Housewife ❤ 10

982 21 2
                                    

Chapter 10

Pilit na nilalabanan ni Hill ang lungkot matapod mapalayas ng mga magulang ng asawa. Umabot na sa mga ito ang nangyari at hindi ang mga ito natutuwa, sino ba naman kasi ang kayang matuwa sa mga nalaman mula sa kaisa-isa nilang anak na babae.

Nangako si Hill na kailanman ay aalagaan niya si Kisses, hindi sasaktan pero huli na. Hindi niya lamang sobrang nasaktan ang asawa, kundi natapakan pa niya ang pagkababae nito.

Hindi kailanman hinarap ni Kisses nung dumalaw ito. Mag iisang buwan na itong palaging nagpapakita pero hinahabol lamang ng itak ng kaniyang itay.

"HINDI NAMIN IPINAGKATIWALA SA IYO SI KISSES PARA GANITUIN!" Iyun ang palagi niyang naririnig.

Ilang buwan pa ang lumipas at lumalaki na ang kaniyang tiyan. Balak niyang lapitan ang kaibigang Abogada para sa annullement nila ni Hill. Hindi na niya kaya pang patagalin ang apelyedong Magistrate sa kaniyang pangalan dahil naaalala niya lamang ang karumaldumal na ginagawa ng mister.

"Anak, kumain ka na. Hindi nakakabuti sa'yo ang ganiyan." Alo ng kaniyang ina.

Ngumiti lamang ng mapakla si Kisses saka sinunod ang utos ng ina. Hindi kayang pakiharapan ang kaniyang ama dahil labis parin itong nagagalit.

"Ma, kung bumalik dito si Hill haharapin ko na siya,"wika niya na ikinatingin ng mga magulang sa kaniya.

"Anak, hindi pwede baka mapano ka pag harapin mo ang pagmumukha ng gunggung na iyun." Sabat ng kaniyang itay.

Hinawakan ng kaniyang ina ang kamay ng ama. "Kung iyan ang nais mo anak," ang kaniyang ina na kaagad na dinagdagan ang pagkaing nasa kaniyang plato.

Alas tres ng hapon ng may pumaradang sasakyan. Alam niyang si Hill iyun kaya lumabas siya. Ito ang unang beses na nagpakita si Kisses sa lalaki, halos limang buwan narin ang nakalilipas.

"H-hon," garalgal ang boses nito.

Tinignan ni Kisses ng matalim ang asawa. Bumaba naman ang tingin ni Hill sa kaniyang umbok na tiyan.

Nanlalaki ang mga mata nito, hindi inaasahang buntis ang asawa.

Naluluhang tinignan ni Hill ang asawa. Simula noong nangyari ang insidenteng iyun ay nag bagong buhay na siya. Hindi na siya kailanman nambabae ulit. Tanging nasa isip niya lamang ay alagaan ang asawa at kuhain muli ang loob nito.

Mas nadagdagan ang pagnanais niyang makuha muli ang asawa ng makitang buntis ito. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Masayang-masaya siya.

"Gusto ko ng annulment," walang kagatol gatol na wika ni Kisses.

Nawala ng dahan dahan ang ngiti ni Hill. "H-hon, we're going to have a family soon. " aniya saka humakbang palapit sa asawa.

Hindi gumalaw si Kisses. May lambot sa kaniyang damdamin habang nakatingin sa asawang punong puno ng pagmamakaawa. Pero hindi, matigas na ang kaniyang puso.

"Kaya kong palakihin ang anak nating mag-isa" wika niya.

Niyakap siya ni Hill mula sa likod. Tumutulo ang luha at nagmamakaawa. Hindi niya kakayaning mawala sa kaniya ang asawa at anak. Lubos niyanv pinagsisisihan ang mga ginawang pagkakamali at hinding-hindi na niya ito uulitin pa. Hindi na kailanman.

"Give me another chance, Kisses. Give me another fucking chance. If I will be worse of the same. I vow my life to end and I will let you go, please " umiiyak nitong sambit.

Natigilan si Kisses. Hindi niya alam ang gagawin.

Sapat na ba ang paghihirap nito para kaniyang patawarin?

Iniisip niya ang anak. Masasaktan ang anak nila kung maghihiwalay sila. Kahit naman nasaktan siya ay pipiliin na lamang niya ito kaysa naman mawalan ng ama ang kaniyang anak.

Kagat labing tumingin siya kay Hill. "Sige, pagbibigyan kita. Pero tandaan mo ito. Nakaukit sa aking puso ang sakit na dulot mo sa akin, Hill. Hindi ko ito malilimutan,"nay diing wika niya.

Umaliwalas kaagad ang mukha ni Hill. Kahit na walang kasiguraduhan ang sagot ng asawa ay sapat na iyun para maging masaya siya. Sa kabila ng lahat ay binigyan parin siya nito ng chance.

"I don't care kung hindi mo na ako mapatawad, the most important thing to me ay ang makasama ka at ang bubuohin nating pamilya," wika ni Hill habang nakayakap kay Kisses sabay haplos sa umbok ng tiyan nito.

Hindi man naging mabuti ang pagrespeto niya sa asawa sa nakalipas na taon ng kaniyang pambababae ay para namang silot ang limang buwan na hindi niya ito nasilayan. Isinusumpa ni Hill na maging mabuti na siyang asawa rito. Isinusumpa niyang titigil na siya sa kahibangan dahil si Kisses ang kayamanan niya na hindi niya kayang mabuhay kung wala.

Ipinaranas ng asawa sa kaniya sa nakalipas na limang buwan na kung ano ang nawala sa kaniya. Si Kisses lamang ang makakapagpasaya sa kaniya.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay patatawarin ka ng asawa mong mabait. Mayroong mga bagay na dapat niyang isaalang-alang.

Napagtanto ni Hill na para niya naring ginawang laro ang pagpapakasal nila sa ginawa niyang pambababae. It is a sacred thing na hindi niya dapat tinrato ng ganoon.

Gayun paman ay huli na. Ang importante ay tinanggap siya uli ni Kisses, hindi man bilang lalaking mahal nito, kundi isinaalang alang nito ang magiging buhay ng kanilang magiging anak.

***

Stuck In Between (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon