[Ryan's Office]
"So what brings you here? "
Tinitingnan ko yung buong office nya. Ang tagal ko narin kasing hindi nakapunta dito. At nung tingnan ko yung table nya, may napansin akong picture.
"Anong ginagawa nang picture na yan dyan?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko yung picture, at ibinalik ang tingin ko kay Ryan,
"Display" plain na sagot nya. Tss. Alam ko, hindi ako tanga't bobo gaya ng mga tauhan dito. Picture ko kasi yung naka display, it's my picture 3 years ago. At hindi ko alam kung bakit may kopya sya nyan. -.-
"Pwede ba Ryan, wag mo kong igaya sa Manager nyo ditong engot." sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi, diba? Yung Manager nila kanina parang hindi nag-iisip. Psh. Oh? Kokontra ka? Bigyan nalang kitang Limang piso, hanap kang kausap mo.
"Hahaha. Hard ka talaga. Masama bang idisplay yan? Girlfriend ko yan eh" walang kwentang sagot nya at sinabayan pa nang pagngiti nyang nakakaloko. Kahit may itsura to masasampal ko to.
"All this time, may patid ka paring ugat dyan sa utak mo. Ano ba? Sasagot ka nang maayos, sasagot ka ng maayos?" Oh diba, ganda ng choices >:)
May kumatok namang agaw eksena sa office nyang nakakuha ng atensyon namin.
"Pasok" - Ryan
At pumasok yung Tangang Manager nila.
"Eto na po yung Juice nyo." - Manager
"Bakit eto lang?" tanong ko.
"Diba po gusto nyo ng Juice?" - Manager ba talaga to?
"Alam ko, ako nga yung nag utos diba? Shunga talaga. Ang sabi ko, BAKIT ETO LANG?" sagot ko sa walang kwentang tanong nya.
"P-po?" Sinubukan kong bawasan yung dugo kong Maldita ng 1% sa isasagot ko sa kanya.
At bilang sagot ko sa kanya. "Pwede ba, wag mo munang pairalin yang katangahan mo. Ikukuha mo ba ko ng makakain o maliligo ka ng Juice sa Office na to?"
Umiling iling naman sya.
"I want cake" pag uutos ko.
"Pero wala po kaming cake." - sagot nya. Sinabi ko bang meron?
"Wala akong pakelam, gumawa ka nang paraan. Wag kang magkakamaling lagyan ng lason yun dahil sisiguraduhin kong mabubura ka sa kinatatayuan mo. Bibigyan kita ng 8 minutes para makabili, at kapag nahuli ka.. shempre may Punishment mula sa isang Sheera" >:) Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"A-ano pong punishment?" tanong nya
Tiningnan ko si Ryan. "Simple lang. YOU ARE FIRED. Diba Ryan?"
"Huh? I mean, oo tama ka." Pagsang ayon ni Ryan.
"Pero sir--" protesta nung Manager.
"Your 8 minutes is running." I said with my sweetest voice.
At napatakbo na kagad sya. Hah. Tingnan ko lang kung mahanap nya yung Cake na gusto ko. Eh hindi nya naman tinanong kung anong Flavor.
"Grabe ka Krys. Pero bat ka nga pumunta dito?" - Ryan. Hindi ko nalang sya pinansin. Busy ako sa pag t-type sa IPHONE KO, dahil may nagtext saking BRUHA. Sya lang naman ang kadalasang nir-replyan ko. Wag kayong magkakamaling kunin ang number ko sa Author nito. At baka ma sample-lan ko pa kayo.
TO: BRUHA
Bukas nako ppunta.
---
Oh diba. Sa hinaba haba ng report nya tungkol sa Office at School Works ko. Yan lang ang sagot ko. Eh sa tinatamad akong sumagot ng mahaba. Pakelam nyo ba?
"Bored ka?" Nandidito pa pala to -.-
"Sort of" sagot ko
He smirked. "Baka naman na-miss mo ko?" pang aasar pa nya.
"Pede rin naman. Mangyayari yan pag bumaliktad na ang mundo." sagot ko.
"O baka naman.. gusto mo nang mag Model?" tanong nya ulit.
"Seriously Ryan? So hindi mo pala talaga alam kung bakit ako nandito, at kung bakit ako nadun sa office nang manager nyong tatanga tanga na ang bagal mag Interview." Ang slow nya ha -.-
"At sino namang nakapag convince sayo?" pang aasar nya. Matagal na kasi akong kinukuhang Model dito. Eh sa ayoking mag Model. Kaya hindi ko tinatanggap.
"Dare" tipid kong sagot.
Halatang nagulat sya, at biglang tumawa. "So dare lang pala ang makakapagpapayag sayo?" Pano ba naman kasi, kapag hindi ko nagawa yung Dare. Kailangan kong ipahiram sa mga kaibigan kong WALANG MAGAWA ang isa sa mga Precious Cards ko. (Credit Cards) Shempre hindi ako papayag noh.
"Yep. At syemre isang Sheera pa ba ang magpapatalo?" pagyayabang ko. No, drop that. Pagsasabi ko ng totoo.
"Hahaha. Iba ka talaga" sagot nya.
Nagulat naman kami nung may pumasok na sa Office nya bigla, yung Manager na palang tanga.
"Eto na po yung Cake" hinihingal nyang inilapag sa table.
"Hindi ka lang rin pala tanga. Bastos ka pa" sagot ko sa kanya.
"Eto naman na po yung Cake" - Manager
"Alam ko, hindi ako bulag. Ilabas mo yan, at kumatok ka muna." kinuha nya na yung cake, at nagsimulang maglakad.
"Dyan ka lang sa labas. Saka ka lang papasok pag sinabi ko na." nakita kong huminto sya.
at nagsalita "Pero--"
"Wala nang pero pero. Lumabas kana" pagpuputol ko.
"Aangal ka pa?" umiling sya at lumabas na.
Ibinigay naman na sakin ni Ryan yung Contract. Tss. Mga baliw talaga. At pag mo model pa ang idinare sakin.
----
BINABASA MO ANG
T H E M A L D I T A
RandomDEFINITION OF BEING MALDITA: Pagsasabi ng totoo base sa Nakikita. I have my Reasons kung bakit ako naging ganto. At sa Storyang ito, ako si Krystal Sheera Sy. Ang nag-iisang SHEERA-MALDITA. Kung magbabait-baitan ka, lumayas layas kana. Pero kung su...