipnotismo sa sariling luha si Kisses. Humihikbi na siya at hindi niya na ata kakayanin. Pinahid niya ang kaniyang luha at umiwas ng tingin sa mga nakakapansin sa kaniya.

"Room 404 is a good room for you sir, ma'am" wika ng receptionist.

Nang makaalis na ang dalawa at kaagad niyang hinarap ang receptionist.

"Itataya ko kahit magkano ibigay mo sa akin ang spare key ng room 404," walang kagatol gatol na wika niya.

"Madam, bawal po 'yan kami po ang masisira," natatakot na wika ng receptionist.

Tinignan ng matalim ni Kisses ang babae.

"Susundin mo ako o ipapabagsak ko ang hotel na ito. Asawa ko ang huhulihin ko at pag hindi mo ito ibigay sa akin ang babalikan kita at papatayin," matalim at puno ng sakit niyang sambit.

Umiling at hindi parin pumapayag ang babae. Naiinis na si Kisses at mas lalo siyang naiiyak.

"Give her the key, ako ang bahala." Wika ng lalaking kanina pa nakatitig sa kaniya.

"S-sir Harvey," wika lamang ng receptionist saka ibinigay ang duplicate key sa babae.

Hindi na nagawang pasalamatan ni Kisses ang lalaki dahil nagmamadali siya. Sumakay siya sa elevator at hinintay muna ang ilang sandali. Pinapakalma niya ang sarili sa maaaring makita sa loob ng hotel suit na iyun. Kung tama ang hinala niya ay hindi siya magdadalawang isip na gawin kung ano ang tama.

Nabuhayan ang kaniyang kutob na matagal na siyang niloloko ng asawa. Ang mga late nitong pag-uwi at ang mga titig nito sa ibang babae pati narin ang paglalagay nito ng password sa cellphone.

Nauna ang dalawa ng higit kumulang sampung minuto bago nakasunod si Kisses.

Nasa may pinto na siya at binigyan niya ng sapat na oras ang sarili para sa maaaring masaksihan sa loob.

Limang minuto ang pinalipas niya, alam niyang kung totoo ang hinala niya ay mahuhuli niya ito ng akto.

Pinihit niya ang pinto. At dahan-dahang pumasok at sinara.

Suit nga ito dahil wala roon ang dalawa. Sala set lamang at dining area. Nakakalat ang sapatos ng babae at pati narin ang sapatos at kurbata ng asawa. Nasa may pinto patungong kwarto nakaawang ang pulang panty ng babae at dinampot niya ito.

Nanginginig ang kaniyang kamay at dahan-dahang itinulak ang pinto.

"Aaahh! Ahh! Ang sarap mo sirr!" Sigaw ng babae habang taas baba sa mister na tila baliw na hinahawakan ang dibdib ng babae. Labas ang dila nito tila sarap na sarap.

Nakasilip lamang siya, at tila hindi siya napansin. Gusto niyang panoorin ang asawa, gusto niyang masaksihan kung gaano ito kagaling magpaligaya ng ibang babae dahil sinusumpa niyang hinding-hindi na siya mauuto ni Hill!

"Igiling mo paa ahhh! Sarap mo Magda! Taas baba honey, more make me cum!" He is talking dirty.

Halos hindi na makahinga si Kisses sa sakit at hikbi.

Bakit ganito? Hindi ba sapat ang pagpapaligaya niya sa mister at nakukuha nitong mambabae at makipagtalik sa iba? Saan ba siya nagkulang?!

Nasa bingit ng pagkakabaliw si Hill habang hinahamod ang dibdib ng kaniig at sinisipsip ito ng binuksan ni Kisses ng malaki ang pinto ng suite.

Napatingin si Hill habang subo parin ang dede ng babae at ganun din ang babae na nakataas pa sa ere ang isang kamay at ang isa nasa balakang ng nilingon niya ang pinto.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Hill sa nakikita.

Pulang pula si Kisses sa iyak. Hindi na halos makahingang nakatingin sa kanila.

Marahas na itinulak niya ang babae paalis sa kama at bahagya pa itong nahulog sa puwersa.

"H-hon, h-hon I...I'm-" isang malutong na sampal kaagad ang sumalubong kay Hill nang makalapit sa asawa.

Kaagad siyang tumakbo palabas at nanghihina siya. Hindi niya kaya pang tumakbo.

"Honey!" Sigaw ng asawa pero hindi siya masundan dahil hubad ito.

Nasa may elevator na siya nung nakaramdam siya ng pagkahilo. Matutumba na siya nung may sumalo sa kaniya. Kaagad siyang binuhat ng lalaking tumulong sa kaniya kanina at isinakay sa elevator.

Kalalabas lamang ni Hill at nakita niya ang asawang buhat ng isang estranghero.

Binigyan siya nito ng matalim na titig bago tuluyang sumara ang elevator.

Napaamang si Hill. Hanggang ngayon ay para parin siyang nakalunod sa malamig na tubig.

Hindi siya makagalaw at dahan-dahang napaluhod sa sahig.

"K-kisses.." tangis niya habang may unti-unting basang tumutulo sa kaniyang kamay na nakayukom.

Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili sa nangyari. Hinding-hindi siya patatawarin ng asawa sa nangyari.

***

Stuck In Between (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon