[Sa Office Ko]
Pagpasok na pagpasok ko palang sa office ko, sinalubong na kagad ako ni Jean. Ang Assistant ko. Sya ang kinuha kong Assistant dito dahil sya lang ang maituturing kong Mapagkakatiwalaan ko sa lahat ng naging Maids namin. Mula kasi bata ako, kina Mommy na sya nagt-trabaho. Although late 20's palang sya.
"Aga mo aah." bati nya sakin. At dahil sa Badtrip ako dun sa nangbunggo saking Bulag kanina.
"You don't effin care." lang ang sagot ko sa kanya.
"Hmm, mukhang may na sample-lan ka nanaman nyan Krys. Oo nga pala, wala na yung Lalaking naghahanap sayo dito slash Gwapo. Pero iniwan nya to." May iniabot naman sya saking folder.
Binasa ko ito.. at.. Ano!? "Plan!?"
"Oo, naglibot-libot nga sya dito kanina eh. Dito nya rin mismo ginawa ang plan na yan. Natapos nya kagad, ang galing noh?" Salita lang sya ng salita habang pinipirmahan ko yung papers na kelangan sa Office.
"Tss. Una sa lahat, paano sya nakapasok dito? Hindi ko naman kilala yang sinasabi mo. Pangalawa, bakit ba sya nagp-plano dito ng hindi ko alam. At pangatlo, hindi ko sya kinuha. So bakit sya nagp-prisintang gumawa?" Nag-iba naman yung Mukha nya dahil sa mga sinabi ko.
"Hindi mo sya kinuha?" Pag-uulit nya sa sinabi ko.
"Psh. Wala ka nabang Originality kaya inuulit mo nalang yung sinasabi ko?" Tanong ko.
"Eh kung ganon bakit sya pumunta dito?"
"Wala kong panahong mag-isip ng sagot dyan sa walang kwentang tanong mo."
Inabot nya naman yung folder. At binasa yung nakasulat doon. "Zed pala ang pangalan nya." Zed? Psh. I'm not interested.
May mga inaayos pa akong papers nang may marinig akong ingay na nag-painit ng ulo ko. Tumayo ako, at tumayo rin si Jean.
"Krys, ako nang b--"
"No." hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya, lumabas na ako ng Office. At narinig ko namang sumunod sya.
----
BINABASA MO ANG
T H E M A L D I T A
SonstigesDEFINITION OF BEING MALDITA: Pagsasabi ng totoo base sa Nakikita. I have my Reasons kung bakit ako naging ganto. At sa Storyang ito, ako si Krystal Sheera Sy. Ang nag-iisang SHEERA-MALDITA. Kung magbabait-baitan ka, lumayas layas kana. Pero kung su...