[Car]
Pauwi na sana ako, nang maalala ko yung pinag-usapan namin nila Krizell kanina. Tss. So ano naman? Hindi naman na ko dapat malungkot diba? Oy. Sumagot ka! Psh. K, ayaw mo di wag -.-
Hindi ko nalang namalayan na nandito nako sa park. Sa isang park kung saan hindi ko manlang magawang daanan noon. Dahil dito ko naaalala lahat ng panlolokong ginawa nya. Pero ngayon? Alam kong wala nakong dapat pang ipag-alala, dahil ang Krystal na kinawawa nila noon, ay isa nang Sheera na palaban ngayon.
May nakita akong nag d-date. Kaya naisipan kong bumaba sa Car ko. I just wanna play around. Duh? Hindi naman pwedeng ako nag-iisa, tapos sila masaya.
Umalis saglit yung girl. At naiwan yung Boyfriend nya sa Bench. Ang Corny ng porma nya, may itsura sana ang mukha. Kaya lang walang sense of fashion. Mukha tuloy hardinero. Psh. Pakelam ko sa kanya? Nilapitan ko na sya.
"I like you" I said with my sweetest voice.
He smiled. "Oh really?" Then tumayo sya sa pag-kakaupo nya. At lumapit rin sakin.
"To smell my perfume" dugtong ko.
"H-ha?" Nakakatawa yung mukha nya. Halata kasing nagulat sya sa sinabi ko.
"Here oh" tinuro ko yung shoulder ko. "Can you smell the perfume for me? Can't smell it kasi eh." Eww. So conyo. Nahahawa nako.
Ginawa nya naman yung sinabi ko, and I saw his Girlfriend in My peripheral view watching us. Alam kong naiinis na sya.
"I like you" He whispered. Hah. Pagkatapos nito siguradong sira ang date nyo.
Lumayo ako ng konti. Sapat para marinig rin ng Girlfriend nya yung sasabihin ko.
"Then ditch her" - I said.
"Andrew!?" The ugly Girlfriend said. Nabigla rin yung Lalaki nung nakita nya yung Girlfriend nya.
"Ano na?" tanong ko sa kanya.
"Miss. Sorry, nasa likod mo lang ang Girlfriend ko" nanghihinayang nyang sagot.
"I dont care" sagot ko.
"Miss, excuse me. I'm his girlfriend hindi mo ba ko nakikita?" - Ugly Girlfriend
"Alam mo. Magaganda lang kasi ang nakikita ng Mata ko. So wag kanang magtaka kung hindi kita nakikita." sagot ko sa kanya, nang hindi sya tinitingnan.
"Ah, so nilalait mo ako?" - Tanong nya. Hmp, hindi ba halata?
"Hindi naman. Ini-Inform lang kitang ang Pangit mo" sagot ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo!? May palapit lapit pa sayo ang boyfriend ko" - Ugly Girlfriend
"Hmm, pina amoy ko lang yung Perfume ko sa Boyfriend mo."
"At bakit naman!?" - tanong nya.
"Para naman sa susunod magka taste sya. Hindi yung amoy Pigrolac ang pinapatulan nya." Pagpapaliwanag ko.
"Ang kapal mo makapanlait! Nangsisira ka pa ng Date!"- Sagot nya.
"Kung nasira ko man ang Date nyo, dapat nga magpasalamat ka pa" Pang-aasar ko
"Bakit naman ako magpapasalamat sayo!?" - Ugly Girlfriend
"You've just recieved a bonus from me. Ayaw mo nun? Sira na yang Mukha mo, Sira pa ang Date nyo." At nung nakita kong sasagot pa sya, inunahan ko na sya. "By the way, nice couple huh. Isang Payaso at isang mukhang Hardinero." At umalis na ako ng may ngiti sa aking mga labi.
----
BINABASA MO ANG
T H E M A L D I T A
RandomDEFINITION OF BEING MALDITA: Pagsasabi ng totoo base sa Nakikita. I have my Reasons kung bakit ako naging ganto. At sa Storyang ito, ako si Krystal Sheera Sy. Ang nag-iisang SHEERA-MALDITA. Kung magbabait-baitan ka, lumayas layas kana. Pero kung su...